Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
—-
"You can seat wherever you want for now then I'll move you to another seat" Sabi sa akin ng professor. Tumango na lamang ako at dumiretso sa bakanteng upuan. Sa dulo ako umupo kung saan walang tao. Kung saan tahimik at sa tabi ng bintana. Ramdam ko din ang mga tingin at pasulyap sulyap ng mga kaklase ko. Pero hindi ko sila pinansin. Hindi ako nakikipagusap sa ibang tao. Minsan sinusulat ko ang sasabihin ko or kung minsan gagamit nalang ako ng sign language. Pero dahil hindi lahat ng tao marunong mag sign language or walang pasensya magbasa ng sasabihin ko, wala nalang akong sinasabi.
What can I do diba? Matagal ko naman nang tanggap eh. Ang mga tao nalang ang ayaw tumaggap sa akin. Tama hula niyo, hindi ako makapag salita dahil isa akong pipi.
"Prof! Si Pao nalang pasagutin niyo sa tanong na yan tutal matalino naman at perfect sa exam." Suhestiyon ng isa kong kaklase sa biology. Mula nang lumipat ako dito noong nakaraang buwan, nagiiba na ang pakikitungo ng mga kaklase ko sakin. Nagtataka sila bakit ang tataas ng grades ko pero ang tahimik tahimik ko daw. Sa loob ng isang buwan, wala parin akong kaibigan dahil walang lumalapit sa akin.
Lumipas ang isang oras, lumabas na ako sa klase ko at dahil wala naman akong susunod na klase ay naglibot libot muna ako sa Academy. Napadaan ako sa music room nang may narinig akong tumutugtog ng piano doon. Sobrang lamig ng pagkaka-tugtog.
Sumilip ako sa bintana ngunit anino lamang ng tumutugtog ang nakikita ko sapagkat nakapatay ang mga ilaw. Ang hula ko ay isa itong lalake dahil hugis pa lamang ng anino ay lalaking lalaki. Nakinig lamang ako sa tugtog hanggang onti-onting humihina ang tugtog.
Aalis na sana ako nang bigla akong napapitlag dahil bigla siyang nagsalita.
"Don't leave" hindi ito isang pakiusap dahil isa itong utos. Naghuramentado ang puso ko sa narinig ko dahil sobrang cold ng pagkakasabi niya. May nagtulak sa sistema ko na wag umalis para makita kung sino ito.
May narinig akong mga yapak patungo sa akin. Dahan dahan kong nakita ang kanyang mukha. Nagulat ako nang makita kung sino ito.
Mark
Ang lalaking minahal ko ng sobra at ang lalaking sinaktan ko.
Nakita kong nakakunot ang kanyang noo at halatang inis na inis na siya.
"Hanggang ngayon ba naman Pao nagpapanggap ka pa din? Will you stop this non sense? I hate it. I hate it when you're pretending to be like this even though you're not" Halatang frustrated na siya. Onti onting siyang lumalapit sakin hanggang naramdaman ko na dingding na pala ang nasa likod ko. Patay. Linapit niya ang kanyang mukha na halos kalahating ruler na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.
"You don't want to? Then I will make you. Be ready Pao baka isang araw magsalita ka dahil sa gagawin ko" Yeah hindi talaga ako pipi. Pero may malaking rason bakit ako nagpapanggap. Dahil iyon sa kakambal ko.
Mga sanggol pa lang kami nun nang malaman ng magulang namin na pipi ang kakambal ko. Kaya kulang ang binibigay na attensiyon sa akin dahil nasa kakambal ko palagi. Naiintindihan ko naman sa una pero lumala ito nang magka-dengue ako nung 5 years old kami. Ang yaya ko lang ang nagdala sakin sa ospital. Inexpect ko na dadating sila pero hindi dahil nag mall sila ng kapatid ko.
Simula nun di na ako nagsalita dahil inisip ko baka sakaling pag di ako magsalita at maging pipi katulad ng kapatid ko eh, baka mapansin na din nila ako. Lumaki ako na si yaya lang ang nagalaga sakin.
