CHAPTER 30:

5.7K 199 75
                                    

ZERENITY/ASHANTA'S POV:

Nang makatakas kay zewis ay sinundan ko yung babaeng taga darkious at nakita ko syang pumunta sa likod ng building malapit sa gubat.

Ngayon nakatingin sya sakin habang nakangisi alam ko ang plano nya pero hindi ko yon pinigilan don kolang malalaman kung totoong may tiwala sakin ang royalties.

Pag ipinagtabuyan nila ako dahil sa kasinungalingan ng babaeng to aalis muna ako dito sa akademya para narin sa batang na nasa sinapupunan ko.

Nagpalabas sya ng black magic bago ibinato sa gawi ko na iniwasan kolang nagpalabas ulit sya ng black big tornado at muling ibinato sakin pumikit lang ako at pumitik sa ere nanlaki ang mata nya ng mawala ng bigla ang tornado na ginawa nya.

"P-Paano ng yari yon?" Hindi makapaniwalang sabi nya habang nakatingin sa akin.

Nakapamulsa lang akong nakatayo habang nakatingin lang sa kanya ng malamig.

Tinignan nya ako ng masama bago ngumisi lalong lumamig ang mukha ko ng sinimulan nyang wasakin ang damit nya kaya nagkapunit punit yon ginulo nya rin ang buhok nya bago lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko bago sinampal sa mukha nya na syang pagdating naman ng royalties.

"ZERENITY!" Naramdaman kong may tumulak sa akin kaya tumama ang likod ko sa puno na naroon. Naramdaman kong kumirot ang tiyan ko tumingin lang ako sa kung sino ang tumulak sakin. zeric

Nag aalalang nilapitan nila yung babaeng umiiyak na ngayon bago sila masamang tumingin sakin.

"Ano to zerenity?" Masama ang tingin sakin ni katalina ng tanungin nya yon Inaalalayan nya ang babae patayo.

"I d-didn't do-" Pumaling ang mukha ko sa lakas ng pagkakasampal ni zeric nangilid ang luha sa mata ko bago tumingin sa kanya.

Nanlilisik ang mata nyang nakatingin sa akin, Tumingin ako sa ibang royalties masama ang tingin ng mga babae at malamig naman ang tingin nila kaius hanggang sa dumako ang tingin ko kay killian na malamig lang ang tingin sakin. Lumandas ang luha sa mata ko dahil alam kong paniniwalaan nila kung ano man ang sasabihin ng babaeng yon.

Oo si chelsea yung babae, Prinsesa sya sa darkious kingdom at sya din yung obsessed kay killian.

"AKALA KO NAGBAGO KANA! BAKIT NANANAKIT KANA NAMAN NG IBA?NAKUHA MONA SI KILLIAN DIBA?BAKIT SINAKTAN MO SI CHELSEA HINDI NA NYA GINUGULO SI KILLIAN DIBA? BAKA NAMAN INSECURE KA?." Galit na sigaw nya bago hawakan ng mahigpit ang balikat ko, Nakahawak lang ako sa tapat ng tiyan ko.

"H-Hindi ko n-nama-" Tuluyang naglandas ang luha sa mata ko ng makita kung sino ang sumampal sakin nabitawan ako ni zeric dahil sa lakas non naramdaman ko lalo ang pagsakit ng tiyan ko kaya humawak ako dito ng mahigpit at patuloy syang pinoprotektahan kung ano man ang gagawin sa akin ng ama nya.

"N-Nakita ko s-syang my kausap na k-kalaban kaya s-sinundan ko sya Pero n-nakita nya ako at m-muntik na nya akong p-patayin." Umiiyak pang sabi ni chelsea napatingin ako sa kanya Palihim syang ngumisi sakin.

Dumilim naman ang mukha nila bago masamang tumingin sakin lalong naglandas ang luha sa mga mata ko ng makitang nag labas ng espada si killian bago itinutok sakin Nakatingin lang sya ng malamig sakin.

Pinilit kong tumayo bago sumugod kay chelsea kailangan ko syang mapatay dahil sya ang kahinaan ni darkin at ng palasyo ng darkious.

Naramdaman kong gumamit si zeric ng mahika bago ko naramdaman ang pagtama non sa balikat ko muntik pa kong mapaluhod dahil sa sakit non dumaloy ang dugo galing sa balikat ko Pero patuloy parin ako sa paglapit kay chelsea na nakangisi parin sa akin.

Nang makalapit ako sa kanya ay naglabas ako ng espada eto lang ang maaaring gamitin para mapatay ang puso ng darkious kingdom espadang pag aari ko, Isasaksak kona sana yon ng mapatigil ako ng makaramdam ako ng may sumaksak sa akin mula sa likod lumandas ang luha sa mata ko ng bumaba ang tingin ko sa dibdib ko sa mismong puso ko kung saan ako sinaksak ni killian. Napaluhod ako dahil naramdaman ko ang unti unti panghihina ng katawan ko.

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon