Kyle Pov
Pauwi na kami ngayon galing mall, grabe di pa rin ako maka move-on sa nangyari kanina. Nakakahiya at nakakawalang dignidad yun jusko.
Flashback
"Ang cute mo kumain kyle"
Habang binabasa ko yung message sakin ni khyian, nabuga ko yung iniinom kong coke sa harap ko, buti na lang talaga wala akong kaharap kung hindi, nalintikan na.
"Te anong nangyari?"- Reese
"Sumunod yung guy na nagpapicture sa kanya kanina, dzai may stalker kana HAHAHA" - Kiara
Nagpunas naman agad ako at naghugas, pagkatapos kumain na lang kami na parang walang nangyari. Jusko nakakahiya naman, first day na first day ganito ako.
Present time
"Te una na ko ha, medyo malayo pa bahay ko, ingat kayong dalawa!" Sabi ni Reese.
"Ingat ka din! Chat chat na lang tayo, chat mo din ako pag nakauwi kana" Sabi ko sa kanya.
"Sige bye!" - Reese
Di na kami lumingon ni kiara, bali sabay kami ni kiara sa jeep pero mas mauuna lang siya sakin bumaba kasi malapit lang naman sa mall yung subdivision nila. Naghanap na kami agad ng jeep, at nang may dumating na, sumakay na kami.
"Te, kamusta naman boylet mo?" Tanong sakin ni kiara.
"Anong boylet ka dyan, di ko nga siya kilala e. Tsaka isa pa, wala sa isip ko ang magjowa, focus tayo sa aral dzai" Sagot ko naman dito.
"Ay nako te, luma na yang tagline na yan, di na ko naniniwala jan. Sige ganito na lang, pustahan tayo, pag nagchat siya sayo tonight, libre mo kami bukas ni reese sa cafeteria, ano g?" Hamon sakin ni reese.
Ako naman, di na nagisip at nag-oo na agad.
"Sige ba, alam ko naman na di niya ko ichchat, di niya naman ako kilala, sino ba naman ako para ichat niya diba?" Sabi ko kay kiara.
"Sige sabi mo yan ha! O sige, malapit na ko bumaba ingat ka ha?" Pag papaalam ni kiara.
"Sige, chat chat na lang tayo, ingat ka sa pag-uwi" Sagot ko naman sa kanya.
Pagkababa ni kiara, kinuha ko agad ang earphones ko, at nagpatugtog ng seventeen song, Carat kasi ako, die hard fan nila ako. Bias ko si The8 hihi.
Habang naghahanap ako ng papatugtugin, biglang may nagpop-out na notification sa messenger ko.
Khyian sent you a message
"Good Evening Kyle, nakauwi kana?"
*************
Good Evening guys! Sorry ilang months din bago ang update, nawala din kasi ang mga draft ko, di ko maretrieve, so ayun nagsusulat ulet ako. Isa pang factor na sobrang busy ko sa acads, ganito pala pag college HAHAHA. Eto po muna ulit guys, i cannot promise if araw-araw may update pero sisikapin kopo! Salamat sa patuloy ng pagbabasa ng story na to. Keepsafe always and Godbless!

BINABASA MO ANG
a not your typical love story
Ficção GeralKyle Tuazon, 17 year old discreet bisexual guy na naghahanap ng kasama sa buhay, na magmamahal sa kanya ng tunay. Di niya inaasahang magkikita muli sila ng bestfriend niya noong junior high school pa lang siya sa papasukan niyang paaralan ngayong sh...