Final chance
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil lahat sila nakatingin sa amin. Hindi na rin matahimik ang puso ko sa sunod-sunod nitong pagkalampag.
"N-Nandito ba kayo para mag breakfast?" may pag-aalinlangan sa boses ni Menely habang lumalapit sa amin. Napalunok ako ng mariin at bahagyang tumango. Nakita ko sa likod niya ang paghinahon ng mga Suarez. Kapansin-pansin ang pagtahimik nila sa pagpasok namin.
"Dalawang order ng cappuccino at breakfast meal," casual na sinabi ni William. Agad namang tumango at umalis si Menely para abyarin ang aming order. Ano kayang problema? Bakit ang tahimik ng mga Suarez? Kumpleto sila ngayon at s'yempre ang wala lang ay si Perfi na ngayon ay nasa honeymoon.
"Doon tayo umupo?" giniya ako ni William sa isang two-seater na table. Uupo na sana kami doon nang biglang umimik si Jonas.
"Jez! Dito na kayo umupo ng boyfriend mo, tutal ay magkakakilala naman tayo," nakangiting sinabi ni Jonas. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Jeminah. Kumunot ang noo ko. Boyfriend? Si William? Napatingin ako kay William na ngumiti rin kay Jonas.
"Mas masaya kapag maraming kasama sa pagkain, Jez kaya tara na!" anyaya ni William at hinila ako sa table ng mga Suarez. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Damn it! Kahit kailan ay hindi ko na-imagine ang ganitong tagpo.
"Ang gwapo naman ng boyfriend mo!" puna ni Red sa harap ko. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at napatingin kay William.
"Red...pwede ba? Mas gwapo ako diyan," narinig ko namang reklamo ni Isacar sa girlfriend. Doon na nagsimulang magtawanan ang mga Suarez, gano'n din ang kanilang pagkukulitan. Pero kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Edward sa kaliwang banda sa harap ko.
"Jez..." lumapit sa akin si William at bumulong. I saw Paris and Albi Suarez peeked a little at us when they saw William's move.
"Bakit?" tanong ko.
"Bakit ang sama ng tingin sa akin nung lalaking may hikaw sa tainga?" may pang-aasar na tanong ni William. Kumunot ang noo ko at bahagyang tinapakan ang kanyang paa sa ilalim ng table. Sabi na eh. Alam ko na kung bakit pumayag siyang makishare ng table sa mga Suarez at dahil 'yon alam niya kung sino dito ang tinutukoy ko noon na mahal ko!
Damn him!
"Shut up—"
"Uy! Share naman diyan! Bakit may bulungang nagaganap?" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Menely at paglapag ng order ni William para sa aming dalawa.
"Foreigner ka? Anong pangalan mo?" tanong ni Menely at umupo sa tabi ni Isaiah.
"I'm half, William is my name." nakangiting pagpapakilala ni William sa kanila.
"Where did you meet Jez?" tanong naman ni Jonas.
"Sa States kami nagkakilala. We were classmates," sagot naman ni William habang ako'y tahimik na kumakain sa tabi niya. Akala ba talaga nila ay boyfriend ko si William? Kaya ba sunod-sunod ang mga tanong nila? Para saan naman?
"You look kind and nice, there's no doubt that Jez, fell for you." Nakangiting sinabi ni Red. Napakamot ng ulo si William habang nagtataka sa inaasal ni Isacar, Arthur, Albi, Paris at Lance na tahimik na may pinagtatawanan sa isang tabi. They are weird today. Kung kanina ay sobrang lakas ng tensyon sa pagitan nila, ngayon naman ay nagtatawanan sila.
"Oo nga ang galing mo William! Paano mo napasagot si Jez? Noon kasi someone persuaded her pero hindi sa kanya umobra!" ani Jonas. Mas lalo pang lumakas ang paimpit na tawanan ng magpipinsan. Kumukunot na rin ang noo nina Red, Menely at Jeminah sa inaasta ng magpipinsan. Ano bang meron?
"Someone persuaded her? Jez you were so humble! Akala ko ba walang nagkagusto o nanligaw sa'yo noon?" ani William naman. What? Nagtataka akong tumingin kay William. What is he saying?
"Totoo ba? Sa ganda mong 'yan walang nanligaw o nagkagusto sa'yo?" ngayon naman parang nakisakay din si Menely sa kalokohan. What the hell is happening here?
Lahat sila ay nakatingin sa akin nag-iintay ng sasabihin ko. I swallowed hard. Iniiwasan kong tumingin sa banda ni Edward dahil sobra akong kinakabahan. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Silence means wala nga sa'yong nagkagusto noon?" pamimilit pa ni Jonas. Kumunot ang noo ko. Alam naman nila ang nangyari noon bakit pa sila nagtatanong? Magsasalita na sana ako para umiwas sa topic nang biglang padabog na may tumayo sa kaliwang banda sa harapan ko. Lahat sila ay napatingin doon, ako lang yata ang hindi dahil natatakot akong magtagpo ang aming mga mata.
"I still have work, I'll go first," malamig na boses ni Edward ang narinig ko. Bahagya akong nadismaya sa narinig at napatingin sa mga pagkain ko na halos nasa kalahati pa lang bago maubos.
When will I have the courage to say sorry to him? To explain myself to him? I will resign to work now and might leave Lucena soon para mamahala sa hotel sa Manila. Mas lalo kaming magkakalayo at mas lalong liliit ang chance kong makausap siya.
It doesn't matter if he's still mad at me, the only thing that matters to me is that I can finally be able to explain my side and tell him my feelings dahil sa haba ng panahon na lumipas I never had the chance to say to him how much I love him. Palaging siya ang lumalapit sa akin para ipadama ang kaniyang nararamdaman while on the other hand I was a coward.
Kagabi ko pa ito iniisip and maybe it is my final chance. Because after this...maaaring hindi ko na siya makita. Hindi na kami muling magkita. He will be happy with someone else, Patricia perhaps and I will be alone in the other side, secretly happy for him.
We might bump each other in some random places but the only thing we can do is to smile to each other to greet because...at least...in some part of our lives...we were once important to each other lives. At ito ang huli kong pagkakataon para magawa 'yon. Ayaw kong darating ang panahon na magkikita kami sa isang lugar na hindi man lang kayang magbatian because of an unfinished business from the past. I don't want it to happen. It will hurt me. It will break my heart.
"C-Can...I excuse myself?" lahat naman ng tingin nila ay nalipat sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila.
"Oo naman," Si Menely na ang nagsalita. Hindi na ako nagdalawang isip at tumayo na para habulin si Edward.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na makita si Edward kaya naman dumiretso ako sa parking lot para tingnan kung nandoon pa ang sasakyan niya pero ganoon na lang ang gulat ko nang may biglang humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko para matakluban ang tili ko.
I was already panicky kung hindi ko lang nakita ang pamilyar na mga mata ni Edward.
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...