Chapter 8

12 6 0
                                    


Nasa bahay lang ako buong sunday, tamang basa lang ng mga babasahin, malapit narin ang event namin sa buwan ng wika, exception kaming mga college, naka focus lang kaming lahat sa studies namin, Minsan may debate minsan din naman may surprise quiz, hindi na rin kami masyadong nakapag usap ni Craige at Hanna dahil abala kami sa isa't isa. Minsan ko nalang din kasi naabutan si Hanna kasi minsan late siya, minsan naman sobrang busy niya, parang may mali kasi ang tahimik niya di tulad ng dati na sobrang ingay niya, siguro nga ganoon talaga siya kapag may problema, hindi narin ako nakakapagtanong pa dahil busy din ako sa studies at sa pagiging captain ball.

It was as if katapusan na namin kapag nag fail kami sa isang subject, Tama nga sila that college is a real battle, hindi madali, lalong lalo na ang course namin na surgeon, it requires a lot of energy and Strength para matapos namin ang gawain namin.

"Kamusta kana?" Tanong ko kay Hanna, galing ako sa room ni Oliver pero wala siya doon at saktong sakto nakita ko si Hanna.

"Okay lang naman ako, preparing lang para sa buwan ng wika" saad nito, sila pala ang naatasan na mag design.

"Ikaw ba?" Tanong niya sa'kin.

"Well, medyo busy and prepare din sa laro namin sa Monday" saad ko napangiti naman siya at tumingin sa'kin.

"Manonood ako niyan" Sagot nito. Matagal ko ding hindi nakita ang pag ngiti ni Hanna, there's this something in her smile na familiar sa'kin, not just her smile pero lahat ng sa kanya familiar sa'kin. It's like I've known her before, parang kilalang kilala ko na siya kahit wala pang buwan simula nung magkita kami.




"Galingan mo! Go, Craige" Sigaw ni Hanna, nasa mall kami ngayon nag papasyal, I am playing racing kaya Todo cheer siya sa'kin, kanina pa kami andito at panay lang kami laro, marami narin kaming tickets na nakuha, ng matapos kami, Pina exchange namin ang ticket ng stuff toys it was a panda, hindi siya gaano ka lakie kaya dalawa ang nakuha namin, may free name tie din kaya nagpalagay siya ng Hanna sa kanya at Craige naman sa'kin.

"Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa arcades" kumakain kami ngayon sa tapsilog, konti lang ang tao dahil malapit na sila magsara.

"I used to play arcades, 10 years ago ata I was 9, mahilig kasi kami mamasyal ng mama ko" saad nito kaya't napatango ako.

"Kaya pala, you're just so focus with your studies, kaya di ko inexpect na may kaya kapa palang gawin, maliban sa arcades ano pang hilig mo?" Tanong ko dito. Napatingin naman siya sa'kin tyaka napaisip.

"I know taekwondo" saad nito kaya't napatingin ako sa kanya.

"Talaga?" Gulat kong tanong, natawa naman siya at tumango.

"Nag aral ako when I was highschool, self defense lang" saad nito, napatango naman ako, she's really amazing. Nagusap pa kami ni Hanna, kaya't natagalan ang aming pagkain, ng matapos kami, agad kaming lumabas ng kainan, at napagisipan na maglakad lakad muna, 7: 30 palang kaya't nagikot ikot muna kami.

"Malapit kaba sa parents mo?" Tanong nito sa'kin, napatingin ako sa kanya.

"Bakit mo naman natanong?" Takang tanong ko, napalingon siya sa'kin tila ba binabasa niya ang nasa isipan ko.

"I kind-a stalk your socmed accounts but I didn't find anything about you family background" saad nito, napangiti ako dahil sa salitang stalk, gusto ko siyang tawanan.

"Bakit parang natatawa ka?" Tanong nito, kaya't natawa na talaga ako.

"Stalker ka pala" kumunot ang noo niya ng marinig niya iyon.

Heartbeat Where stories live. Discover now