SA PAGLAYAG // CHAPTER 4 - SA'YO
"It's your turn."
Ilang beses akong pumikit, pilit iniintindi ang sinabi niya. Siya? Interesado? Sa'kin? Nung high school pa?! Huh?!
Bumalik lang ako sa katinuan nung umandar na ang kotse at narinig ko ang pagtawa ni Kenneth.
"Okay, it's... it's my turn," pilit kong sinabi kahit nababaliw na ang puso ko. Huminga ako ng malalim at tinignan siya.
Hindi ata ako nagsasawang tignan siya. Simula noon, sa kaniya lang ako lagi nakatingin. Walang nagbago. Kung meron man, iyon ay ang distansya ko mula sa kaniya.
I used to only admire him from afar. Tapos ngayon, sobrang lapit na. Sobrang lapit na niya.
"What? Are you just going to keep staring at me?"
"Bawal?"
Ngumisi siya, "Keep playing, Mai."
Ngumuso ako at nag-isip na ng sasabihin. "Wala akong kapatid. Doctor ang mga magulang ko, at... wala akong crush."
He chuckled, "What?"
Nagkibit balikat ako. Bahala na. Matalino naman siya, gets niya na 'yon.
"You're an only child?"
"Mhm," umayos ako ng upo at sinandal ang ulo sa head rest. "It gets lonely."
"Who's your crush?" Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Tinignan niya rin ako bago ngumiti, "Can't tell?"
"Uh, ano kasi..." bumilis na naman ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung saan itutuon ang mga mata ko.
"Tell me some other time," tumigil ang kotse sa harap ng isang restaurant. Mukhang mamahalin pero hindi naman mukhang fine dining. Dapat lang, naka-uniform pa ako, 'no. "We're here."
"Favorite mo rito?" tanong ko pagkababa namin ng kotse.
Tumango siya, "My Mom loves it here."
That's cute. Favorite niya rito dahil gusto rin ng Mom niya.
Pumasok kami at siya ang kumuha ng table. The place looked really good. Shades of brown at white ang kulay ng buong lugar simula walls hanggang decors.
Nagulat ako nang papasukin kami sa VIP area. Nasa third floor 'yon, at may garden pa.
"Here's your table, sir Kenneth," sabi nung babae. Medyo nagulat ako ng tawagin siya sa first name niya.
"Kilala ka rito?" bulong ko pagka-upo. Sa harap ko siya naka-upo. Katabi ng table namin 'yung garden, at tanaw ang ibang building sa labas.
Tumango siya, "My Dad owns the place," kaswal na sabi niya.
Bumuka ang bibig ko sandali. Sandali lang dahil naalala ko agad na chef nga pala ang Daddy niya. Tapos ang Mommy naman niya ay isang architect. Marami talagang impormasyon sa internet.
Nag-order na kami at nagkwentuhan habang hinihintay 'yong ma-serve. Kung anu-ano ang pinag-usapan namin. Minsan pa ay natutulala ako sa kaniya dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko siya at kaswal na kinakausap.
"About..." huminga ako ng malalim bago tinuloy ang sinasabi. "Sa sinabi mo kanina," naiilang na sabi ko.
Nakatingin siya sa'kin habang kumakain ng pasta, "Which one?"
"'Yung 'interested' one."
"Oh," tumawa siya, "That. That's true."
Bumuka ang bibig ko para magsalit pero walang lumabas. Hindi ko alam kung anong sasabihin o ang magiging reaksyon. Bakit ba ang forward at honest niya?! Mahina ang puso ko sa mga ganito.
"Do you want me to elaborate?"
"Gusto ko mag-Filipino ka."
Natawa siya ng malakas kaya napatingin 'yung nasa katabing table namin. "You're funny," sabi niya, natawa pa rin. Kung hindi lang siya gwapo kapag tumatawa, maiinis ako sa kaniya dahil lagi niya akong pinagtatawanan.
Bumalik ako sa pagkain, sadyang hindi pinansin ang tanong niya dahil hindi ko yata kakayanin kung ie-elaborate nga niya.
"Ano pang hobby mo, besides basketball?"
