Renee's Pov
"Ms.Charns?"
"Hm?"
"Ready?"
"Yes."
"Don't be nervous, first time?"
"Ah, yes."
"Ganyan talaga, mageenjoy ka din nama eh" I nodded.
First day ng work! Medyo excited na ko, di ko kasi akalaing matatanggap ako agad! Biruin mo? Yung manager nung station na pagtatrabahuhan ko? Fan ko pala sa Ask.fm! Matagal na daw niya ko hinahanap at gustong-gusto niyang mag-offer ng trabaho sakin, galing ko daw mag-advice mapaseryoso o kalokohan! Kaya eto, medyo kabado pa ako! Hahaha di ako sanay, grabe live akong makikipagusap sa mga taong may pinoproblema sa buhay.
Anyway, let's talk about sex.. De joke. Let's talk about the previous chapter, alam niyo bang 2 months na ang nakalipas mula nang mangyare yung night swimming na yun? Marami ding nagbago. Dati-rati pagkagising ko, si Starr agad ang nasa harap ko pero simula ng manggaling kami sa swimming na yun, di ko na sila nakita. Oo sila, silang dalawa ni Loraine, ni anino nila hindi ko na nakita, ewan ko baka nagpakalayo or nagtanan na. Kaya si Blue ang nagdrive samin nung gabing yun, pero napaisip pa din ako, kay Starr yung sasakyan na yun, imposibleng hindi niya babalikan yun kaya nagbabakasakali pa din ako na babalik siya sa bahay. Well, I wish diba?
Pumasok na ko sa loob, kinakabahan ako kase tulad nga ng paguusap namin ng manager ko, first time ko to.
"Renee, ready?" I nodded and smile.
Si Ate Janine yung kausap ko ngayon, siya yung magiging partner and guide ko dito sa radio station, 5 years na din kasi siyang nagwowork dito kaya sanay na siya sa mga ganto, sampu kaming Dj dito sa station, at kaming dalawa ni Ate ang pinagpartner, at night shift ang napili ko para sa umaga na ko uuwi. Mas dama kasi ang pagsesenti kapag gabi e hahaha.
"Goodevening mga jorge! May problema ka ba sa buhay pag-ibig o pamilya? Gusto mo bang gumaan manlang ang pakiramdam mo ngayon? Hali na at tumawag sa aming hotline! Para sa mga babaeng caller, just dial (420-5123) at para naman sa mga lalaki, just dial (420-6789).
Okay, para naman sa ating online na nangangailangan ng advice, just visit our website: www.jorgeproblems.com, you can also follow us on twitter: @kajorgeproblems.
Official hashtag for tonight! #AskDjRen
Maghihintay po kami sa inyo mga jorge!"
Nag-play na ng music si Ate Janine, ako naman nakikisabay sa kanta na pinatugtog niya.
"Wow, great voice Renee.."
"Thank you"
"Alam mo, kapag may nagrequest na kantahan mo sila, kakanta ka ha? Ipuplug na kita sa website at twitter natin! Sisikat ka niyan Renee!"
"Ate Janine, nakakahiya po."
"Hay nako, ang gandang boses na biniyaya ng diyos, hindi dapat kinakahiya."
-
Natapos na yung limang kanta na isinalang ni Ate Janine dahil may tumatawag na sa kabilang linya. Babae yung caller, sinenyasan ako ni Ate Janine na ako kakausap at magbibigay ng advice sa girl.
"Hello jorge! Kamusta naman ang buhay? Anong pangalan ni ateng?"
(I'm Cindy)
"Okay, Cindy may bago akong kapartner ngayon, siya ang kakausap at magbibigay ng advice sayo ha?"
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?