Laging sinasabi ng mga magulang ko sa 'kin no'ng bata ako na huwag sumama sa mga 'di ko kilala. Pero minsan, sa sobrang gusto ko na magka-girlfriend, in-i-imagine ko na mangyayari sa 'kin 'yong sa That Thing Called Tadhana na may babaeng humahagulgol kapapanood ng One More Chance tapos ako ang masasandalan niya.
Tapos ayun, may pagkakaibigan na mabubuo hanggang sa ma-i-in love kami sa isa't isa. Kahit pa alam kong may ex siyang gago pero mas pogi sa 'kin o kaya type namin ang isa't isa pero ang daming misunderstandings, basta sa huli, magiging kami.
Sana gano'n lang kadali, pero nang nagpaulan ng nakamamagnet na testosterone, mahimbing tulog ko at walang baterya ang alarm ko, kaya humor lang yata nasalo ko. A, ewan. Huling ka-fling ko e Grade 4, at isang linggo pagkatapos, sinulatan niya ako ng Sorry, Kimi, si Pete talaga ang crush ko. Crush mo kasi ako e akala ko di niya ako crush. Basta, ganyan. Bullshit. Namura ko si Pete. Kawawang Pete. Doon nga yata ako natutong unang magmura tapos dinala ako sa guidance office.
Si Mama naman kasi. Makapagsabi ng "Ang guwapo talaga ng anak ko." Akala ko tuloy totoo.
Sumubok ako ng isang dating app. Nag-premium pa ako para makita kung sinong nagla-like sa 'kin. Punyeta. Dapat kasi may mag-like talaga muna bago mag-premium. In-assume ko naman kaagad na may magsuwa-swipe right sa 'kin. Siguro mga isang buwan na ang nakalipas, mga dalawa lang ang nag-like back, tapos mukhang mga scammer pa. Ide-delete ko na nga sana pero lumiwanag bigla ang buhay.
It's a Match!
You and Mimi have liked each other.
Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya ini-swipe right, pero nang nakita ko ang profile niya . . . wow. Sa gandang babae nito, nag-like back sa 'kin? Ang nasa profile pa niya:
Medyo turnoff na nalilito pa rin siya sa "ng" at "nang," pero kaya naman 'yon matutunan. Unless may double meaning pala. E di . . . hmm . . . hahaha. Pero hindi, kailangan good boy muna.
Tapos Kimi at Mimi? Parang tadhana.
Magme-message pa lang akosa kanya nang biglang may nag-pop na chat.
Mimi
hala you're cute naman a!!
Ganyan ang reply niya dahil sa profile ko naman: