"Good Morning Vi!" Rinig kong bati sakin ni Chester,Pero hindi ko sya tinapunan nang tingin.
Dalawang araw na akong ganito simula nang sabihin yun ng lalaki,Ewan bat koba iniisip yun is just a three words Vien!Pero di kana makatulog ng maayos.
Pero nang sinabi nya yun parang gina-nahan akong harapin ang mundo ko,Jusko ewan ko ba!
"Vi!" Agad akong napahawak sa tenga ko nang sigawan ako nang gagong toh.
"Ano ba Ches.." Inis na sambit ko,Simula nung iwan ko sya sa park ay naging magka sundo na kaming dalawa ang kulit e.
Hindi nga lang alam ni Astrid parang di naman sya enteresado,Si Mama nag aalala tuloy ako sakanya lagi nalang syang uuwi nang bahay na para daw may humahabol sakanya pero wala naman.At ganun parin sya patuloy parin sa pananakit sakin buti nalang at hindi nya napagtutuonan nang pansin si Astrid dahil kung Oo di ako mag da-dalawang isip na saktan din si Mama kahit mahirap para sakin.
"Dami mo siguro iniisip?" Tanong nya bigla.
"Sobra" Tipid na sagot ko ngunit may lungkot.
"I'm here okay?" Dahan-dahan akong tumango at tiningnan nya ako ng puno ng pag alala sa muka,Nginitian ko nalang sya na ikinatawa nya.
"Don't smile like that Vi!" Sabay gulo nang buhok ko.
"Guys may sasabihin pala ako!" Sigaw bigla ni Kate,Agad naman silang tumahimik at interesado sa sasabihin ni Kate.
"Alam nyo bang may malanding kapatid si Vien?" Maarte nitong saad.
Kala ko naman importante..Wait..ano sabi nya malandi?Sino si Astrid?!
"Oo tama kayo nang narinig malandi yung kapatid ni Vien,Mana ata sa nanay nakita ko kase tong si Astrid na nakikipag halikan sa di naman nya Boyfriend!" Agad namang ngumisi si Kate sakin nang biglang nag tawanan ang mga kaklase namin.
Agad akong nakaramdam nang inis kay Kate dahil kung ano-ano ang kinakalat purong walang katotohanan naman,Hindi magagawa yun ni Astrid hindi sya ganung tao.
Tatayo na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Chester sa kamay.
"Ay pati ba naman pamangkin nang may ari ng school Vien papatulan mo pa?Ibang klase talaga ang mga Prinster.." Pagpapatuloy ni Kate.
Agad kong inalis ang kamay ni Chester sakin at inis na isinandal si Kate sa pader.
"Wala kang karapatan tawagin ng malandi ang kapatid ko Kate!" Galit kong saad,Unti-unti naman syang ngumisi na ikina gigil ko.
"Bakit hindi mo tanungin ang kapatid mo Vien?Na malandi sya at di lang sya pati ang buong pamilya mo.." Agad akong napa upo sa sahig nang malakas nya akong itulak,Totoo ba yun Astrid?Hindi mo naman magagawa yun diba?
Ang daming tanong sa isipan ko pero tinikom ko nalang ang bibig ko,Mamaya ko nalang sya kakausapin.Akmang tatayo na sana ako nang bigla kong nakita si Chester na hawak na ngayon ang kwelyo ni Kate.
"Ano bang problema mo Kate?!Ikauunlad mo ba yang ginagawa mo ha?!" Sigaw ni Chester kay Kate na ngayon ay takot na takot na.
"I-i'm sorry baby.." Utal na sambit ni Kate.
"Ulitin mo pa yang ginagawa mo Kate..Di ako mag dadalawang isip na paalisin ka sa paaralan na toh." Pagka sabi nya nun ay agad nyang tinulak si Kate at lumapit sakin na parang walang nangyari.
"Wala daw klase ngayon kain tayo?" Nakangiti nyang saad,Napatulala ako sakanya bakit ang bilis nya mag bago ng mood na parang walang nangyari.
Tumingin ako sa mga mata nya at dun ko nakita ang pagkahawig nila nung lalaking may black na jacket,Napanguso ako ng bigla nya akong pitikin sa noo.
"Wag moko titigan nang ganyan..Nahuhulog ako." Agad ko syang hinampas dahil nagawa paring magbiro ang baliw.
"Bakit dito?!" Singhal ko agad kay Chester nang dalhin nya ako sa Garden ng school namin.
"Ayaw mo ba?" Sabay nguso nya,Agad kong nilibot ang mga mata ko sa buong garden at diko maiwasan mamangha dahil sa sobrang ganda.
