Date Started: March 30, 2015 1333h
*edit* March 29, 2016
Ngayon ko lang na-realize na bukas na pala ang FIRST ANNIVERSARY ng Secretly Telekinetic at patuloy kayong bumabasa sa istoryang ito kahit naman napakapangit ng pagkasulat xDDD
THANK YOU EVERYONE!
thank you sa magandang edit! ^________^
~~~~~
"Mama!!!"
Napasigaw ang isang bata sa loob ng isang bahay. Nagkakagulo ang mga gamit na nagsiliparan, ang mga ilaw, patay-sindi, ang mga mesa, gumagalaw at tumatakbo kahit saang direksyon.
Bigla namang dumating ang isang ambulansya at nagsilabasan ang kanilang mga kapitbahay. Patuloy sa pagsigaw ang bata na nasa apat na taong gulang, binato siya ng kung anu-anong bagay ng kanyang ina.
Pumasok naman ang mga doctor sa kanilang bahay. Agad nilang napigilang ang ina sa pagbato ng lampshade sa bata, nagsimulang nagwala ang ina.
"Anak ng demonyo iyan! Anak ng demonyo!!!"
Patuloy sa pagwawala ang ina nung ipinasok na siya sa ambulansya, isang kapitbahay nila ang kinamayan ng isang doctor. Pumasok ang lalaki sa bahay at nakita ang kaguluhan na nangyari. Pumasok siya sa isang kwarto at nakita niya ang bata na umiiyak lang sa sulok at may mga pasa at sugat sa katawan. Lumapit siya at pinatahan ang bata.
"Saan po nila dadalhin si Mama?"
Nagtanong ang bata habang binuhat siya nung lalaki.
"Papagalingin nila ang Mama mo, at pag magaling sa siya, makakapiling mo ulit siya."
Ngumiti ang lalaki, ngumiti din ang bata sa kanya. Lumabas silang dalawa sa bahay na iyon.
Nalaman nila na nagkaroon ng trauma ang ina dahil nabiktima ito ng marital rape, ang pangalan ng ina ay Maria Collins. Icinonfine siya sa isang mental hospital para mawala ang kanyang trauma. Dumaan na din sa mga stress debriefing. Nalaman nila na simula nung nabiktima ng rape si Maria, wala nang ni isang miyembro ng pamilya ang tumanggap sa kanya, pati ang kanyang asawa, iniwan siya.
Nagdesisyon siyang buhayin ang bata pagkatapos niyang manganak, pero simula ng lumaki ito, bumalik sa ala-ala ni Maria ang nangyari sa kanya noon, at nagsimula niyang saktan ang kanyang anak, at tinawag niya itong anak ng demonyo at bunga ng kasalanan at sinabi din niya na ilayo siya sa anak niya habang may panahon pa.
Ang kanyang anak naman ay inampon ng kanilang kapitbahay na si George Williams, nagdesisyon naman siyang hindi na palitan ng apilyedo ang bata. Idinaan din sa sa stress debriefing para medyo mawala ang trauma sa naranasan niya sa kanyang ina. Lumaki siyang masayahin sa piling ng kanyang bagong ama ngunit hindi siya tanggap ng asawa nito.
Sampung taon ang lumipas, namatay sa sakit ang kanyang ama, simula noon, hindi na siya pinapansin ng kanyang pangalawang ina. Nakalat din sa buong paaralan ang nakaraan niya at doon nagsimula ang pangbubully sa kanya...
~~~~
A.N.:
Maikli lang ang prologue nuh?! XD
Eh....short story lang din naman ang gagawin ko...hehehe.
VOTE kung nagustuhan niyo ang story.
COMMENT kung may VIOLENT reactions kayo. xDD
FOLLOW kapag gusto niyong maging-updated sa mga...bago kong updates.
SHARE kung gusto niyong madiscover ang KABALIWAN ko. :P
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...