Nakakailang hakbang palang ako ng magsalita sya na ikinatigil ko.
"I can't..." Napatingin ako sa kanya nung sabihin nya iyon. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi ko makita kung anong reaksyon nya.
Dahan dahan syang humarap sa akin at tinignan ako sa aking mata. Napalunok ako at biglang kinabahan.
"I can't, Leeina." Paguulit nya. Humakbang sya ng dalawang beses habang hindi pinuputol ang tinginan namin.
"I think I love you. At kung iiwasan kita mababaliw ako." Dagdag nya na nagpatibok ng puso ko.
Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita ngunit wala namang lumalabas. Nakatingin lang kami sa isa't isa at nakikipag paramdaman.
"Nababaliw kana talaga." Yun lang ang tanging nausal ko ng makabawi ako sa nararamdaman ko. Bahagya syang natawa. "Yeah. I'm crazy." Pag amin naman nya.
Huminga ako ng malalim. "Tara balik na tayo, kain tayo doon sa bahay nila Tito ko." Pag aaya ko sa kanya. Tumango naman sya at sumunod sa akin.
"Kailan mo ako unang nagustuhan?" Tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa street namin. "Secret." Natawa ako.
Hindi ko inaakalang may ganito palang ugali si Isaac. Cute na funny. Ang tingin pa naman sa kanya sa buong school ay masungit na lalaki at seryoso lagi sa pagaaral.
"Sabihin muna. Hindi ko ipagkakalat, promise." Pamimilit ko. Sumulyap ako sa kanya ngunit nakangisi sya. "You wouldn't believe me if I said it." Umiling ako."Maniniwala ako, promise."
"Since we're grade 9." Nanlaki ang mata ko. "HA?!" Gulat na sabi ko. Natawa ulit sya sa reaksyon ko. "I told you. You wouldn't believe me." Sabi nya pa.
Napakurap kurap pa ako. "Paano? I-i mean ngayon lang naman tayo nagkakilala diba?" Naguguluhan kong tanong. "Matagal na kaya kitang kilala. Lagi tayong nag kikita sa library but you just didn't notice me." Nagtatampong sabi nya.
Hindi pa din ako makapagsalita. Totoo ba? Bat parang hindi ako naniniwala?
Kung totoong nagkikita kami sa library hindi ba ang galing nun? Kase nung una ko syang napansin ay sa library din.
"H-hindi ko talaga alam." Ang tanging nausal ko. Natawa naman sya. "It's okay, ngayon naman ay nakakausap nakita. Nahalikan pa kita." Ngumisi sya pagtapos sabihin iyon.
Pagdating ko sa bahay nila Tito ay nagsandok ako ng pagkain. Ibinigay ko kay Isaac ang dala ko. Tumabi ako sa kanya pagtapos. Nasa harap namin si Tito at panay ang kwento.
"Kamusta naman ang pagtira nyo dyan sa bahay?" Tanong nito. "It's okay naman po." Simpleng sagot nya. "May multo daw dyaan dati---" Pinutol ko ang sasabihin ni Tito.
"Nananakot ka na naman, Tito eh! Hindi na bata iyan!" Inis na sabi ko. Tumawa naman silang dalawa.
"Kaano ano mo si Leei?" Biglang tanong ni Tito kay Isaac na ikinakaba ko. Napalunok ako at uminom ng tubig.
"I'm courting her po." Magalang na sabi nya na nagpalaki ng mata ko.
Hala? Nililigawan nya na ba ako? Bakit wala naman syang sinabi sa akin?
"Ha?! Nililigawan?" Sumingit si Ate Jem ng marinig ang salitang iyon. May hawak hawak pa syang lumpiang shanghai. "Sinong nililigawan mo?" Maangas na tanong nya.
"Leeina." Sagot ni Isaac.
"Kay Zenth na iyan, eh." Hinampas ko sa braso si Ate Jem. "Hoy, hindi ko namam gusto yun." Suway ko.