Naging kami ni Mark for 3 years sana. Binale-wala niya ang pagiging pipi ko. Minahal niya kung sino at ano ako. Nag aral siya paano mag sign language. Hanggang nung dumating yung 3rd year anniversary namin. Umamin ako sakanya na hindi talaga ako pipi. Tulala lang siya noon at sa oras na yun napag desisyonan ko na i let go nalang siya. I know he's mad at me kaya inunahan ko nalang siya. Ayaw kong siya ang makipaghiwalay sa akin dahil hindi ko kakayanin.
Umiling ako habang inaalala ko ang nangyari last two years. Hindi ako makatulog dito sa kama ko dahil sa mga sinabi niya. Paulit ulit na nag pplay sa utak ko yung mga sinabi niya. Lumipat ako sa Academy para di ko na siya makita eh yun pala sinundan ako ng mokong.
K I N A B U K A S A N
Nagising ako sa sinag ng araw. Naligo ako at nag bihis para makapasok na. Pagkatapos eh nag almusal ako. Nagulat ako nang bumaba ang mga magulang ko at ang kakambal ko para kumain ngunit hindi man lang nila ako nakita o kinausap. Parang tinusok ng mga karayom ang puso ko. Tumayo ako at hinugasan ang plato ko dahil ayaw kong umasa sa yaya ko. Kinuha ko ang bike ko, sasakay na sana ako nang mapansin kong sira ang preno nito. Sobrang ganda talaga ng araw ko at may taong nagsira ng preno ko. Kaya no choice maglakad. Paglabas ko ng gate ay may humintong kotse sa harap ko. Nakita ko ang pinsan kong babae na si Claire.
"Tara couz daan nalang kita sa Academy" Nagtaka ako kung bakit alam niyang nasira preno ko pero binalewala ko nalang at pumasok sa kotse niya.
Pagdating namin sa Academy nagpasalamat ako sa pamamagitan ng sign language.
Pumasok ako sa Academy ngunit lahat ng mata ng mga estudyante ay nakatitig sakin at nakangiti ng nakakaloko. Kaya yumuko na lamang ako at dumiretso sa Homeroom ko. May biglang humila sa akin at dinala ako sa Main lobby kung saan nandoon lahat ng estudyante. Nakatayo kami sa pinakagitna at bigla siyang lumuhod.
At doon tumalikod ang lahat ng estudyante at sa likod ng damit nila eh may mga nakasulat na..
M
A
Y
I
C
O
U
R
T
Y
O
U
?
"Hindi ko na kaya Pao. I'm madly inlove with you. So may i court you for the second time? I won't take 'no' for an answer.But I"ll give you choices." Huminto siya sandali at nagpatuloy..
"Kapag di ka sumagot ang ibig sabihin non ay 'Yes'. Ang choices mo ay
a. Yes
b. Letter A
c. Letter B"
Lumapit siya ng lumapit sakin at cinorner na naman ako tulad ng ginawa niya last time. Linapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong. "Now answer me sweetheart" Amoy na amoy ko ang kanyang hininga habang sinasabi niya iyon.
Binigyan na naman niya ako ng walang choice.
"WALANGYA KA! Binigyan mo pa akong choices noh kung sa 'yes' din pala ako babagsak." Pasigaw kong sabi na nagpagulat sa mga estudyante. Ngumisi naman itong nasa harap ko at sinabing
"So what's your answer sweetheart?" Bakit ba ngisi siya ng ngisi at lumalabas ang malalalim niyang dimples.
"A, B and C. May iba pa ba akong choice?"
"Meron pa sweetheart" Sabay turo sa kanyang lips at tinaas taas niya ang kanyang kilay.
Simula noong araw na iyon, bumalik na ang buhay ko sa normal.
W.A.K.A.S.
———-
BINABASA MO ANG
Walangya Ka! [One-shot]
Short StoryWalangya ka! Copyright © 2014 CBENNH. All Rights Reserved.