Fixed marriage? Uso pa ba 'yon? Hello? Mag twenty-twenty two na? I can't still believe that I am on this situation right now.
Eto ako, nakaupo, nakaharap sa salamin. I am wearing my red dress now na mas nakaka paaninag sa aking kulay. Naghahanda papunta sa isang sikat na restaurant dito sa Quiapo Manila. Naghahanda para makapagkita kami ng aking hindi pa nakikilalang mapapangasawa.
Oo... Ikakasal na ako sa taong di ko pa nakikilala. Ni litrato niya man lang ay hindi ko pa nakikita.
--Sa loob ng Restaurant--
"Hi, ija come here!" Bati ng isang napakagandang ginang sa akin, katabi nya din si Sir Arthur, asawa nito.
Kaibigan siya ng kinikilalang dad ko.
Oo hindi ko siya biological father, hindi ko rin kasi nakilala kung sino man yung mga totoong magulang ko.
Kung sa iba binibiru-biro lang ang mga kasabihang napulot lang sila sa basura.
Pwes ibahin niyo ako, true to life ito! napulot lang daw ako sa may basurahan. Sad no?
"Hello, so you are Anjie right?" Napaka gandang bata. You can call me tita mommy since ilang araw nalang magiging mother-in-law mo na ako" sabi niya habang nakangiti"
"Let's just wait for Drake. He's on it's way na" dugtong niya.
"Mag c-cr po muna ako" paalam ko, sabay tayo.
"OUCH!" may napasigaw na lalaki sa may likod, nabangga ko pala siya ng hindi sinasadya noong oras na napatayo na ako.
"IKAW??" napasigaw na sabay namin nung lalake.
"So magkakakilala na pala kayo?" sabi ni tita.
Napabuntong-hininga nalang ako, noong mapagtanto ko na ang taong kinaiinisan ko ay siya palang mapapangasawa ko.
His name is Drake Buenavista same school kami nag aaral. Pareho kaming graduating and parehong Entrep yung major course namin. Magka klase din kami sa ibang subject.
Wanna know why kinaiinisan ko siya?
--Flashback (Year 2018)--
Nasa school ako, may hinahanap din ako during this time.
Sa cashier may nakasuot na puting polo. Matangkad at moreno.
"Nandito kalang naman pala eh! Sabay tapik ng malakas sa kanyang braso habang nakatalikod"
Laking gulat ko nalang sa pagharap ng lalake ay sa pag-aakalang kaibigan ko ay hindi pala.
"Excuse me?" sabi nung lalake na napakunot ng noo
"Sorry-sorry" sabi ko sabay yuko.
At doon ko unang nakilala si Drake.
Kinabukasan sa school. Nakita ko na naman si Drake, for some reasons tumatakbo siya ng mabilis.
"Aray!" napasigaw nalang ako ng mabangga ako ni Drake.
Napaupo ako sa pagka-kabonggo namin. At Siya? Tiningnan niya lang naman ako sabay lakad na parang walang nangyari.
"Aba't napaka bastos nito di man lang nag sorry?" sabi ko nalang sa sarili ko sabay tayo.
Nang bigla may nakita akong isang wallet.
Sa tingin ko pagmamay-ari to ni Drake, kaya nga nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba tsaka isasauli sa kaniya.
Pasalamat siya, mabait ako.
Pinulot ko ito, at tiningnan kung may Id ba para ma check kung kay Drake nga ba ito.
At di nga ako nagkakamali.
Nagtanong-tanong na din ako sa mga kakalase ko kung may nakakakilala ba sa kaniya, buti nalang meron.
Pinuntahan ko agad sya sa may school gym. Sabi kasi ng kakilala ko, isang sikat na varsity player pala itong mokong na 'to.
At yun nakita ko nga siya sa di kalayuan.
"Hoy walang modo! Wallet mo" sabi ko sa kaniya sabay hagis ng wallet nito.
Nagsitawanan naman yung mga tao na nakakita.
Tumalikod na ako para umalis, nang bigla niya akong hilain.
"Hoy miss! Wag ka munang umalis ichecheck ko lang baka may kinuha ka sa wallet ko" aniya ya.
"Huy! Wala akong kinuha ni piso, pasalamat ka nag effort akong isauli iyan kahit na barya lang ang laman.
Hehehe Oooy huwag kayo, chineck ko lang naman kasi yung Id, syempre hindi naman maiiwasan na makita ko din kung magkano lang yung laman.
-End of Flashback--
At eto nasa restaurant parin kami ng mga kinikilala kong magulang at ng parents niya.
Puro mga magulang lang namin ang nagsasalita, nag uusap sa nalalapit namin na kasal.
Diko pala nasasabi bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Kaya kami ikakasal kasi yung kinikilala kong lolo nakipagsundo sa lolo ni Drake na ipapakasal kami. Simbolo lang daw ito ng kanilang pagkakaibigan, weird ng reason no? Pareho din kasi silang mayaman and ayaw nilang ipamana yung mga ari-arian sa kung sino-sino lang.
I don't have any siblings, sobrang busy din kasi yung mom and dad ko noon and they almost forget the essence of getting a child.
Kaya nung napulot nila ako, sobrang saya nila.
I tried to stop my lolo for forcing me to marry on someone I don't love. But he insisted at tinakot ako na papalayasin kung di ko siya susundin. I don't have any choice, saan naman ako pupunta?
YOU ARE READING
MARRYING DRAKE BUENAVISTA
RomanceCAN WE FALL IN LOVE FOR REAL, KAHIT NA ANG KASALAN AY PILIT LANG? Just a short story nothing so special but hope you like it.