Could Be Us Someday

31 1 0
                                    

Light lang 'to. Enjoy!
_

Palagi kong sinasabi sa sarili na kontento na ako sa lahat ng kung ano'ng meron ko.

Suportadong pamilya, suportadong kaibigan at suportadong boyfriend na higit sa lahat ay mahal na mahal ako.

Oo, matagal na kami. Kung sa iba'y parang bago lang kasi nga 'di ba? Kapag una, nandoon palagi yung 'butterflies in my stomach', siyempre, yung kilig feels simpleng titigan lang na para kang malulusaw sa kilig at pintig ng puso mong sobra kung kumalabog.

May ibang nagsasabi na may chance daw na mafa-fall out kaming dalawa pero limang taon na kami! Proven and tested na iyon at hindi pa ni isang araw na hindi kami nagkakaintindihan!

Iwinaksi ko iyon sa isip at bumaling sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin ng maihatid niya ako sa harap ng sarili naming campus. Ipinarada niya iyon sa mga nagkukumpulang mga tao. Kitang-kita ko naman ang pag-angat ng mga tingin sa amin ng ibang estudyanteng dito rin nag-aaral.

It was a white cabriolet kaya kitang-kita kaming nandidito sa loob. Inayos ko rin ang buhok na bahagyang naging buhaghag dahil sa hangin na inilipad ito at tumabing na rin mismo sa sarili kong mukha.

Nagulat pa ako ng maramdaman ang kamay nitong tinulungan ako sa paghawi ng buhok ko. Narinig ko naman ang bigong talak at buntong-hininga sa mga nakakita ng ginawa nito.

"Next time, talian mo ang buhok mo sa tuwing hinahatid-sundo kita sa paaralan n'yo, Ysa," nakangiting aniya. "Para hindi ka mahirapan na ayusin ang buhok mo," kumindat siya sa akin at parang dinaga naman ang puso ko at nalusaw sa ngisi nitong mapapatigil ka.

Hindi namang maipagkakailang guwapo si Nix. Palagi ko kasing naririnig na maraming nagkakagusto sa kaniya kahit na kami na ng lalaki.

Well, sorry bitches! He's mine.

I plastered my evil smirked to them who are watching. Hinagkan niya ako sa noo bago siya umalis at sinabing magkikita pa raw kami nito mamaya dahil susunduin niya ako.

Hindi naman mapuknat-puknat ang ngiti ko sa labi at parang nakalutang na naglalakad papasok sa loob.

"Hoy! Ysa, ha! Napaka- Sanaol na lang talaga gan'yan ang trato ng boyfriend!" panimula ni Helen ng makalapit sa akin.

Marami pa itong sinabi tungkol sa nakita nito. Talak ng talak pero hindi ko pinansin.

"Pero, besh. May narinig din naman ako na dalawang nasa iisang relasyon na kahit umabot ng taon katulad ninyo ay humiwalay. Hindi naman sa pinag-ooverthink kita, ha?"

"Paano kung... alam mo na?"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What?" usal ko.

Ngumuso siya at lumapit sa akin bago binulong, "Maghiwalay kayo? Kasi, magkaiba na kayo ngayon ng paaralan. Paano kung mangyari man 'yon?"

"Hindi ka rin ba nagtataka kung ba't nagtransfer ng school si Nix, bigla? Puwede namang dito na lang siya kasi mas malapit at palagi kayong magkasama katulad noon?"

"He said too, that he won't leave you while you haven't been graduated sa college? Ba't biglang umiba at gano'n yung nangyari?" nakataas-kilay niyang tanong.

Umiling ako sa kaniya, "You know, Helen... I get your point," I breathed. "Pero, wala pa rin iyong kasiguraduhan. Sinabi na rin sa'kin mismo ni Nix ang tungkol dito at walang mangyayari. I really trust him."

Ngumisi ako ng may maalala, "He said, he'll wait for me until I graduate... magpo-propose siya sa'kin no'n, alam ko," bumingisngis ako habang iniisip iyon.

