A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars
Maureen
"Ma'am Ricci." tawag sa akin ng student assistant na si Mae.
"Yes?" nag angat ako ng tingin mula sa paggawa ng questionnaire.
"May bisita po kayo."
"Sino daw?"
"Vaughn Tuazon po."
Medyo nagulat ako. It's the first time she visited me here at school.
"Let her in." tugon ko na agad naman nitong sinunod.
Nakita kong pumasok si Vaughn bitbit ang isang malaking pumpon ng bulaklak. "Hi."
Binitawan ko ang hawak na ballpen saka nag cross arms. "What are you doing here?"
"For you." sa halip ay sagot niya. Inilahad niya sakin ang bulaklak pero hindi ko yun tinanggap.
"Sa tingin mo sa pamamagitan niyan magiging okay na ako? I waited for you last night. Sabi mo pupunta ka sa bahay pero hindi naman."
Vaughn bit her lip. "I'm sorry. Nabusy kasi ako sa restaurant sa makati branch kaya di na ako nakabisita kagabi."
I rolled my eyes. "You should've texted me instead. Para sa ganun hindi ako buong magdamag naghihintay sayo."
"I'm sorry for that too, na lowbat din kasi yung phone ko kaya di nako nakapag-text sayo."
Hindi na ako nag-reklamo pa dahil wala ako sa mood makipag argue sa kanya ngayon. Kinuha ko sakanya ang bulaklak saka siya iginiya paupo sa visitor's chair. "Thank you for this."
"You're welcome, naglunch ka na ba?"
"I already did." sagot ko.
"By the way, gusto ko sanang mag-paalam sayo ngayon. It's really important."
Bahagyang umangat isang kilay ko. "Where are you going this time?"
"Pupunta ako sa cebu para sa isang client meeting."
I let out a sardonic laugh. "Let me guess, isasama mo ulit si Gail?"
"That was the original plan, sa sabado sana kami aalis. Pero dahil ayokong dagdagan yang pagdududa mo sa amin, hindi ko na lang siya isasama."
I glared at her, giving her a dagger look. "Too late, sana naisip mo yan noon pa."
Napabuntong-hininga si Vaughn. "Simula ngayon, hindi ko na isasama si Gail sa mga lakad ko. If that's the only way to make you at peace."
I heaved a sigh. Okay na 'yon kaysa mamublema ulit ako dahil sa selos. "That's good enough to hear."
Vaughn looked relieved. "I'll be back at sunday night, may gusto ka bang pasalubong?"
"Wait, what? Sunday night? Ibig sabihin hindi kita maisama sa birthday party ng katapid ko ngayong sabado?"
"I'm afraid i can't, kailangan ko rin kasing i-monitor ang construction ng bagong branch ng restaurant doon."
Nalungkot ako. "Anong oras ka ba aalis ngayon?"
"Three pm, sharp. Pwede mo ba akong ihatid sa airport?"
BINABASA MO ANG
A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****