Tumawa naman si Ate Jem. "Just kidding. Sige kain ka lang dyan, ha? Magsubuan pa kayo ni Leei okay lang." Biro nya pa kaya sinuway na sya ni Tito.
NANDITO ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga. 12 am na at hindi pa din ako inaantok. Naisip ko lahat ng mga nangyare kanina.
Umamin sa akin si Isaac na mahal nya ako, sinabi nya pang liligawan nya ako. Sa harap pa mismo ng mga kamag anak ko, ha! Sobrang tapang nya.
Anong gagawin ko ngayon?
Sagutin ko kaya sya tapos kapag nagsawa na ako hiwalayan ko na sya. Ganun naman diba ang ginagawa ko?
Pero bakit kapag naiisip ko palang na hihiwalayan ko sya ay kumikirot na ang puso ko?
Kinuha ko yung phone ko saka nagmessenge kay Cristy. Sinabi ko sa kanya yung nangyare pero hindi ko pinangalan si Isaac.
From: Cristy
Gaga girl, inlove kana! Congrats!!!Napakunot ang noo ko. Inlove? Ganito ba ang pakiramdam ng inlove?
From: Cristy
Sa kwento mo palang na nasasaktan ka kapag iniisip mo na gagawin mo sa kanya ang ginagawa mo ay malalaman mo na doon. Congrats girl!!Napabuntong hininga ako. Totoo bang inlove sa akin si Isaac?
Paano nga kung totoo? Anong gagawin ko? Baka masaktan ko lang sya...Masira lang sya ng dahil sa akin.
Matutulog na sana ako nung tumunog ulit ang phone ko. Akala ko si Cristy ang nagtext ngunit si Isaac pala. Bat hindi pa tulog ito? Anong oras na...
From: Isaac
Stop thinking at me. I can't sleep.Napasinghap ako. Lakas naman ng apog nito. Anong iniisip?
Sa bagay iniisip ko naman talaga sya. Hahaha. Lakas ng instinct nito ah.
To: Isaac
Hindi kita iniisip! Iniisip ko lang yung mga sinabi mo kanina. Hindi ko maproseso sa utak eh.Nagugulat talaga ako dito kay Isaac. Wala pang isang minuto nakareply na agad. Kadalasan kase sa mga jowa ko umaabot ng ilang oras bago magreply.
Meron pang maglalaba lang daw sya tapos ilang linggo bago magparamdam.
From: Isaac
Kung iniisip mong hindi totoo iyon at nagsisinungaling lang ako you're wrong. Remember the guy in the bench? That's me.Nanlaki ang mata ko. Huwat?!!! Si Isaac yung nakakita sa akin na umiiyak? Hindi lang isa kung di dalawa!!
To: Isaac
Ikaw yung lalaking nagpapagaan ng pakiramdam ko nun?From: Isaac
Yup. Hindi mo ako sinulyapan nun dahil hindi ka naman interesadong makilala ako. Ganun ka hindi ba?Napangiwi ako. Para bang may hinanakit sya sa akin ah.
Pero totoo ang sinabi nya. Ganun akong tao. Kaya nga ang swerte ng mga taong napapansin ko, eh.
To: Isaac
Sinulyapan kita, bigla ka nalang umalis nun, eh. Pero tanong ko lang, nung hindi pa tayo magkakilala anong ginagawa mo kapag nakikita mo ako?From: Isaac
Of course, I always looking at you. Minsan nakikita kitang kasama ang ex-boyfriend mo.Ngumuso ako. Kainis to!
To: Isaac
Hahaha huwag ka ng magtampo sa susunod Ikaw na kasama ko.Naiimagine ko tuloy ngayon si Isaac na nakangisi at parang tanga.
From: Isaac
Stop thinking at me and go to sleep. Goodnight, dream on me.Napangiti nalang ako sa hindi malamang dahilan. Itinabi ko ang phone ko sa gilid ng kama at natulog.
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...