Amanda
“.... Tapos, ayon na nga! Barbie aka Corinne helped the prince with her espada. Tinalo niya ’yong evil pinsan nung poging prince!” Masayang sambit ng batang kasama ko habang kumukinang ang mga mata sa kinukwento niya na akala mo naman exciting. Sumubo ulit siya ng spaghetti at pinuno ng pagkain ang bunganga.
“Hmm! Ang sharap tsalaga ng sphaghetti nila! The bhest!”
Walang gana ko siyang pinanood na kumain. Bumubukol ang magkabilang-pisngi niya dahil sa sobrang puno ng bibig niya pero nagagawa niya pa ring magsalita. I took a sip from my coffee frappe.
Napahinto siya sa pagnguya at nagtatakang tumingin sa ’kin. Nilunok niya muna ang kinakain bago nagsalita.
“You’re not going to kain ba talaga?” Iniling-iling niya ang ulo habang nagsasalita.
“Ang bagal mo.” Sagot ko.
“Huh?”
“Why don’t you try eating without any noise?” Napapaismid kong turan. Okay lang naman kung matino siyang kausap, eh puro lang naman nonsense ang pinagsasasabi niya.
“Because it’s so masaya! Why? Hindi ba ikaw nagto-talk if kumakain ka?” Conyo niyang sambit. Bigla akong napairap.
“Tapusin mo na ’yang pagkain mo. Kung hindi, iiwan kita dito.” Pagbabanta ko. Pero dahil nga isip bata, hindi siya natinag.
“Why? Where are you going to punta?”
Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa kaya napabaling ang atensyon ko dito. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Monica.
Isang notification galing sa system ng digital table ko ang nagpop pagkabukas ko sa phone. It said, “An unknown fingerprint tried to open your table. Accept or deny?”
I opened the notification and connected my phone to my digital table. I tapped deny. Kaagad akong nakapasok sa system at pumunta sa settings.
The advantage of being a daughter of a computer company is having access to different types of systems. Mula pagkabata ay nahilig ako sa mga computer at gadgets kaya malawak ang kaalaman ko tungkol dito. Alam ko ang mga pasikot-sikot dito pati na ang pangha-hack.
Hinanap ko ang button na Trespass Code. Isa itong computer system na personal kong ginawa no’ng fifteen years old ako. Dahil marami akong mga nakaaway, may ibang sinubukang manghack sa mga computers ko sa bahay. Kaya gumawa ako ng ganito. Kahit sinong sumubok na buksan ang mga computers or kahit anong device ko, walang kawala. Madali kong nahuhuli kahit anong method pa ang gamitin nila.
Nang mahanap ko na ang fingerprint ng trespasser ay kaagad ko itong ini-scan. Lahat ng mga digital table ay nagresponse agad sa ’kin hanggang sa mahanap ko na ang may-ari ng fingerprint.
Jenella Fuentes.
Lumabas ang personal information ni Jenella, ang babaeng nakasagutan ko kaninang umaga. Anak siya ng isang businessman na si Mariano Fuentes, ang may-ari ng Treasure Jewelry. May dalawang kapatid na lalaki na kapwa mga professional na.
Napangisi ako. Tingnan mo nga naman oh. Bago palang ako dito, may nagpapansin na agad sa ’kin.
Well, too bad. She won’t be able to open my digital table. Kahit pa tama ang password na nilagay niya, hindi niya ’yon mabubuksan dahil hindi naman fingerprint niya ang nakaregister as owner do’n. Kawawa siya.
Kapag binuksan niya ’yon gamit ang tamang password pero hindi ko fingerprint, it will only show a sky blue screen with a note, “Sorry, but you’re not the owner of the digital table. Please ask for the owner’s approval to give you an access. Thank you.”
YOU ARE READING
THE AGENTS: SQUAD
AksiAmanda was a trouble magnet wherever she goes. She's a short-tempered high school girl with so many bullies. Everyone who tried to mess with her were sent to the hospital and was admitted for almost a year. For her, "You'll got bullied if you let th...