Amanda
Pinarada na ni Kuya Teban, ang personal driver ko, ang sasakyan sa parking lot ng bago kong school. Hindi muna ako bumaba, bagkus ay tumingin muna ako sa labas gamit ang tinted na bintana ng kotse ko.
“Siguro naman, magiging matino ka na ngayon.”
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya sa driver's seat. Hindi ko siya nilingon.
“Matino akong tao, Kuya. ’Yong mga nakakasalamuha ko ’yong hindi.”
“Napasukan mo na ata ang lahat ng eskwelahan dito. Kapag na kick-out ka pa ulit diyan sa bago mong school, ewan ko nalang kung anong gagawin sa ’yo ng mommy mo.”
Napairap ako. She can send me to different schools but she won’t be able to convince me to be a proper lady. Kapag nairita ako sa isang tao, binubugbog ko.
“Pasok na ako, Kuya. Baka ma-late ako.”
“Oh sige, mag-iingat ka.”
Tumango ako. Binitbit ko ang bag ko at binuksan ang pinto ng kotse saka ako lumabas. Sumalubong sa ’kin ang preskong hangin dahil sa mga puno na nakapaligid sa school. Hinahangin ang mahaba at kulay blonde kong buhok na nakabagsak sa likod ko.
Narinig ko ang pag-andar ng kotse ko palayo. Napatingin ako dito at napabuntong-hininga. Ilang beses ko ng kinumbinsi si mom na payagan nalang akong magdrive ng kotse ko pero hindi siya pumapayag. Baka daw mapano ako kapag ako ang magdrive.
Iniling-iling ko ang ulo ko. There’s no use thinking about it. Mas mabuti na rin ’yon. Tinatamad din naman akong magdrive.
Binalik ko ang tingin sa paligid. Marami-rami na ang nandito dahil 7:30 na. Thirty minutes nalang at magsisimula na ang klase.
Naglakad ako papasok ng building. Marami akong nakasalubong na mga estudyante rin. Ang iba ay nagtataka kung sino ako at ang iba naman ay walang pakialam.
Naisipan kong mag-ikot nalang muna sa buong campus. Gusto kong makita kong gaano kaganda ang paaralan na ’to. Madalas ko itong gawin. Iikutin ko ang buong campus bago ako makick-out.
Abala ako sa pagtingin-tingin sa mga nagtataasang gusali ng may makabangga ako. Hindi ako natumba pero ang nakabangga ko, oo. Napatingin ako sa isang may katabaang babae na nakasalampak sa sahig. Mabilis na nagsilingon sa gawi ko ang ibang estudyante.
Tinaasan ako ng kilay ng babaeng kasama ng nakabangga ko bago tulungan ang kasama niya. Bagot ko lang siyang tiningnan.
“Miss, parang bago ka pa dito, ah?” Maangas na sambit ng babae.
“...”
“Huy, tinatanong kita.”
Hindi ako umimik. Hindi ako magsasayang ng laway para makipagsagutan sa kanya. Kung susugod siya, lalabanan ko siya.
“Aba, matapang ’to ah?” Napapatango-tango niyang sambit sa kasama niya.
Bigla niyang pinalipad ang kamao niya sa ’kin. Pinilig ko pakanan ang ulo ko saka sinalo ang pulso niya gamit ang kanang kamay ko. Pinilipit ko ito saka siya tinadyakan palayo. Sumalampak ulit siya sa sahig.
Sumugod din ang babaeng kasama niya. Isang flying kick ang pinakawalan niya pero umilag lang ako. Sumugod ulit siya. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, natagpuan ko nalang ang sarili ko na pinupulot ang bag ko sa sahig habang namimilipit sa sakit ang dalawang nakalaban ko.
Mabilis silang tumayo at sinamaan ako ng tingin. “Magbabayad ka! Tandaan mo ’yan!” Sabi nila bago paika-ikang tumakbo palayo.
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at mabilis akong pinalibutan at pinuri. Ang iba ay hinihingi ang number ko, ang iba nagtatanong kung ano ang pangalan ko, ang iba ay sinasabing ang galing ko daw. May iba ding kinukunan ako ng litrato.
YOU ARE READING
THE AGENTS: SQUAD
ActionAmanda was a trouble magnet wherever she goes. She's a short-tempered high school girl with so many bullies. Everyone who tried to mess with her were sent to the hospital and was admitted for almost a year. For her, "You'll got bullied if you let th...