Chapter 5

1 0 0
                                    

Naglakad na kami palabas ng classroom at di na pinansin ang pagtawag ni Sheena

"Marie,let's have a lu--"

"I need to go" putol ko sa sasabihin ni Jared at nag tuloy tuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot

"Just follow me"aniya at sumakay na siya sa kotse niya at ganun din ako

Patuloy lang ako sa pag dadrive at nagulat ng huminto siya sa hospital

Bakit dito?

Pagkababa namin ay mabilis kaming naglakad at huminto sa isang kwarto

Pagbukas niya ng pinto ay  laking gulat ko ng makitang nakahiga si lola Christina at umiiyak naman ang mga magulang ni Raye. Nakatayo naman sa gilid ang dalawa niyang mga kapatid na mamula mula pa ang mukha

"Grandma"bakas sa boses ni Raye na piniligilan niya umiyak at lumapit kay lola

"Nandito na po si Marie"aniya at tumingin sila sa akin

"Anong nangyari?"takang tanong ko

"Mom have a cancer in heart. Hindi na siya magagamot pa ng mga doctor dito" sagot naman ni tiya Rachelle

"C-cancer?"

"Marie" mahaba at nahihirapang sabi ni lola at lumapit ako sa kaniya at yumakap

Isa si lola sa mga mahahalagang tao sa akin. Hindi ko nga mabilang noon kung ilang beses niya ako nilulutuan. Parati rin kaming lumalabas noon at nagpipicnic pa. Parati din niya akong pinapayuhan noon sa lahat ng bagay.

"Lola,bakit di niyo sinabi sakin?"nag umpisa ng tumulo ang mga luha ko at naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin

"Palagi mong tatandaan,kahit maging masama ang lahat sa sayo-"

"Pipiliin mong maging mabuti" sabay naming sabi

"Lola, wag mo akong iiwan,marami pa tayong pupuntahan" umiiyak na sabi ko at tinignan siya

"Marie,sana palagi mong isipin na kahit mawala man ak--"

"Shhh lola wag mo yan sabihin please. Marami pang paraan"

Tumunong ang makina at ang line ay hindi na gumagalaw. No, this can't be happening. This is not true.

"Lola? Lola"umiiyak nang sabi ko at bumagsak ang kamay niya at napayakap ako ng mahigpit sa kaniya

"Marie,she's gone"inawat ako ni Raye at napayakap ako sa kaniya

"No,this is not true Raye. We can still save her"umiiyak na sabi ko at hanggang sa dumating ang mga doctor at tinakpan na si lola

Tahimik at nakatingin ako sa malayo habang nakaupo garden ng hospital.

Walang tigil ang mga luha ko sa pagpatak habang inaalala ang mga memorya naming dalawa.

"Drink some water, Marie" inabutan ako ni Raye ng bottled water at agad ko naman iyon ininom

"Mas mabuti na rin ito kesa naman araw araw na nahihirapan si Grandma"aniya

"Sana sinabi mo sakin kaagad Raye"

"Sabi nya kase ay gusto niyang makausap ka bago siya mamatay" napayuko naman ako at nagsimula namang tumulo ang mga luha ko

"Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kaniya Raye. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kaniya" naramdaman ko namn ang paghagod niya sa likod ko

"Yung dumating ka ay sapat na para malaman niya kung gaano siya kahalaga sayo Marie. Ngayon ay payapa na siya at kasama na niya si Grandpa"

Napagdesisyunan kong huwag ng pumasok ng hapon at dumeretso nalang sa bahay.

(Mari Pov)

"Who is your boss?" matalim kong tinignan ang lalaking nag ngangalang Sandro Pedroza na nakagapos at bugbug na ang katawan.

"Wala akong sasabihin. Kahit na patayin mo pa ako!" napangisi ako at binaba ang baril

"Mag mamatigas ka paba kung ang sanggol mong anak ang nakasalalay?" nakita ko naman ang takot sa mga mata niya at inilabas ko ang litrato ng anak niya

"Heto,diba? Si Chinzi Pedroza. Ang cute naman niya,sayang nga lang at--"

"Tama na!! Wag mong idadamay ang anak ko!" galit na sigaw niya at napatitig naman ako sa mukha niya.

"Sino ang nag utos sayo, na patayin si Leandro Marquez?"

"Si Amari,yung kapatid niya!" gotcha,tumalikod na ako at sinenyasan ang dalawang lalaking nakatayo sa gilid at lumabas sa silid na iyon

"Boss,nandito ka pala" gulat na sabi ni Aiko at tahimik akong naupo sa sofa at nag sindi ng yosi

"Where are the others?"tanong ko at sinalinan niya ako ng wine sa baso

"Tulad ng inutos mo ay nananahimik sila at naghihintay lang sa utos mo"aniya at tumango tango ako

"I've heard niligtas mo raw ang kapatid ni Hans"

"God dammit!!Hindi talaga sila tumitigil sa panggugulo"dumating si Cloe na nagmumura at bakas sa mukha niya ang pagkainis

"What's wrong" marahas siyang umupo at nagsalin ng wine sa baso

"Fire Organization didn't stop killing and now their target is Sabrin Joe Marie Amente " aniya at natigilan ako sa pag inom ng marinig ang pangalan ni Marie.

I dont know pero gusto kong pigilan ang Fire Organization. Wala naman akong pake sa mga pinapatay ng ibang Organization, pangalawang beses ko palang nakita si Marie pero...

"Bakit naman siya papatayin? Is she involve in any organization?"

When Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now