"Whatever you say..." she trailed off.

'Wag na 'wag niya lang sabihin iyon! Alam kong mahal ako ni Nix at hinding-hindi mangyayari iyon.

Well... not until that day...


Masaya ang lahat, may handaan. Nakatoga ako at may suot na trencher hat. Malawak ang ngiti dahil naabot ko rin ito, ang makagraduate sa kolehiyo at kursong matagal ko nang hinahangad.

"Congrats," yan ang sabi niya sa akin.

Hinayaan kami nila Mama at Papa para dito. Imbes na sila ang kasama ko sa araw na iyon ay naging si Nix.

Hinihintay ko na rin kasi yung panahon na ito na kung saan ay sasabihin niya sa akin ang katagang iyon kaya nakatunganga ako sa kaniya at hinihintay siyang magsalita...

"Nakatapos kana..." he glanced at me and smiled. "Masaya ako para sa'yo, Ysa," aniya pa.

Hindi, hindi iyan ang hinihintay ko...

"Pero..."

Kumunot lalo ang noo ko. "Pero ano?"

"I'm just waiting for this day na... maabot mo ang pangarap mo... At naabot mo nga," aniya, mahinang tumawa. "Siguro... panahon na 'to para bumitaw?"

"H-ha?"

Umiling siya at mapait na ngumiti. "You can't love me, Ysa. You can't love me until now... even from the very first."

"B-bakit? A-ano'ng sinasabi mo, Nix?" nauutal kong sabi. Kumunot ang noo.

"You should stop... You already achieved your wish, my wish... our wish for together pero wala na ako... Wala na ako sa araw na ito..."

"May taning na ang buhay ko simula't sapul na sinagot mo ako. Masayang-masaya ako nang sagutin mo ako at minahal sa mga huling taon na ako ay nabubuhay pa..."

"Hindi mo ako iniwan, hindi ka bumitaw at hindi ka ni minsan na nawalan ng tiwala sa akin kahit na, lumayo na ako."

"I want you to be happy, yung mga mata mong kumikislap tuwing mapapatingin sa akin at ang ngiting hindi mapapantayan ng iba."

"Maging masaya ka at bumitaw na simula ng araw na ito. Mahal na mahal kita at 'wag mong iisipin na dahil wala na ako ay hindi kana tatayo at hahanap ng taong magmamahal sa'yo..."

"I want to marry you so damn hard pero hindi pwede 'yon! Hindi pwedeng mahalin mo ako dahil hiram na oras lang, hiram na panahon lang ang ibinigay sa akin para makasama ka."

Tila para itong nawawala sa paningin ko... Sa tabi ko at hindi ko na mahawakan kahit malawak ang ngiti niya, matiim ang tingin.

"H-hindi! H-indi totoo ang sinasabi mo, Nix! Nagbibiro ka lang!" bulalas ko.

Unti-unting nangilid ang mga luha ko sa pisngi, walang tigil. Kumirot ang puso ko nang napagtantong nasa harapan ako ng isang puntod.

Bumungad sa akin ang pangalang nakaukit sa lapida at pangalan niya iyon.

Oo nga pala, naaalala ko na. Kaya ako hinayaan nila Mama at Papa na kausapin siya ngayong araw...

Hinihingal ako na makaabot galing sa campus at nagmamadaling makaabot habang may oras pa.

Ayaw kong maniwala pero tumigil ang mundo ko nang marinig ang tunog na iyon.

Kahit masakit... tatanggapin ko. Tatanggapin ko ng buong-buo. Mahal ko siya pero hindi ito ang panahon naming dalawa.

Nakita ko sila ng kaibigan ko, masaya ito kasama ang lalaking mahal nito. Wedding day nila at nakatingin lamang ako sa kanila sa malayo.

Ganito sana kami kung hindi nangyari iyon... "Could be us someday... Nix. Could be us... someday... somewhere..." 

_

Asul

Copyright © 2021 by blooberryyy

Could Be Us SomedayWhere stories live. Discover now