Chapter 31

57 3 0
                                    

"bat ka nandito?" Tanong ng prinsipe na kasama ko.

"Bat bawal?" Sagot ko rito

"Bat ba pag nag tatanong ako sasagutin mo rin ng tanong ah? Alam mo bang pang didirespectful ang ginagawa mo nyan sakin?"

"Friends naman tayo" sabi ko rito.

"Kahit na" sabi nito na kinalaki ng mata ko.

"Uy!....di nya dineny! friends na tayo?" Nakangiti kong sabi rito.

"We're not friends" dikit kilay nyang sabi sakin.

"Luh! Sabi mo kahit na! kaya walang bawian. We're friends!" Sabi ko rito ng nakangiti at ang katabi ko ay kunot nuo. Hayst.

Tahimik ang pagitan naming dalawa pero imbis mailang ako ay parang komportable pa nga ako.

"Ate---" sabay kaming napatingin sa gawi ng sumulpot si tiny. Tumingin si tiny sa katabi ko at parang natatakot.

"Wag kang matakot tiny... Muka lang yan nakakatakot pero mabait iyan" sabi ko rito. Dahan dahan naman lumapit sakin si tiny.

Ewan ko pano nakapunta si tiny dito pero siguro dahil sa pag gagala nito. Gusto nya raw kasi mag iikot ikot at nabobored daw sya sa dorm namin kaya pinayagan ko sya basta mag iingat lang sya.

"It's getting late" napatingin ako sa katabi ko ng mag salita ito. Tumayo ito at nilahad ang isang kamay para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko naman ito.

Ewan ko pero ang weird lang kasi titig na titig si Zaiden kay tiny na parang iniinpeksyunan. Pero bakit? Or baka guniguni ko lang iyon?. Ay ewan.

Hinatid ako ni Zaiden hanggang building 11 lang at umalis na sya. Umakyat nalang ako sa dorm ko at natulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan ay dala dala ko ang back pack ko na may laman na damit ko. Iiwan ko si tiny kay sanya para sya ang mag bantay at ang bruha tuwang tuwa kasi may malalamog daw sya mamaya.

Bumaba nako sa building at nakita ko si Keil na nag aantay roon. Lumapit ako sa kanya at ng nararamdaman nya ang presensya ko ay napalingon sya sa gawi ko.

"Tara na" yaya ko sakanya at tumango naman sya. Papunta na kami sa gate ng school kasi ron daw ang antayan. Nakita ko ang mga nanalong representative ng bawat lahi.

Kompleto na kaming winner at mga Royals nalang ang inaantay namin. Kala ko matatagalan ang pag dating nila pero mali kasi nakikita na namin sila na nag lalakad papunta rito.

Nang nakarating na sila napapatingin sila sakin at parang kinikilala nila ang pag katao ko sa pamaraan ng pag tingin nila.

Naiilang naman akong umiiwas ng tingin sa kanila.

"Destin" napatingin ako kay Keil na titig na titig sakin. "Tara na" sabi nito. Nung una nag tataka ako pero napatingin ako sa tinignan nya at nakita kona ang mga karwahe na mag dadala samin sa tren. Na una ako mag lakad papunta sa karwahe. Apat na tao sa isang karwahe dahil maliit ito.

Ewan ko kung saan kami papunta pag katapos ng byahe sa tren. Ayaw sabihin ng teacher na kasama namin kase daw surprise daw. Di wow.

Nag nakarating na kami sa istasyon ng tren isa isa kaming nag si babaan galing sa karwahe. Binigyan kami ng teacher ng tig iisang ticket kase kukunin daw iyon ng lalaki sa harap para maka pasok kami.

Sa loob ng tren may kwarto kwarto. Ang kumukuha lang non ay mga mahabaang byahe kaya sigurado mahaba nga rito at kaylangan kong i ready ang sikmura ko kase sigurado ako na mag tatawag ako ng uwak.

Sa room na na-assign samin ni Keil may dalawang higaan. Humiga nako para mawala sa isip ko ang nakakahilong byahe. Sa lumipas na dalawang araw ay stay in kami sa kwarto at ayokong lumabas dahil nahihilo ako staka di ko feel makipag friends feeling ko lang masusungit sila.

"Student... Ayusin nyo na ang gamit nyo at andito na tayo sa distenasyon natin" sabi ng parang speaker rito sa loob. Inayos ko naman ang gamit ko at ng lumabas na kami ni Keil sa kwarto.

Ng naka baba na kami ng tren at nakita ang paligid laglag ang pangang nilibot ko ang mata ko sa paligid. Puro green ang nakikita ko at parang panahon ata to ng Jurassic era sa sobrang ganda ng paligid. May lumilipad lipad pang hayop sa langit at ang akala ko ibon at nanlaki ang mata ko ng lumipad ito pababa at nakita ko ng malapitan ang ibon na akala ko nung una pero isang paking dragon! Lahat kami nagulat except sa mga Royals.

"Welcome to Eden!" Sabi ng lalaking nakasakay rito. Nilibot nya ang tingin samin at biglang nalungkot ang mukha nya.

"Henry" napatangin ako sa teacher na kasama namin nangangalang Victoria. Ewan ko kung ako lang pero di ko bet si ma'am.

Tumango naman ang lalaki kay ma'am. "Hindi sya sumama" sabi nito. Kumunot ang nuo ko.

'eh?'

"So student, again welcome to Eden. Ako si Henry ang tagabantay sa Eden. Wala kaming karwahe na masasakyan nyo papunta sa tutuluyan nyo. Ang meron lang kami ay mga dragon" pumito ang lalaki at may maraming dragon ang lumapit samin. "Ang mga dragon na to ang mismong pipili sainyo. Ayaw nilang hindi komportable sa isasakay nila kaya pag pinili kayo.ibig sabihin komportable sila sainyo" tumango kami.

'angas!'

May lumalapit sa mga kasamahan ko at kay Keil ang lumapit rito ay isang red dragon. Meron na silang lahat pero wala sakin.

'wtf?'

Napatingin sila sakin.

"I guess hindi sila komportable sayo iha" sabi ni sir Henry. Nalungkot ako.

"Angkas ka nalang iha" tumango nalang ako. Nauna na ang mga kasama ko na nakaalis kasama ng nga dragon nila samantalang ako. Aangkas lang.

Paupo palang ako ng biglang kumaripas ng lipad ang dragon. Napahawak ako sa damit ni sir Henry.

"Lau tigil!" Napatingin ako kay Sir na parang tinatawag ata ang alaga nya ngunit hindi tumigil ito. Huminto ang mga kasama ko at pinanood kami. Nag wawala sa ere si Lau at sa di inaasahan nahulog ako.

'i believe I can fly'

Nakikita ko silang sinusundan ako para iligtas. Hindi ako sumigaw o kung ano pumikit lang ako para matago ang takot ko.

Akala ko babagsak nako sa lupa pero may nagligtas sakin. Dinilat ko ang mata ko ngunit hindi ko sya makita sa liwanag. Against the light kasi. Nang ok na ang liwanag nanlaki ang mata ko. Natulala ako sa taong nag ligtas sakin.

"You look stupid" kunot nuong sabi nito.

'aba!'


"Hoy----"

"Subukan mo mag ingay ihuhulog kita"putol nito sakin. Napatahimik tuloy ako.

'napakasama neto! Hmp!'

Napanguso tuloy ako. Narinig ko ang mumunting tawa nito.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon