Prologue

275 20 8
                                    

Expect Grammatical Error :) ENJOY KAPWA ENGENE!!

Prologue:

"Ma, sulat na naman? Napapadalas na itong mga sulat na pinapadala para sa akin ah." Wika ko pagkapasok sa loob ng bahay.


Dala-dala ko yung sulat na nakita ko pag bukas ko ng gate, nakaipit. Pag dating ko kasi sa bahay galing skwela ay lagi ko na itong nakikita na nakaipit sa gate. Hindi naman araw-araw, naka alternate. May sulat ngayon, bukas wala, tas meron na naman at sa akin lagi tinutukoy ang sulat. Pare-parehas din yung mga nakalagay, pero kahit ganoon ay binabasa ko parin, nagbabakasali na sa susunod na sulat ay iba ang mababasa ko.


"Basahin mo nalang." Utos sa akin ni mama.


Nakita ko naman siya na naka-upo sa dining chair habang nag-hihiwa ng lamas, para sa lulutuin mamaya. Magabi-gabi na din kasi ako makakauwi dahil may tinututor pa akong bata pagkatapos ng klase, dagdag pera nalang para sa tuition ko sa paaralan at dagdag pera para sa bayaran sa bahay, baka makatulong kay mama dahil maliit lamang ang sweldo niya sa trabaho. Dahil gabi na ako nakakauwi, naaubatan ko nalang siyang nag-luluto na para sa dinner.


Teacher si mama. Alam kong malaki-laki ang sweldo ng mga teachers, pero kasi maliit ang paaralan na tinuturaan at pinapasukan niya, kung saan kinder lamang ang naroon. Malayo-layo rin ito kaya hindi pa ako nakapunta, di din naman ako sinasama ni mama. Sa ilang taon ni mama na nag-tatrabaho doon, never ko pang natanaw at natapakan ang lupang pinapasukan niya.


Pinasintabi ko muna ang mga gamit ko kasabay nung sulat at tsaka tinulungan si mama na mag hiwa ng mga gulay at lamas para sa lulutuin.


"Ma, sweldo ko na pala bukas, bibigay ko nalang sayo yung matira para makabawas na din sa bayaran mo sa bahay." Sabi ko habang nag-lalagay na ng lamas sa kaldero. Tapos na kasi akong mag hiwa.


"Sige lang anak, kahit kaunti lang ang mabigay mo. Unahin mo muna ang mga kinakailangan mo sa paaralan at sa buhay mo," Sagot naman niya.

Yan, yan talaga lagi ang sinasagot niya kapag nag-sasabi ako ng tungkol sa mag-bibigay ako ng pera. Alam kong nahihiya siya pero kasi resposibilidad ko din kasing tulungan siya bilang panganay. May bunso pa akong kapatid, grade 9, ako naman grade 11. Palagi nalang iyon pinapagalitan ni mama dahil maliliit daw ang mga grado at tamad din, pero mabuti naman at kahit ganoon mag salita si mama sa kaniya ay hindi niya sinubukang patulan at sigawan ito.


Pinalaki kami ng maayos ng magulang namin. Ngunit ang utak lang talaga ang problema nitong kapatid ko. Minsa nga, ako pa ang sumasagot sa mga assignment niya sa paaralan, parang dalawa yung tinututor ko. Hindi din naman ako nagrereklamo dahil resposibilidad ko din bilang panganay ang tulungan ang bunso kong kapatid sa paaralan at kung may problema siya sa buhay.


"Aba pag ganyan ang gagawin ko ma, wala nang matira sa perang nakuha ko sa sweldo, wala na akong mabibigay sa inyo ni bunso." Sagot ko naman.

Binibigyan ko din kasi ng salapi si mama para sa tuition din ng kapatid ko. Kahit tamad sa pag-aaral yan ay hindi pa rin ako susuko na magdagdag ng pera para sa tuition niya.


Hindi ko din naman masabi na malaki-laki ang mabigay ko sa kanila dahil malaki-laki din ang bayaran ko sa paaralan. Maliit-liit lang din ang sweldo ko sa tutor, bale hindi siya kasya samin magkapamilya, 11 thousand every month, at 3 hours every day.

"Hayaan mo na kasi anak. Sinabi ko na iyan sa iyo dati pa. Makinig ka naman. Kaya ko ang pagbayad ng tuition ni Talia at sa bayaran sa bahay, kaya wag ka nang dumagdag ng salapi dahil kailangan mo iyan sa paaralan." Matigas na ulo niyang sagot.

Pawā UniversityWhere stories live. Discover now