Moving On

16 0 0
                                    

Sabi nga nila walang madaling paraan para sa pag momove-on. You have to feel the pain before you recover from it.Oo,masakit. Sobrang sakit.Yung iba pinipilit maging masaya para masabing okay lang sila pero ang totoo sobrang nasasaktan na sila. At idinadaan sa pag-iyak tuwing gabi ang sakit na nararamdaman.

Mahirap talagang mag move-on lalo na't totoo ang pagmamahal mo sa taong iyon. Kagaya ko,Ilang buwan na ba ang lumipas matapos kaming maghiwalay ng boyfriend ko.Ang alam ko'y mahal pa namin ang isa't isa pero pagdating ng mga panahon bigla na lang wala na. Ano na nga ba ang nangyari? Wala kaming official break-up. Bigla niya na lang akong hindi tinext,tinawagan o magpakita man lang. Mas masakit pa iyon kesa sa sasabihin niyang "break na tayo". Kasi hindi ko man lang nalaman ang dahilan kung bakit niya ko iniwan.

Gabi-gabi umiiyak ako. Pinupuntahan ko pa rin yung mga lugar na madalas naming puntahan kapag kami'y magkasama at hindi ko napipigilang maluha kapag naaalala ko siya.

Sa madalas na pagpunta ko sa lugar na iyon ay nakilala ko siya. Ang lalaking hindi ko inaasahang makilala ko ng lubusan. Nakakahiya man ang una naming pagkikita ay okay lang. Nakita niya kasi akong umiiyak sa isang tabi at nilapitan niya ko,at doon na niya ako unang kinausap. Naiintindihan niya daw ako. Hindi ko alam,pero magaan ang loob ko sa kanya. Sa kanya ako naglalabas ng sama ng loob at halos lahat na siguro ng hinanakit ko sa ex ko ay naibuhos ko na sa kanya. Habang lumilipas ang mga araw ay lalo akong napapalapit sa kanya,lalong gumagaan ang loob ko sa tuwing nakakasama ko siya. At parang unti-unti na rin siguro akong...

Nahuhulog sa kanya.

Isang araw ay nagtapat siya sa akin.Noong una daw ay naaawa lang siya sakin ng makita niya kong umiiyak,gusto niya lang daw akong pasayahin at maging kaibigan. Pero sa paglipas ng araw ay unti-unti na rin siyang nahuhulog sa akin kagaya ng aking nararamdaman sa kanya.

Umamin ako na ganoon din ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi naglaon ay naging kami ng dalawa. Masaya ang takbo ng aming relasyon. Hindi siya nabibigong pasayahin ako. Lagi niya kong iniintindi kapag alam niyang tinotopak lang ako. Wala na siguro akong mahihiling sa boyfriend ko.

Pero isang araw,nakita ko ang ex-boyfriend ko. Bigla na lang di ko maintindihan ang nararamdaman ko,naguguluhan ako. Iiwasan ko ba siya o lalapitan? Nagulat ako ng unti-unti niya akong nilapitan. Hindi ako nakaalis mula sa aking kinatatayuan. Kinakausap niya ako at tumutugon naman ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi pa ba ako tuluyang nakakamove on sa kanya?

"Kinausap kita para kamustahin ka?" Sabi niya habang nakapamulsa pa ang mga kamay.

"Oo,o-okay lang ako" nakayuko kong tugon sa kanya habang tinitignan ang aking mga paa mula sa sahig. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata."Alam kong nasaktan ka sa paghihiwalay natin and I feel sorry for it" Oo,tama ka nasaktan nga ako,sobrang sakit.

"Ahh ganun ba? Bakit nga ba iniwan mo ko ng basta?" Gusto kong malaman ang sagot niya. Matagal ko nang gustong itanong sa kanya ang mga bagay na yan eh. "Pasensya ka na,akala ko kasi mas maigi yung ganun eh. Naguguluhan din ako ng mga panahon na 'yon. Naisip ko na mas maigi sigurong hindi na ako magpaalam sayo kasi mas masasaktan ka lang"

"Hindi mo ba inisip na mas nasaktan ako sa pag-iwan mo sakin ng walang paalam? Na halos araw-araw iniisip ko yun,na marami akong gustong itanong sayo. Yung mga panahon na kailangan ko yung mga paliwanag mo"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko eh. Gusto ko nang ilabas yung mga sama ng loob ko sa kanya.

"Sorry sorry talaga. Sana maging okay ka na. Wag kang mag-alala minahal naman talaga kita"

Good to hear from him na minahal niya ko. Parang bigla na lang nawala lahat ng hinanakit ko. Lahat ng lungkot na naramdaman ko sa loob ng ilang buwan ay napawi ng dahil lang sa mga sinabi niya.

"Pinapatawad na kita,alam kong may dahilan kung bakit na expirience ko yung ganoong bagay sa'yo. Maraming salamat."

Simula ng pag-uusap na iyon ay guminhawa na ang pakiramdam ko. "Closure" lang pala ang kailangan sa aming dalawa. Yun pala ang kailangan ko para makawala ako sa kalungkutang nararamdaman ko. Ang makausap siya ay sapat na para matanggap ko ang bagay na iyon.

At masasabi kong naka move-on na ako.

Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon