Not A Dude
Amber's POV
(O/////O) <---- nakikita nyo yan?
Yan ang itsura ko nung pumasok ako ng kwarto. Lecheng, Jackson na yan! Ugh! Nakakainis! Nakakagulat! Nakakaewan! Tsk
"Oh. Nangangamatis ka dyan?"
Si Kieffer pala, sobrang kahihiyan siguro kaya ako mukhang kamatis ngayon, psh. Leche ka Jackson, nakakainis.
Humawak ako sa pisngi ko "Pabayaan mo nalang." sambit ko pero hinila ako ni Kieffer at hinarap sa kanya
Mas nagulat ako nung tinanggal niya yung kamay ko sa pisngi ko at pinalitan niya ng kamay niya "Ayan oh. Nangangamatis ka, ayaw maniwala eh." sambit nito
GRABE
ANG GWAPO NI BAKLERS! Y IS DAT?!?! >____<
Tinulak ko siya papalayo at naglakad papasok ng banyo, hutaena! Hindi ko na 'to kinakaya? Bakit ganun? Bakit ang lakas ng epekto nung dalawang yun sakin? Aish, Amber. Wag kang malandi, bwisit.
Nakakainis lang. Alam ko namang wala akong gusto ni-isa sa kanilang dalawa pero bakit ganito? Nangangamatis ako kapag may ginagawa silang kabulastugan, psh.
Nakakainis na Jackson yan, akala ko ba magkaibigan kami? Sumobra naman yata ang pagkakaibigan na hinihingi niya! Hindi ako assuming, I'm stating the fact that friends don't kiss each other's foreheads! =___=
Eto namang si baklers, akala ko ba bakla siya? Bakit ang gwapo niya-- I mean bakit ba-- whatever! Fine, gwapo siya. Nakatulong narin siguro ang bilyong facial products na ginagamit niya araw-araw. Alam kong gwapo siya pero bakit ako nangangamatis dahil sa kanya?! ABA!
Lumabas ako ng banyo at nakita kong nanonood si Kieffer ng TV, tumabi ako dito para makinood. Hindi na naman ako mangangamatis nito diba?
"Seriously? Bakla ka talaga!" sambit ko
"Wag ka nga! Maganda naman 'to eh! Ang cute kaya nila!" kontra niya sa akin
Abnormal talaga 'to kahit kelan! Nakakainis! Nandyan naman yung HBO, FOX na maraming magandang palabas tapos ang pinapanood niya yung My Little Pony? Tsk.
"Tch. Whatever."
"Bakit? Ano ba gusto mong panoorin?" tanong niya sakin "Animal Planet. Para makita ko yung mga kalahi mong unggoy." sambit ko
"Weh? Sa gwapo kong 'to mukha akong unggoy? Yeah, right." nagyayabang na sabi niya "Gwapo ka? Akala ko ba maganda ka?" pang-aasar ko sa kanya
"Maganda ako? Edi ligawan mo ko."
O_____O
"ASA KA PRE! ANG BABOY MO! KADIRI YUCK YUCK!" sabi ko at pinaghahampas siya ng unan "Hahahaha! Stop it, Amber! Seriously! Hahahaha!"
STOP DAW PERO TAWA PARIN NG TAWA! =__=
"Whatever. Matutulog na ako." sabi ko at tumayo na ng sofa pero bigla niyang hinawakan yung wrist ko "Dito ka muna." sambit niya
"Ayoko."
AYAN! SIMPLENG SAGOT! WAG NIYA NA AKONG KULITIN! TSS.
"Grabe ka! Kapag kay Jackson, oo agad! Tapos kapag sakin, ayaw? Ang unfair mo, Amber. Ganyan ka na pala( - 3 -)"
>_____<
BAKIT KA NAGPA-POUT?! LECHE NAMAN.
"Ang kulit mo kasi! Bakit naman kita liligawan? Ogag ka ba?" naiinis na sabi ko, kadiri lang. Bakit ko siya liligawan? Di siya bagay maging babae, pwe!
BINABASA MO ANG
Not A Dude [On Going]
Fiksi RemajaAng Winston University ang isa sa mga pinaka-sikat na all boys school sa panahong ito. Saksakan ba naman ng gwapo, talino at hotness ang mga boys dito, won't you pay a visit? Pero ano ang mangyayari kapag may nakapasok na babae sa university na ito...