Chapter 15: Rainbow, Hope

120 12 0
                                    


Read in the Bible: Genesis Chapter 9, Genesis 9:13


Hindi napawi ang aking ngiti, hindi dahil para mang-inis. Smiling improves my mood and the mood of people around me. Tumingin sa akin si Yandiel matapos ibulsa ang susi ng motor. Baka sa kanya ito, halatang gamit ng siga.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

I shrugged my shoulders awkwardly. "Hindi ko alam."

Natigilan siya at 'di kalaunan ay umangat ang gilid ng labi, nawiwindang siguro sa akin. "Sige, ingat. Baka maligaw ka."

I giggled. I'm actually going to the court to watch my cousin, I watched him play numerous time but he insisted me to watch this. Masungit 'yong pinsan ko na 'yon at madaling magtampo, mahirap siyang kalabanin.

"Athlete ka ba?" tanong ko kay Yandiel dahil sa suot niya. "Basketball player ka?"

"Mmm, aalis na rin ako bukas."

Nakunot ang noo ko. "Saan?"

Nakita ko kung paano siya natigilan mula sa pagkukumpuni ng motor. Saan siya aalis? Kung sa basketball, last game niya na garod ngayon. Sayang naman, baka umalis siya dahil natanggap yung pinsan ko.

"Oh, saan ka naman pupunta ngayon?" pangungulit ko pa. "Maglalaro ka?"

Umiling siya at tumingin sa akin. "Hindi, magta-trabaho ako. Hindi naman ako kumikita d'yan sa paglalaro."

"Ah." Kumurba ang labi ko. "You could still play in your free time. Ano nga pala yung sinasabing sideline ni Aiden kanina? Working student ka pala."

Sinukbit niya ang bag niyang parang wala naman laman, lumapit sa akin at ngumiti. "Sa tingin mo, ano?" biro niya. "Hindi mo naman kailangan malaman. Basta sideline. Hindi alam kung anong tawag sa gano'n."

Nalukot ang mukha ko at umatras dahil nahihiya ako sa mga dumadaan. Humugot ako ng malalim na hininga. "Oo, basta may sideline ka. Pupunta rin ako sa court para manood ng laro. Pupunta ka rin ba?"

"Kakaalis ko lang doon, Deborah."

I just nodded since I really need to lift up my head just to look at him. Why is he calling me by my first name?

"Tapos na yung laro, kanina pa. Kakabalik ko lang, may trabaho pa 'ko."

Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. What? The game has ended...

Pagtingin ko sa walkway ay saktong natanaw ko ang aking pinsan, kasama niya sila Ravi at Aiden na galing din sa court. I can't believe this, I'm actually late. Kaya pala sobrang lakas na ng sigawan sa gym kanina ay dahil tapos na ang laro.

Nilipat ko ang tingin kay Yandiel na nakatingin sa kanila habang nakangisi. Ibig sabihin ay tapos na rin siyang maglaro. Ano ba naman 'yan!

Nginusuan ako ni Don nang makalapit sa akin. "Saan ka nanggaling?"

"Kakatapos lang ng last subject, hindi ko naman alam na mabilis palang matapos 'yang laro niyo," sagot ko. "Anong nangyari? Nanalo kayo?"

He smiled and nodded. They won their first game, that's good. And this is Yandiel's last game.

"Hindi ka ba talaga pupunta?" pag-kausap ni Ravi sa kanya, naka-jersey pa rin ito dahil sa laro kanina, hindi katulad ng dalawa na nagpalit na ng puting t-shirt.

Hinarap siya ni Don. "Pass muna, may reporting pa ako bukas na gagawin."

"Yandiel... wala, may sideline ka nga pala."

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon