THIRTY TWO

6K 135 27
                                    

A/N: Maraming salamat sa mga bumoto, nag-follow at naghintay ng update. Buong pusong pasasalamat sa inyong lahat. Help me to share Brother's Code series to your friends kung nagustuhan niyo ang kwento. 

---

"Jace!" sabay-sabay nilang sigaw pero hindi ako nakinig sa kanila. Tinungo ang kwarto at nakita ang isang yaya na may kargang bata.

'Siya ba? Siya baa ng anak ko? Siya na ba si Umami ko?'

"Jace, umalis ka..."

"Hayaan mo siya, Margot, alam na niya ang totoo kaya pabayaan mo siya. Isa pa may karapatan siya sa anak niya." boses ni Maggie.

'So, si Umami nga ito? Ang anak ko nga ito.'

Patuloy na umiyak ang bata na hawak ng yaya. Hindi ito tumigil at mas lumakas pa ang iyak nito. Nakatingin sa akin ang yaya na pilit pinapatahan ang bata.

"Akin na ang bata." Tumingin sa akin ang yaya at tumingin sa likod ko. Parang nag-alangan ito sa sinabi ko. "Ibigay mo sa akin ang anak ko."

"Ma'am?" tanong niya habang nakatingin sa likod ko.

"Ibigay mo sa kanya si Umami," utos ni Maggie.

Patuloy pa rin na umiiyak ang anak ko nang iabot siya sa akin ng yaya. Nanginginig ang kamay ko nang mahawakan ko si Umami pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang mahawakan ko anak ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Siya nga, hindi ako maaaring magkamali. Si Umami nga ito. Malakas ng kutob ko, ang lukso ng dugo. Si Umami nga ito na anak ko.

"Umami..."

Parang naintindihan ako ng anak ko dahil tumigil ito sa pag-iyak at nakatingin sa akin. Nakatitig siya sa mukha ko na parang kinikilala kung sino ako.

"Umami, nandito na si daddy."

Nakahiga siya sa bisig ko habang nakatitig sa akin at ngumiti. Unti-unti ay nanlambot ang tuhod ko kaya kusa akong napaupo sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. Walang kasing saya ang meron ako.

"Umami, ikaw nga, anak." Ngumiti siya sa akin at umangat ang kamay at kumawag habang nakangiti. "Sorry sa ginawa ni daddy, anak. Mahal na mahal kita."

Tumawa si Umami at hinawakan ang mukha ko. Kahit walang tunog ang halakhak niya pero nakangiti siya sa akin.

Hinaplos ko ang mukha ng anak ko. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko ngayon. Pinili ko si Margot na mabuhay at hindi ko pinagsisihan iyon dahil mahal ko siya. Kung meron man akong pinagsisihan, iyon ay dahil sa katotohanang kaya ko palang isakrpisyo ang anak ko kaysa sa ina niya. At iyon ang pinagsisihan ko at pagsisisihan habang buhay.

"Anak, patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa ginawa ko, anak. Patawad kung muntik na kitang patayin." Humagulgol ako ng iyak dahil sa na-realize ko.

"Umami, sorry ha. Dahil sa akin nasira ang pamilya natin. Gago kasi si daddy, anak. Pero, anak, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka ni daddy sobra."

Muling tumawa ang anak ko at inangat ang kamay kaya hinahalikan ko ito.

"Gusto mo ba ng twinkle-twinkle ni daddy? 'Di ba lagi ko 'yon kinakanta sa'yo? Gusto mo kantahan kita para maka-pag-sleep ka?"

Lumikot si Umami habang nakangiti. Sumisipa siya habang nakangiti sa akin.

Kumanta ako ng twinkle-twinkle little star. Nakita kong pumungay ang mata niya at unti-unting pumikit kaya tinuloy ko lang ang pagkanta kahit umiiyak pa rin ako hanggang sa makatulog siya. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang nakatingin sa anak kong payapang natutulog sa bisig ko.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon