"Ouch, masakit, Dane."
"Kung hindi ka ba naman gago, makipagsapakan ka na lang, sa kapatid ko pa." Pinindot lalo ni Dane ang labi ko. Ginagamot niya ang sugat ko matapos ko siyang puntahan sa opisina niya para ibalita ang nangyari.
"Nang-iinis, eh."
"Alam mo naman palang nang-iinis, pinatulan mo pa. Alam mo naman na mahilig mambwesit 'yon." Pinindot niya pa lalo ang sugat ko kaya napangiwi ako.
"Dahan-dahan naman, Dane."
"Ang sabi ko sa'yo, supresahan mo para malaman mo kung ano tinatago ni Margot sa'yo. Hindi ko sinabing makipagbugbugan ka sa kapatid ko."
Kasalanan ko ba na malakas mang-inis ang kapatid niya. Mukha palang ay nakakapikon na. Ang sarap sampalin ng sapatos.
"Bakit kasi ayaw niyo na lang sabihin sa akin kung ano tinatago ng asawa ko sa akin?"
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya saka umupo sa tapat ko. "Alam mo ba na gustong-gusto namin sabihin sa'yo. But as I said, we no rights to do that."
Sumandal ako sa upuan habang napapailing.
Sus, puwede naman nilang sabihin na lang. Sino ba kasi ang pinangingilagan nila? At ano ba 'yang sekretong sinasabi nila?
"Dami niyo kasing arte."
"Wala ka ba natuklasan sa pagpunta mo roon? I mean, kakaiba."
"May stroller doon."
"Ow...and?" Napaayos siya ng upo at halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"May batang umiyak."
"Talaga? Sino sa tingin mo ang batang iyon?"
"May iba pa ba? Eh 'di si Joker. Siya lang naman ang bata sa pamilya."
"Slow."
"Oo na, slow na ako. Kailan pala sila aalis?"
"This month, kaya bilisan mo na. Kung hindi ay tuluyan kang mawawalan kapag nakalayo na siya sa'yo. By the way, aalis ako at may meeting pa ako. Umuwi ka na at magpahinga total suspended ka naman." Kinuha niya ang bag niya at saka umalis.
Dahil wala akong gagawin kung uuwi ako ay nagpunta ako sa mall para mag-ikot-ikot. Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nandoon din si Margot at nasa loob siya ng gamit na pambata. Alam ko na restricted akong lumapit sa kanya kaya nagpatay malisya ako na kunwari hindi ko siya nakita.
Pasimple akong lumapit kay Margot pero naunahan akong lumapit ng isang yaya na may hawak na baby. Hindi nila ako napansin dahil natatakpan ako ng mga damit.
Bakit hanggang dito ay kasama niya si Joker?
"Ma'am oras na po ng pagdede ni Umami."
Umami?
Napatingin ako kay Margot na kinuha ang bata.
Umami ba ang sinabi ng yaya? At sino ang Umami na tinutukoy niya?
Umupo siya sa isang tabi at nagtakip saka pinadede ang bata. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
Paanong nangyari iyon? Paanong nagpadede siya ng ibang bata? Sabagay, ang sabi ni Mommy ay dumede din ako kay tita noon na kapatid niya dahil na-ospital si Mommy. Kaya pwede 'yon pero...sino ang bata?
Mukhang maliit pa lang at parang hindi si Joker. At 'yong yaya...siya 'yong nakita ko sa opisina ni Margot. 'Yan din kaya 'yong batang kasama niya roon?
Maya-maya ay may lumapit kay Margot na lalaki at binigyan siya ng tubig. Si Wallace...ang kaibigan ni Dylan. Pinagbuksan niya ng tubig si Margot at tinulungan na makainom. Nagtawanan silang dalawa at nang matapos dumedede ang bata ay mukhang tulog na ito at saka nilagay sa stroller. Tumayo si Margot at ang walanghiyang Wallace kaya doon na ako lumapit.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomansaWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...