Gusto ko lang ngayon ay titigan siya hanggang may chance ako.
"Binibini?" Bigla Naman akong natauhan sa pagtawag Niya sa akin dahilan para itulak ko siya palayo sa akin at pinagpagan Ang sarili ko.
Ano bang iniisip ko? Nahihibang na ako! Pakiramdam ko kanina nasaniban ako ng kaluluwa ni Arabella na sa totoo lang ako Naman talaga Ang sumanib sa kaniya.
"Yak kadiri! kadiri! Umalis ka sa katawan ko Arabella kadiri!" Sabi ko habang pinapagpagan Ang sarili ko. Nakita ko namang tumakbo papunta sa akin si Maria na nagtatago pala sa punong pinagtataguan ko kanina.
"Ayos lang po ba kayo binibini?" Tanong ni Maria pero di ko siya pinansin at lumapit ako Kay Rafael.
"Hoy ikaw!" Tawag ko sa kanya na kanina pa nakatingin sa akin. Nawiwirduhan siguro siya Kasi pinapagpagan ko Ang sarili ko. "Wag na wag mo akong hawakan naiintindihan mo?! Hindi mo ako pwedeng hawakan. Sasapakin Kita pag hinawakan mo ako ulit! Kahit na mamamatay na ako wag mo akong hawakan! Bawal mo akong hawakan X Yun X!" Banta ko sa kaniya na inekis ko pa Yung dalawang kamay ko. Nagulat Naman siya Kasi sinisigawan ko siya. Hindi Naman siya nakapag salita.
"Tara na Maria." Inangat ko Ang saya ko para makapag lakad ng maayos at naramdaman ko namang sumunod si Maria sa akin. "Binibini ibaba niyo po Ang inyong saya." Sabi Niya pa pero Hindi ko ginawa at patuloy lang sa paglalakad.
"Saglit lang Arabella!" Si Rafael pero Hindi ko siya nilingon at patuloy na nag lakad.
"Pasensya na po kayo ginoo." rinig ko pang sabi ni Maria Kay Rafael at dali daling sumunod sa akin.
Doon ulit kami dumaan sa likod ng bahay kung saan kami dumaan kanina. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa sala kung San nag uusap Ang mga magulang Namin at Yung dalawang kapatid ni Rafael. Mag papaalam lang ako na gusto ko nang mag pahinga.
Nakita ko Naman Yung orasan 7:30 na pala 30minutes lang pala akong nasa labas gusto ko Sanang dun lang muna hanggang 9pm pero panira ng araw tong si Rafael.
Pagbaba ko ay napatingin sila sa akin.Nakita ko namang tapos na sila sa pagkain at papauwi na sila Don Carlito. Ngumiti ako bago lumapit sa kanila.
"Pwede po bang mag pahinga na ako? Medyo masama na po Kasi Ang pakiramdam ko." Sabi ko at tumango Naman si Don Miguel. "Mag pahinga ka na anak alam kong kagagaling mo lang at kailangan mo pang mag pahinga." sabi ni Doña Teresa. Ngumiti ako at aakyat na sana pabalik sa kwarto ko pero biglang pumasok si Rafael at nag katinginan kami. Nag iwas ako ng tingin at umakyat na pabalik sa kwarto.
Pag pasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama. Di pa ako inaantok Ang aga pa 7:30 pa 12 midnight ako natutulog eh Kasi nag lalaro pa ako ng online games.
"Binibini" Hindi ko napansin si Maria na pumasok na pala sa kwarto ko. Nakatitig lang ako ngayon sa kisame.
Ikakasal ako Kay Rafael, titira kami sa iisang bahay at matutulog sa iisang kwarto. No way. Nakakadiri Naman pag Ganon.
"Binibini nakita kong kumikislap Ang iyong mga mata habang nakatingin Kay Ginoong Rafael kanina. Hindi bat siya Ang iyong Kasintahan?" Tinignan ko Naman si Maria at binigyan ko siya na nakakadiring tingin.
"Anong Kasintahan? Hoy di ko Kasintahan Yun!" Sabi ko sa kaniya at napangiti naman siya at parang tinutukso Niya ako.
"Kapag ipinagkasundo na kayong dalawa na ipakasal ibig-sabihin nun ay magkasintahan na kayo." Napatingin Naman ako sa kaniya dahil tama nga Naman siya. "Nagulat ako sa inyong inasal kanina binibini, ikakasal Naman na kayo bakit ayaw mong hawakan ka ni Ginoong Rafael?" Tanong Niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kasi ayaw ko." Sagot ko sa kaniya. At bumangon ako sa kama at nag indian sit sa harap Niya. "Bat alam mong ikakasal kami?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti Naman siya. Parang timang tong babaeng to ngiti nang ngiti Hindi ba siya nauumay kakangiti?
BINABASA MO ANG
Way Back 1885
Historical FictionSi Andrius ay lalaking nag mula sa kasalukuyang panahon ngunit isang aksidente Ang nag balik sa kaniya sa nakaraan at para makabalik siya sa kaniyang panahon ay kailangan niyang tapusin Ang kaniyang misyon. Magagawa Niya kaya Ang kaniyang misyon? O...