*Alex's VP*Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, at kung alam ko lang na siya pala ang makikita ko doon na kasama ni Andrei, hindi nalang sana ako nagpunta.
My heart breaks a lot habang nakikita at naririnig ko siya na nakikipag usap kay Andrei.
Flashback
"I'm Rein, Rein Kristof Aragon" sabay na sabay yung pagkakasabi niya at nung pagkasabi ng utak ko sa pangalan niya "Nice to meet you" with his smile na noong una ko palang nakita ay nakakapagpabilis na ng tibok ng puso ko.
"Alex, Alexandria Furukawa" nag fake smile nalang ako kasi nasasaktan ako.
Oo, nasasaktan akong makilala siya, you know why?
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil natupad na yung pangarap ko na makaharap siya at makilala niya ako, pero yung fact na sa ganitong scenario magaganap yung pinaka inaasam asam kong mangyari, it really breaks my heart.
Yung nag iisang taong pinangarap mo ay ang siya ring taong matagal ng hinihintay ng bestfriend mo, na alam mong bata palang sila ay engaged na.
Oo nag ooverthink na naman ako, pero masisisi niyo ba ako? nasasaktan lang ako!
"Natutuwa akong makilala ang bestfriend ng taong gusto ko at mahal ko" yan, isa pa yan.
Gusto na, mahal pa? What? di ba pwedeng isa lang? Like, Ouch diba. Super Ouch. Yung maririnig mo na gustong gusto niya si Andrei.
End of Flashback
"Maam Alex, Ok ka lang po?" tanong sa akin ni Kuya Narding. Yung driver ko.
"Opo kuya, napuwing lang po ako. Madumi na ata yung mga upuan. Pakipalinis nalang po bukas nitong sasakyan." utos ko kahit alam kong araw araw nililinis to ng mga katulong sa bahay.
"Opo Maam"
"Ah manong, pakidiretso po ako sa stadium."
"Sige po maam!"
Habang naglalakad ako sa loob ng stadium, hindi ko maiwasang maalala lahat ng mga alaala namin dito ni Rein.
Si Rein lang ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso ko sa unang pagkikita palang namin.
Long time crush ko siya, pero hanggang ngayon hindi parin umuusad ang love story namin. Pero paano nga uusad diba, I only have one-sided unrequited love.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang isa isang bumabalik sa akin lahat, simula noong unang kita ko sa kanya, unang araw ko dito sa school, unang time na nakita ko siyang ngumiti, kung paanong naging mallows ang tawag ko sa kanya, at madami pang iba, lahat ng iyon na nakakapagpasaya sa akin noon ay unti unting dumudurog sa puso ko ngayon
"Bakit ang unfair naman, bakit si Andrei pa? Bakit bestfriend ko pa?" Di ko na napigilang hindi mailabas yung nararamdaman ko.
"Hindi talaga lahat ng bagay aayon sa plano natin." Kinilabutan ako bigla dahil may isang tinig akong narinig mula sa kung saan. Pero kilala ko kung kaninong boses yun.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...