Agent 2.

20 2 0
                                    

Amanda

The time is 6:30!”

“The time is 6:30!”

“The time is 6:30!”

“The time is 6:30!”

“The time is 6:30!”

“The time is–”

I lazily turned my alarm clock off. Kinusot-kusot ko ang mata ko na nasisilaw sa sinag ng araw. Nakabukas na naman kase ang bintana ng kwarto ko. Madalas ko ’tong makalimutang isara sa gabi.

Gusto ko pang matulog. Halos hindi ako makatulog kagabi. Lintik kase eh! Hindi mawala-wala sa isip ko ’yong nakita ko kagabi! Kainis!

Inis kong ginulo ang buhok ko.

“Anak, bumangon ka na diyan. Handa na ang almusal.”

Napalingon ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni Manang Pecha. Nakadungaw siya sa may pinto habang nakangiti sa ’kin.

Nginitian ko siya.

“Good morning po Manang.”

“Good morning din hija. Oh, sige na, bumangon ka na diyan, ha.”

“Sige po. Maliligo lang ako.”

“Oh sige.”

Umalis si Manang at isinara ang pinto. Bumangon ako sa kama at inayos ito bago pumunta ng banyo para maligo.

Mabilis lang akong natapos. Pagkalabas ko ay pumunta ako sa may walk-in closet para pumili ng damit.

I don’t have dresses and skirts. It’s not that I hate it, I just prefer wearing high-waist pants paired with t-shirt and killer boots because I'm a trouble lady.

Naglotion muna ako sa iba’t ibang bahagi ng katawan ko. Ng matapos ako ay kinuha ko ang isang white turtle neck with long sleeves at isang black fitted high-waist pants saka ito sinuot. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang itim na killer boots na may three inches heels.

Pumunta ako sa salamin para tingnan ang hitsura ko.

Perfect.

Tinangal ko ang tuwalya sa buhok ko at umupo sa harap vanity table. Humarap uli ako sa salamin. Kinuha ko ang hair dryer saka pinatuyo ang buhok ko. Habang ginagawa ko ’yon ay napaisip ako.

Ano kayang mangyayari sa ’kin sa loob ng eskwelahan na ’yon? I mean, everyone in there acts like a royalty because, they are. Even if I’m rich, well my family is, I never acted like a damn princess. Ayokong maging mahinhin. Nakakasuka. And the fact na ganung klaseng tao ang makakasalamuha ko dun palagi, ewan ko nalang. Baka hindi pa natatapos ang umaga eh may masapak na ’ko.

Ng matuyo na ang buhok ko ay sinuklay ko ito. Ng makuntento ako ay saka ako tumayo.

Kumuha ako ng mga damit sa closet at isinilid ito sa maleta. Nilagay ko rin ang mga gamit ko gaya ng laptop, pocket wifi, lotion, deodorant, perfume, at ang makeup kit ko. Hindi naman ako mahilig sa makeup pero dadalhin ko nalang ’to just in case.

Ng matapos na ako at nakaset na ang lahat ay kinuha ko ang itim na cap at ang itim na leather jacket saka ito sinuot.

Sandali akong tumigil. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid.

I’m gonna miss this. Matatagalan akong makauwi dito dahil sa dorm na ako mags-stay. I have this feeling na magtatagal na ako sa bago kong school eh. I don’t know. It’s weird.

Hinila ko na ang maleta ko palabas ng kwarto. Bumaba ako sala at iniwan ang maleta saka dumiretso sa kusina. Nagugutom na ako.

“Morning sis.” Bungad sa ’kin ni Ate Laurey na nakaupo na sa hapag. She’s wearing a fitted dress that highlights her Coca-Cola body. Nginitian ko siya saka umupo sa harap niya.

THE AGENTS: SQUADWhere stories live. Discover now