Chapter 25
"You probably know what your child's illness is, right? He has Leukemia of the blood. Typically, only 65.8% live with this disease. Sa ngayon, masyadong kulang ang dugo ng anak nyo, misis. We need to find a blood donor, before we start the various treatments for your child. Hindi pa kami sigurado kung malulunasan namin 'to, but we hope so," anunsyo ng doctor bago nagpaalam na umalis.
Muntikan na akong matumba dahil sa kawalan ng pag-asa. Noon pa man, hindi na tugma ang blood type namin ni Justine. And now, I really need to find his blood type. At ang isang posibleng mayroon no'n ay si Dustin. Pero nauna ko ng nakausap si Hannah, at ang nag-iisang kondisyon nya ay bawal kaming lalapit kay Dustin. Pero ngayon, wala na akong ibang lalapitan kundi ang ama ng anak ko.
"Okay ka lang, Christine? You need some rest, ilang araw ka ng walang pahinga," ani Jenny habang inalalayan ako.
"Paano ako magiging okay, Jenny? 'yong anak ko, critical ang condition. Sabihin mo nga, paano ako magiging okay?"
"Magpahinga ka at i-refresh mo ang utak mo, Christine. Baka may iba pang paraan dito."
"Wala na," tiningnan ko si Justine. Nanatiling natulog sa hospital bed. "Wala na akong ibang choice, Jenny. Mali man 'to, pero this time, kailangan malaman ni Dustin 'to. Sya nalang ang pag-asa ko ngayon, sya nalang ang pag-asa ni Justine."
Hinapit ni Jenny ang ulo ko palapit sa kanya. "Tama ang gagawin mo, Christine. Paniguradong sa oras na 'to, iyan ang pinakatamang gagawin mo. Si Dustin, ama sya ng anak mo. And you don't need to be selfish sa kanya. Mahal nya si Justine, at kapag darating ang araw ng kinakatakutan mo, hindi naman habang buhay na magalit si Justine sa'yo, babalik at babalik ang bata sa'yo dahil Ikaw ang Ina nya."
Tama si Jenny, ako ang Ina ni Justine kaya dapat hindi ako matakot. Kailangan ni Justine ng ama ngayon, at ibibigay ko iyon sa kanya.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno dito sa labas ng hospital. Mag-iisang oras na akong nag-iisip. Tama na ang gagawin ko this time, pero kinabahan ako.
Tinanggap ko na ang pera, at ngayon babaliin ko ulit 'yon para pa rin sa anak ko. Paano kapag malaman ni Hannah 'to? Arghh! Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip?
Dahil no'ng time na 'yon, iyon ang pinakatamang naisip ko. Akala ko habang buhay ko ng hindi kailangan si Dustin. Pero ngayon, sya ang taong pinaka-kailangan ko. Ang taong minsan kong minahal at kinamuhian ay muli kong kakailanganin ngayon.
"Christine," Inangat ko ang aking tingin sa pamilyar na boses na tumawag sa'kin. Kaagad na dumaloy ang galit sa buo kong sistema.
"Anong ginagawa mo dito, Lance?"
"I'm here to say, sorry. I'm sorry, Christine--"
"Fool. 'wag mo muna akong kausapin ngayon, Lance. Wala akong oras para sa mga sasabihin mo. Ikaw ang pinaka-malalang taong nakilala ko." tumayo ako at akmang maglakad na paalis, ngunit kaagad nyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Christine, I'm sorry. Hindi ko intensyon na pagsinungalingan ka, pero---"
"Pero ginawa mo pa rin, Lance! Akala ko ba kakampi kita? Akala ko ba kaibigan kita? Pero bakit mas kumampi ka kay, Celestine, ha! At ngayon, nandito ka para hingin ang tawad ko? Pwes, umalis ka na, wala kang mahita sa'kin." tiningnan ko ang kamay nyang nakahawak pa rin sa aking palapulsuhan. "Bitawan mo ako."
"Hindi, hindi ako bibitaw hanggat hindi mo ako napapatawad,"
"Let her go," sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ni Dustin.
Nagtangis ang bagang na nakatingin kay Lance. Parang anong oras lang ay may mangyaring suntukan na sa pagitan nila.
"Dustin Sandoval," binitiwan ni Lance ang aking kamay, ngunit hinarang ang katawan nya para hindi ko matingnan si Dustin. "Hindi ka pa bayad sa lahat ng ginawa mo kay Christine,"
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomansaChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...