Matagal siyang nag-isip. "Games?"
"Video games?" Parang hindi siya sigurado sa sagot niya, ah.
Tumango siya, "But I don't play often. Kapag nasa bahay lang ang mga pinsan ko."
"Close ka sa mga pinsan mo?" Tumago ulit siya at sinubo na ang last bite ng pasta niya. "May kapatid ka, 'di ba?"
Inubos ko na rin ang pagkain ko habang hinihintay siyang lunukin ang kinakain. Uminom muna siya ng juice bago nagsalita, "Yeah, an older sister. Her name's Kelsey Reign," ngumiti siya na parang proud, "You've probably heard of her."
Of course, I have. Kelsey Reign Soriano, the current team captain of our girls' volleyball team. Sobrang galing niya sa court at sa classroom. Na-interview ko na rin siya once, ang hirap pa nga dahil Englishera rin tapos sophisticated. Nakakatakot magkamali sa harapan niya.
Ganoon din naman ang tingin ko kay Kenneth noon. Nasa lahi na ata nila ang pagiging sporty and elegant at the same time.
Nagkwentuhan pa kami ng kaunti bago napagdesisyunang umalis na roon. Hinanap niya ang Daddy niya pero wala raw ngayon sa restaurant sabi ng isang empleyado.
"There's a park near here," tumuro siya sa kanan habang nasa loob ng bulsa ang isang kamay. Nasa labas na kami, bukas na ang mga ilaw at malamig na ang hangin. "You wanna chill there for a bit?"
Tumango ako at ngumiti. Ayoko pang umuwi dahil siya ang kasama ko. Kapag umuwi ako, para akong nagising sa kung ano man na panaginip 'to.
Halos katabi lang ng restaurant nila 'yung maliit na park. May dalawang swing set at monkey bars. May slide rin sa bandang likuran, may mga high school students na nakatambay. Hindi ko matandaan kung kelan ang huling punta ko sa ganitong lugar. Masyado akong nakulong sa bahay at school.
I jogged papunta sa swing at umupo roon. Hindi ko namalayang nakangiti pala ako. Nakaka-miss naman maging bata.
"You look pleased," nakangiting sabi ni Kenneth bago umupo sa katabing swing. Masaya akong tumango at tinulak ang paa para umandar sa swing.
Tumama ang lamig ng hangin sa balat ko nung magsimulang gumalaw ang swing. Narinig kong tumawa ng mahina si Kenneth kaya napalingon ako sa kaniya. Pwede ko talaga siyang titigan buong araw.
"Alam mo," sabi ko habang tinutulak pa rin ang sarili sa swing, "Hindi pa rin ako makapaniwalang kasama kita ngayon."
Kumunot ang noo niya, "Why not?"
Nagkibit balikat ako, "Weird lang."
"Why is it weird?"
"Kasi ina-admire lang kita sa malayo noon," tinignan ko siya saglit at umiwas agad dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.
Hindi siya sumagot at pinaandar na rin ang swing niya. Ilang minuto ang lumipas ng walang nagsasalita sa'min. It felt nice, actually, hindi awkward.
Dahan dahang kong tinigil ang pag-andar ng swing nung tumigil na rin siya. Nagkatinginan kami at parang naubos lahat ng hangin sa katawan ko dahil sa titig niya. Ang ganda ng mga mata niya, nakakabighani.
"Are you happy?" mahinang tanong niya.
I smiled warmly, "Oo naman." Kasama kita, e'. Sino ba naman ako para hindi maging masaya ngayon?
"Your smile is pretty," agad na nag-init ang mukha ko ng sabihin niya 'yon. Umiwas ako ng tingin kaya natawa na naman siya. "Keep doing that."
"Ang alin?"
"Smiling," simpleng sabi niya at ngumiti. "Bagay sa'yo."
***
BINABASA MO ANG
Sa Paglayag
General FictionFor years, Mayumi Sanchez has always had her eyes on one specific guy. But she has always thought that she doesn't have a chance. Because he was out of her league. He was close-to-perfect, some might even argue. So, she stayed behind, admiring him f...