Ang sarap din nang hangin,Pinikit ko agad ang mga mata ko ng tumama saking balat ang masarap na hangin.Ang kaninang init ng ulo ko ay napalitan agad ng saya.
"Gusto kona dito.." Mahinang saad ko.
"Tara!" Agad akong napamulat nang hawakan ako ni Chester sa kamay at dinala sa isang magandang tambayan,Umupo kami dun para magpahinga habang wala pang klase.
"Kambal moba si Astrid?" Tanong nya bigla na ikinataas ng kilay ko.
"Hindi pero madaming nagsasabi na magkamuka kami" Sagot ko,maganda ang pangangatawan namin ni Astrid.
Minsan nga ay napapagkamalan nadin kaming kambal dahil sa tuwing ngingiti kami at ngunguso ay magkatulad talaga kami,Pero mas matangkad nga lang ako kay Astrid.Diko rin maiwasan maniwala sakanila kase sa tuwing ti-titig ako kay Astrid ay nakikita ko ang muka ko sakanya na masaya na parang walang problema.
"Pero iba ang ugali diba?Tyaka maputi ka sya morena." Dahan-dahan naman akong tumango at ngumiti nang tipid.
Ibang-iba nga kami si Astrid mahilig makipag kaibigan samantalang ako hindi,Madaldal sya ako hindi,Hindi sya iyakin ako Oo,Parehas lang kaming palaban dun nga lang.
"Lagi kang ngumiti Vi..Maganda ka pag nakangiti ka.." Agad namang Dinaga ang puso ko sa sinabi nya.
"Ako maganda?hahaha!"
"I'm serious Vi..Maganda ka dimo lang nakikita kase sa iba ka lagi nakatingin" Napahinto naman ako sa pagtawa nang biglang nag seryoso si Chester.
"Aanhin ko ang ganda ko kung sa loob-loob ko naman ay madaming pinag dadaanan" Sabay tingin ko sa mata nya na dapat diko nalang ginawa.Nang dahil sa pag titig nya umulit na naman ang tibok ng puso ko na ngayon ko lang naramdaman.
"Alam kong kaya mo yan Vi..Madami kang pagsubok na pagdadaanan at gusto ko kasama mo ako dun" Nakatitig paring saad nya sakin.
"Ches.." Gulat na sambit ko ng bigla nya akong halikan sa noo.
"Proud ako sayo Vi kase sobrang tatag mo..Lahat ng yan ay may magandang kapalit kaya wag kang susuko" Agad naman akong napaluha dahil sa ginawa nyang pagyakap at halik sa noo ko.
Feeling ko ang safe kona ngayon..Feeling ko hindi na ulit ako masasaktan ni Mama dahil sa ginawa nya ang gaan na nang pakiramdam ko,Sana dito nalang ako lagi sa tabi nya.
"T-thank you Chester.." Sabay yakap ko sakanya ng mahigpit.
"Neil!Let's go!" Gulat kong tinulak si Chester dahil sa lalaking dumating.
Napaawang ang bibig ko ng makita ang lalaking tumatawag kay Chester ay yung lalaki na kasama ko sa kalsada nung sabado.
Magkakilala sila?
Agad akong napaiwas nang tingin ng biglang tumingin sakin nang seryoso yung lalaki.Di naman nya ako namukaan diba?
"Wait lang Hash" Sagot ni Chester at tumingin sakin.
"Vi may pupuntahan lang ako ha?" Dahan-dahan naman akong tumango dahil naiilang ako dun sa lalaki na kanina pang seryoso ang muka na nakatingin sakin.
"Ingat.."Pahabol ko kay Chester nang bigla syang tumakbo.
Tatayo na sana ako ng makita yung Hash na sinasabi ni Chester kanina. Nakatayo parin at seryosong nakatingin sakin.Problema nito?!
"U-um excuse me.." Utal kong saad,Dahil nakaharang sya sa dadaanan ko.
"Diba nanay mo yung nagbebenta ng drugs?" Agad napataas ang tingin ko sakanya,Napaawang agad ang labi ko ng makita sya nang malapitan.
Kamuka nya si Chester..Pero diko maipagkakaila na mas gwapo toh kesa kay Chester pero gwapo rin si Chester.
Tyaka bakit nya kilala si Mama?Siguro kalat na din dito sa school yun.
"Ano meron?" Matapang na saad ko na ikinangisi nya.
"Madami nang nakatingin sa Nanay mo Czereena Vien.."
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...