Chapter Twenty Two

2.8K 59 28
                                    

"Listen to me Damon, I'm sure, Leigh will forgive you after this. Hindi ka magsisisi na ako ang nilapitan mo," Inakbayan ako ni Cedric and I glared at him.

"Keep your hands off of me, Cedric" I said with a warning tone at agad namang inalis ni Cedric ang kanyang kamay sa balikat ko. I don't know if I am going to trust this guy.

"Don't worry Damon, you know how expert Cedric is when it comes to girls." Matt said and I drank the remaining contents of my alcohol.

"So, what am I going to do?" I asked and I suddenly wanted to back out when I saw his smile.

"Okay, first, do this..."

------

"Good morning Nanay Celia! Good morning Rose," bati ko kina Rose at Nanay Celia nang makita ko sila pagpasok ko sa kusina. Nagtaka pa ako dahil naroon din si Rose na madalas ay nagsisimula ng maglinis ng bahay at bakuran sa ganitong oras.

Medyo late na din kasi akong bumaba dahil iniiwasan ko na makasalubong si Damon. With what he said yesterday, I don't think I have the courage to face him. I don't want to ruin my mood.

Hawak hawak ko sa kamay si Devon na nagkukusot pa ng mata. I woke him up para sabay na kami magbreakfast.

Tumingin naman sila sa akin at nagulat ako sa reaksyon nila dahil tila nakakita sila ng kababalaghan.

"Anong problema?" tanong ko.

"Kasi...Leigh," alanganing wika ni Rose at tumingin kay nanay Celia. Humakbang naman ako palapit dahil tila may pilit silang itinatago sa likuran.

Nang makalapit ako sa kanila ay bigla akong hinarangan ni Rose.

"Rose?" takang tanong ko.

"Leigh, uhm, pwede ba akong magpatulong sa sala? Hindi pa kasi tapos magluto si Nanay Celia." wika nito at pilit akong pinatalikod.

"Wait lang, ano bang problema Rose?" I asked dahil naguguluhan ako sa inaakto niya.

"Rose, hayaan mo na si Leigh." wika ni Nanay Celia at binitawan naman ako ni Rose. Lumapit ako sa lamesa at agad silang nagbigay ng daan.

I was surprised when I saw the things on the table. Agad akong tumingin kay Rose.

"Did you cook this Rose?" I asked and Rose suddenly blushed.

"Hindi! Marunong naman akong magluto Leigh. Grabe ka sakin." she said defensively.

"Si sir Damon ang nagluto niyan. Nagulat din ako nang makita yan kanina ineng. Hindi ko malaman kung itatapon ko na ba o ipapakain sa aso sa kabilang bahay" wika ni Nanay Celia. "Sinabi kasi kanina ni sir Damon na lumabas muna ako ng kusina kaya nagpunta ako sa labas para diligan ang mga halaman. Bumalik lang ako nang makaalis na sir Damon at ito ang nadatnan ko" Napahawak pa sya sa noo.

Tumingin akong muli sa mga pagkain na nasa lamesa. Pritong itlog at bacon lamang iyon pero hindi na halos makilala dahil sa sobrang pagkasunog.

Then I saw a note under the plate and picked it up.

'Sorry' yun lamang ang nakalagay. I frowned.

Rose tried to look at the note pero mabilis ko iyong itinago sa bulsa.

"Mommy what's that black thing?" Devon asked at sumiksik sa amin para makasilip.

"It's burnt food Devon. But you can't eat it na because it's already bitter" I said.

"Ipagluluto na lamang kita ineng, hindi niyo makakain ito ni sir Devon." I looked at Nanay Celia.

"Ako na lamang po. Tapusin niyo na po yung ginagawa nyo." wika ko. She's doing a lot of things already dahil dalawa lang naman silang kasambahay ni Damon.

He's a Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon