Hindi ko maiwasang mapangiti. Para na siguro akong tanga ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung tuluyan na nga akong nakulong.
Mahirap paniwalaan. Hindi ko nga alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o pinaglalaruan lang ni Apollo ang aking nararamdaman.
He confessed. Hindi nga ako makaimik nang sabihin niya lahat ng iyon. Parang ang hirap paniwalaan at isipin. Unang pumasok sa isip ko kung pa'no si Joy? Anong magiging reaksiyon niya?
Bigla ko tuloy naalala kung saan humantong ang pag-uusap naming dalawa kahapon.
"I will court you Safira whether you like it or not." Hindi ako makahinga at nakatitig lamang ako sa dalawang mata niya. He was very serious at hindi ko alam kung ano nga ba dapat ang isasagot ko. Para akong nanaginip na ewan.
"Rest for now Safira." Tumayo na siya at lumabas ng kwarto habang ako'y naiwang nakatulala sa kawalan.
Hanggang ngayon ay inuulit-ulit ko parin ang mga alaalang iyon kung dapat ko bang paniwalaan? Totoo nga ba? Dapat ko nga ba siyang paniwalaan? Ako? Ang isang mahirap na babae liligawan ng isang lalaking nanggaling sa milyonaryong pamilya? Napakaimposible.
"Tignan mo naman ang dinadaanan mo miss!" Nakatitig ako sa isang babaeng sa tingin ko'y nanggaling sa criminology department.
"Ah pasensiya na!" paghingi ko ng tawad sabay lakad muli. Inirapan niya lang ako. Huminga ako nang malalim. Kanina pa ako lutang!
Ngayon ay pupunta ako sa library upang mag study. Sabi ni Joy ay susunod daw siya saakin. Nagulat nga ako dahil pagbalik ko'y marami ng kaibigan si Joy. Mga mayaman syempre, katulad niya. Doon naman talaga siya nababagay.
Pumasok na ako sa library and as usual sinulat ang pangalan sa record book. Dumiretso ako sa paboritong pwesto ko na paboritong pwesto rin yata ni Apollo. Pasensiya na siya't naging paborito ko narin ang paborito niya.
Hindi ko rin siya nakita ngayong araw. Syempre hindi pa naman natatapos ang araw pero sana'y hindi muna pagtagpuin ang landas namin dahil hindi pa ako handang makita o makausap siya.
Kailangan munang e-proseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Mahirap kasing umasa sa wala. Mahirap sumugal nang hindi sigurado lalong lalo na sa pag-ibig.
Naghanap ako ng libro dahil nalalapit na talaga ang long quiz namin. Scholar lang ako kaya dapat talagang seryosohin ko ang aking pag-aaral. Mahirap ang kurso ko kaya nararapat lang na magpursigi ako.
Pagkatapos kong makuha ang mga kailangan kong libro ay umupo na ako sinimulang hanapin ang topic na dapat kong pag-aralan. Hindi ako 'yong tipong minimemorize ang mga salita kasi mas iniintindi ko ito at binabasa para hindi ko talaga makalimutan. Swear pag naintindihan mo ang pinag-aaralan mo, malabong makalimutan mo ito.
Siguro katulad lang' yan sa tao. Pag kilalang-kilala mo na 'yong tao, mahirap nang kalimutan. Huminga ako ng malalim at napailing na lamang sa mga iniisip ko.
Nagulat ako nang biglang may sumulpot na rosas at teddy bear sa harap ko. Umangat ang tingin ko sa may hawak nito at muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko siya.
Bigla akong kinabahan at nataranta. Bakit siya nandito? "Hi!" nakangiting bati niya. Kahit na distansiya lamang ako sa kaniya ay amoy na amoy ko parin ang pabango niya. Ito na siguro ang pinakapaboritong amoy ko sa lahat.
"B-Bakit ka nandito Apollo?" Bakit ba ako nauutal?
"Ah to give you these?" tugon niya sabay pakita ng dala niya. Napatingin ako sa preskong rosas at kulay itim na Teddy bear.
Umiling ako at muling itinoun ang atensiyon sa libro. "Hindi ko matatanggap 'yan Apollo," madiing wika ko. Hindi siya natinag at mas lalo lang akong tinitigan. Nakakailang ang ginagawa niya at wala tuloy akong maintindihan sa mga binabasa ko.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Fiksi RemajaHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...