Hawak hawak ang bibig nagmamadali akong lumabas ng Room namin not minding my prof and classmates staring at me, dire diretso lang ako hanggang sa makarating sa CR at dun ko dali daling isinuka ang lahat ng kinain ko kaninang almusal..
" Braaak! " At isa pang "Braaak! " Suka lang ako ng suka hanggang sa feeling ko nawalan na ng laman yung tyan ko. Binuksan ko na ang gripo at sinimulang linisin ang bibig ko. OMG! Alin ba sa kinain ko kanina ang dahilan ng pagsuka ko. Haay naku never mind na nga lang hindi ko na din naman matandaan dahil sa dami ng kinain ko kanina. Hahaha. PG lang ang peg.
Nang matapos ako, ready na akong lumabas ng CR nang makita ko ang best friend kong tutop ang bibig at nanlalaking matang naka tingin sa akin as if nakakita sya ng multo. Nanlaki din ang mata ko nung narinig ko ang sinabi nya..
"Buntis ka beb???? Ohhh myyy gosssh sinong ama!!! " OA sa kadramahang sabi nya. Napanganga na lang ako sa sinabi nya.