CHAPTER 2
Pagkapasok namin sa Bus maraming napapatingin samin. Bigla akong tinablan ng hiya kahit minsan wala ako nun. Papunta kami ngayon doon sa likod ng Bus , kami kasi ni Liam ang huling dumating. Kasalanan ko bang malayo yung Kidapawan City!?
Pang sumbagon tamo ron pag maglagot ko.
'First come, first serve' ika nga nila. Ramdam ko pa din ang tinginan ng iba samin. Dukutin ko kaya mata nila? Para masaya. Mabuti pa yung iba walang pakialam. Pagka upo namin may biglang tumabi sakin. I don't know her, pero kung makaasta itong babae parang kilalang kilala ako.
"Hi, I'm Xesha." bungad nito sakin.
Medyo chubby sya, maputi, hanggang dibdib yung buhok, malaki yung cocomelon, sana all. I think nasa 4'9 yung height. Maganda. She's smiling widely while looking at me. Ang cute.
"I'm Jayden, yeah I know panlalaki yung name ko but you can call me Jade for short, and this is Liam, my cousin." kumaway naman sila sa isa't isa.
"Nice to meet you two. So, anong Hood ba kayo napabilang?" tanong nito samin. Ah okay, kaya pala lumapit.
"Well basically, kami ni Liam nasa iisang Hood lang. We're from Guardians Monarchy." sagot ko sa kanya. Nanlaki naman ang dalawang mga mata nito na nakatingin samin.
"Oh my gosh! Nasa iisang Hood lang pala tayo! My RP name is— ay sorry di pa pala pwedeng sabihin."
I'm a bit shock. Kasi naman unexpected Dzai! Na unang makilala ko dito ay yung nasa Hood ko.
"Bakit di pwedeng sabihin? Where's the fun in that?" tanong bigla ni Liam.
"Ay nako! Ewan ko jan kay Mr. BJ, para surprise daw. Doon na daw tayong lahat sa Isla magpakilala. Btw, ano palang Position nyo sa Hood? Yun na lang para easy to recognize, char." bigla naman kaming natawa ni Liam.
"Editor ako sa Hood." Liam said.
"So your the one and only Laxus Darkians?" tumango naman ito ng nakumpirma nya na si Liam ay si Laxus.
"Okay, I'm the Princess." Xesha said. Di ko sya agad nakilala dahil dalawa yung Princess sa Hood. Napatingin naman ito sakin, naghihintay kung magsasalita ba ako o hindi. I sigh.
YOU ARE READING
Meet Up Gone Wrong (On-going)
Mystery / ThrillerRPW GRAND MEET UP Mag ingat ka sa social media, di mo alam kung ano ang nasa likod nito. Kung ang iba mabait, ang iba naman hindi. Wag ka dapat magpa-apekto sa mga post nila. Permanenteng mundo, Pero nakahanap ako ng mga taong nagpakatotoo sa mund...