SA PAGLAYAG // CHAPTER 5 - MAKIKITA
"I like this one better, honey."
Tumango ako sa sinabi ni Mommy. Namimili kami ng susuotin ko para sa birthday ni Lola. Hindi ko talaga gusto ang dress na suot ko ngayon pero maganda naman siya. It was a white satin draped dress na hanggang sa ibabaw ng tuhod.
Bukas na ang birthday ni Lola at marami raw ang dadalo. Lagi namang engrande ang birthday celebration sa pamilya ko. Maraming tao ang kilala dahil malaki ang larangan ng medisina, pati na rin ang sa business.
Dating doctor ang Lola ko, pero nagretiro agad dahil mas gusto niya ang pagnenegosyo. Kilalang surgeon din ang Lolo ko kaya naman sigurado akong maraming tao ang imbitado.
"Thank you, Ma'am," nginitian ko ang sales lady bago kami tuluyang lumabas ni Mommy sa store. Heels naman daw ang bibilin namin kahit ang dami ko ng ganoon sa bahay. Isang beses ko lang nagamit ang karamihan doon. Balak ko nga ibenta o kaya i-donate dahil sayang lang.
"We'll get this one in white, please." Umupo ako sa nakitang upuan habang namimili si Mommy ng susuotin niyang sapatos. "Do you want anything else, honey?"
Umiling ako at pagod na ngumiti, "Wala po." Ilang oras na kaming papaikot-ikot sa mall. Ang dami niya ring binibili, feeling ko naman hindi niya rin susuotin ang kalahati roon.
"Are you tired?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Lumapit siya sa'kin at inayos ang buhok ko, "Last na 'to, we'll go home na after this."
Ngumiti ako at tumango. Istrikto si Mommy, minsan pa ay demanding at gusto siya na susunod. Pareho sila ni Daddy. Pero mabait naman sila. Sadyang mahigpit lang pagdating sa'kin dahil isa lang akong anak.
FROM: Kenneth Reid
Hey.Nasa sasakyan na kami ni Mommy, pauwi na, nang biglang mag-text si Kenneth. Tinignan ko si Mom saglit bago mag-reply. Pilit ko pang pinipigilan ang ngiti ko.
TO: Kenneth Reid
hi :)FROM: Kenneth Reid
Wyd? Practice ended early. Good mood ata si Coach. LolTO: Kenneth Reid
sinamahan ko si mommy mag-shopping hahahah
pauwi na kamiiFROM: Kenneth Reid
Ingat. I'm gonna drive now, ttyl.TO: Kenneth Reid
INGAT!Lumingon ulit ako kay Mommy bago itago ang selpon. Nakatuon lang sa pagmamaneho ang atensyon niya kaya sa tingin ko ay hindi naman niya napansin ang pagngiti ko habang kausap si Kenneth. Delikado na talaga ako.
Pag-uwi namin, agad kong dinala sa kwarto ang mga binili ni Mommy para sa'kin. Inalis ko sa paper bags ang tatlong dress na pinili niya at ang sapatos. Inayos ko ang mga iyon sa walk-in closet na nasa kwarto ko.
Gusto ko laging maayos ang mga gamit ko. Ayaw na ayaw kong nagugulo ang mga 'yon o hindi kaya ay gagalawin ng ibang tao. Kaya kahit may kasambahay kami, ako ang nagliligpit sa kwarto ko. Ayaw ko rin na may pumapasok na ibang tao rito.
Kinabukasan, naghahanda na kami para sa birthday ni Lola. Nag-hire pa sila Dad ng mag-aayos sa'kin kahit hindi naman talaga kailangan. Hindi rin naman ako makakatangi.
"My, my," nakangiti akong sinalubong ni Mommy pagbaba ng hagdan, "So beautiful." Nahihiya akong ngumiti at naglakad na kami palabas ng bahay.
Kausap ni Daddy ang driver namin nang lumabas kami. "You look amazing, sweetheart," sabi niya paglapit namin.
May kalayuan din ang venue sa bahay namin kaya natagalan kami ng konti sa byahe. Buti na lang hindi masyadong traffic kaya nakarating pa rin kami sa tamang oras.
BINABASA MO ANG
Sa Paglayag
Ficción GeneralFor years, Mayumi Sanchez has always had her eyes on one specific guy. But she has always thought that she doesn't have a chance. Because he was out of her league. He was close-to-perfect, some might even argue. So, she stayed behind, admiring him f...