Chapter 22
Third person's POV.
Kahit na anong paghingi ng ilang shot ni Christine, hindi na siya nagawang bigyan ng bartender. Takot itong magalit ang babaeng lasing, pero iniisip niya ang maaari nitong kahinatnan kapag nasubrahan ang kalasingan.
Hawak pa rin ng bartender ang phone ni Christine hanggang sa tumunog ito. Si Dustin ang tumawag, ibibigay sana niya ito kay Christine, pero hindi na niya nagawa dahil dumuwal na sa sahig.
"Hello, Hailey? Pwedeng mag-usap muna tayo? Tungkol sa sinabi mo, Hindi ko kayang mawala kayo ni Justine, Hailey."
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sir, Isa po akong bartender dito sa bar. Andito ngayon si..." nalito siya dahil Hailey ang tawag ng lalaking kausap ngayon samantalang kakaamin lang ng babaeng lasing na siya si Christine. "Andito po si ma'am Hailey." tuloy niya.
"Sinabing ako si Christine! Hindi ka ba nakakaintindzi, ha!" sigaw naman ni Christine at tumayo kahit hirap na dahil sa sobrang kalasingan.
"What? Damn! I'm on my way now. Bantayan mo si Hailey, don't let other people come near her, understood?" ani Dustin sa kabilang linya bago pinatayan ng tawag ang bartender.
Hindi na niya alam kung sa paanong paraan pa para pabilisan ang andar ng kotse para makarating agad sa naturang bar. He can't imagine himself that Hailey's dancing in circle of boys.
"Damn this! Why do I bothered to think that? Wala akong dapat iisipin, and shes right! This is not my business. Pupuntahan ko lang siya at dalhin sa condo, and after that, I will do what she want." aniya habang mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan.
Nang makarating sa bar, hindi na ni Dustin pinarking sa tamang parking lot ang kotse. Halos patakbong sinuyod niya na ang daan papuntang loob. May nakasabay siyang papasok na mga babae, at ang iba at pasimple pa siyang sinantsingan. Wala si Fevie roon sa bar, dahil nakaasign ito sa ibang bar niya.
Nang tuluyang makapasok, hinarap na ng mata niya si Hailey at kaagad naman niyang nakita. Nakapangalumbaba ito habang tulog na tulog. Nandoon naman ang binatang halatang binantayan si Christine. Kaagad niya itong nilapitan.
"Ito po ang phone niya, Sir." saad ng bartender. Tinanggap iyon ni Dustin.
"Thank you," umalis na ang bartender. Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Hailey. Tanging ungol lang ang narinig ni Dustin mula rito.
"Hailey, let's go. Uuwi na tayo sa condo mo." marahan niyang sabi.
"Hindi nga ako 'yan...hindi mo pa rin ba... naintindihan?" pasinok-sinok nitong saad.
"Hailey," aniya pa rin, hindi nagpapatinag.
Dahan-dahang napaangat ng tingin si Hailey sa lalaking kinasusuklaman niya. Ang lalaking dumurog sa kanyang puso ng paulit-ulit. Pero bakit andito ito ngayon kaharap niya? Diba kahapon niya lang sinabi na break na sila? Pinilig niya ang kanyang ulo. Limang taon na pala ang lumipas simula no'ng iniwan niya ako.
"Let's go, tumayo ka na dyan---" akmang hawakan siya ni Dustin pero kaagad niyang iniwas ang sarili mula rito.
"Bakit ka nandito Dustin, ha? Ang kapal naman ng mukha mo! Pagkatapos ng lahat...ng ginawa mo, may mukha ka pa talagang iniharap sa'kin, ngayon ha?" sigaw ni Christine sa mukha ni Dustin na ngayon ay bakas dito ang pagkalito dahil sa pinagsasabi ni Christine.
"What do you mean, Hailey! Let's go, lasing ka na. You need to rest now." balewala niya sa mga narinig. Ngunit matalim ang mata ng dalaga ang sunod niyang nakita. Puno ng luhang nagbabadya sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...