Makalipas ang ilang buwan nandito ako ngayon sa ER, nanganganak.
"Misis ere pa, malusog si baby kaya mahirap ilabas." Punyeta, ang sakit na ng ari ko!
Baby wag mo naman pahirapan si mommy oh, lumabas kana baby.
"Ahhhhhhh! Matagal paba-auhhhh?!!" Mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Lander, kasama ko sya ngayon, simula kasi nang lumipat ako sa kanila inaalagaan nya na ako matapos ang isang buwan naming bangayan naging close din kami. Lagi nya akong sinasamahan sa OB, inaalagaan nya kami ni baby, naging mas close kami pero walang feelings na, na attached.
"Kaya mo yan Kate, lalabas na si baby girl," naiisip ko palang kong anong itsura nang anak ko nagbibigay sa akin ng tatag para mailabas sya.
"Ayan na Mrs. Isang ere nalang.
"Auhhhhh!!!!" Huling ere ko na yun, feeling ko ikahihimatay ko na pag umere pa uli ako.
"Hindi umiiyak ang bata doc," tinaasan ako nang kaba dahil sa sinabi ng nurse.
"Paluin mo ang puwit,"
"Ayaw talaga doc,"
"No, Lander my baby, no please." Nagpapanic at umiiyak na ako.
"Lander!"
"Shhh, she's alive, our baby isn't---" Pareho kami ni Lander napahinga dahil umiyak ang baby.
"Shit. Damn! Damn! Damn! Thank you God! Thank you so much!" Niyakap ako ni Lander dahil sa tuwa, ako naman ay naiyak nalang. Baby ko, akala ko iiwan mo din ako.
"Ligtas na ang baby," nakangiting saad nang doctor.
Dinala muna sya ng nurse para linisan, ako naman ay inayusan at ililipat na nang higaan.
"Okay ka lang ba Kate?" Tanong ni Lander,
"Hmm, thanks." Ngumiti lang sya akin,
"OMG Tin! Kamusta hah? Kamusta si Baby Darklyn?" Nag aalala at the same time naeexcite na tanong ni ate Kie,
"She's okay now ate, ihahatid na sya dito mayamaya ng nurse." Si Lander na ang sumagot.
"Eh ikaw ba Tin kamusta panganganak?" Sasagot na sana ako nang maunahan na naman ako ni Lander,
"I think she's okay na din ate, nairaos nya din si baby Darklyn nang maayos. But still pagod parin si Kate kaya pag pahingahin nyo muna." Natawa nalang ako kay Lander.
"Ano ba Lander, hindi naman ikaw yung kinakausap ko eh." Napanguso nalang tuloy si Lander at nag balat nalang nang prutas.
"Kamusta hija? Masakit unang manganak ano? Lalo na at ang lusog lusog ni baby Darklyn." Tanong ni nanay sa akin at tinabihan ako sa higaan.
"Akala ko nga nay mamamatay na ako eh. Hahahhaa." Hindi sila natawa sa biro ko kaya napalabi nalang ako.
"By the way ate Kie, pagkalabas ko dito maghahanap na agad ako nang trabaho, nay kukunin ko muna kayong taga alaga ni baby Darklyn , se-sweldohan ko nalang po kayo. Kailangan ko na kasing mag trabaho eh." Tutol pa sana si ate at Lander kaso ayuko namang iasa sa kanila ang lahat. Dalawa na kami ni baby ang palamunin nila. Baka bumalik nadin ako sa bahay or tsaka na nga. Mas gusto ko din kasing nandon ako kayla ate,
"Magta-trabaho kana talaga?" Tanong ni Lander nang iwan kuna kami saglit nila nanay at ate,
"Oo, kailangan e, tapos gusto ko din paghandaan ang future nya." Nakangiti kong saad sa kaniya.
"Tutulongan naman kita pag aralin si Darklyn, tsaka ka nalang muna mag trabaho pag medyo malaki na sya." Gusto kong sumang ayon kaso hindi ko naman pweding iasa sa kanila lahat. Gusto kong itaguyod ang anak ko sa paghihirap ko. Gagawin ko lahat para sa anak ko.
Bumalik si ate at nanay na syang pagdating din ng anak ko.
"Here's the baby," masaya kaming lahat nang pumasok ang nurse dala dala ang anak ko.
"Baby ko," bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ni Lander iyun at nanubig ang mga mata. Siya ama eh, hahahaha.
"She's so pretty like you Kate," nginitian ko si Lander at kinuha si baby nang ibigay nya ito.
"Anak ko,"nanubig ang mga mata ko nang tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Ganda nang kinalabasan ng one night stand mo Tin ah." Natawa kami ni ate pero si nanay at Lander ay seryusong tiningnan si ate Kie,
"I'm just kidding, hahahahh." Napailing nalang ako at tiningnan uli si baby.
Napaka ganda, para syang anak nang Goddess, mas lalo akong napangiti dahil nakuha nya ang kulay nang mata ng ama nya.
"Ate, blue din ang mata nya, manang mana sa ama." Wala sa sariling saad ko.
"Tingin nga-- omg! Oo nga. Hala gagi, so asul ang mata nga ang ama nito?" Gulat na tanong ni ate. Tumango ako habang may multo ng ngiti sa labi.
"Gagi galing mo Tin, hahahhah." Nananahimik nalang si ate dahil mas tumalim ang tingin ni nanay at Lander.
Dinala sa nursery room si baby Darklyn at ako naman ay natulog. Pagod na pagod ako sa panganganak sa kaniya, diko inakalang ganon sya kalaki ilabas.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomanceJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...