Wala sana akong balak kausapin si Richard, kaso diko matiis ei! Ang kulit ng loko. Anlaki narin ng pinagbago niya hindi na katulad ng dati na sobrang eng-eng, ngayon kasi medyo nalang hahaha
Kasama namin ang iba pa naming kaibigan, papunta kami sa bukid magpipicnic daw kaya andaming dalang baon balak pa nilang mamingwit ng isda ang kukulit lang. As usual kasana na naman yung dalawang magHon tsk. Kairita sa paningin eh
"Hoy Andie ano bang gusto mong kainin? Kanina kapa nagso'soundtrip jan e, dika ba nagugutom?" - Richard
"Kung nagugutom ako sana kanina pako nanghingi ng pagkain. Wag mo nga akong istorbohin" pagsusungit ko
"May sapi ka na naman" inirapan ko lang siya
"Alam mo kasi Richard di napatol si Andie sa ugok na katulad mo hahaha! Sa mga gwapo lang na kagaya ko" natawa ako sa sinabi ni Edward "diba Andie mahlabs?" Nagwink pa siya, nginitian ko nalamang
"Oh kita mo" nagpogi sign pa, binigyan lang siya ng death glare ni Richard at dinilaan niya lang ito
Pagdating ng tanghali pumunta na kami sa may fishpond, ayoko sanang sumama kaso mukang ako lang yung maiiwan doon kaya napilitan nalang ako. Pagkarating na pagkarating namin yung mga boys lusong agad sa tubig tapos inayos na yung lambat ata yun, actually hanggang bewang lang nila yung water, mukang ansaya nga ei! Mula kasi dito sa kinauupuan ko may mga nakikita akong isda. Nakaupo na naman ako tamad na tamad kasi akong tumayo.
Napatingin ako sa di kalayuan, may isang hot guy na may 6 pack abs sa harap ang nagtanggal ng damit niya, paslow-mo pa maghubad kaya ang sarap ng view. Hindi nakakasawang pagmasdan. Kung yung iba naming kaibigan na lalaki tinanggal yung shorts eto naman damit. Ang hilig niya talagang ibalandra yung katawan niya, pero ayos narin kaysa naman sa mga kasama namin, nakakailang na tignan pano naka brief lang --, For the first time in my life ngayon lang ako nakakita ng mangingisdang nakabrief. Ang umbok ng ano eh, parang may isdang nakapasok sa loob. Shemay! Ano na namang pinagsasabi ko?><
"May gusto ka sakanya noh?"
Nagulat ako sa nagsalita, pagtingin ko si Danica pala, kaibigan korin close kami nito before
"Huh? Kanino?"
"Kay Mr. N"
"Mr. N sino yun?" Nagmama-ang-maangan kong tanong
"Alam mo Andie, wag mokong pinagloloko huh! Kunwari kapang di mo kilala, gusto mo tawagin ko huh? "
"Ui eto naman di mabiro" hinampas ko siya ng mahina
"So ano? Gusto mo parin siya? Wait.." nag-isip muna siya " parang mali, mahal mo na ba siya?"
"Hmmm. Ewan" I shrugged "actually I found him cute" tumingin ako sa kinaroroonan ni Nathan
"Alam mo ba mula nung umalis ka lagi ka niyang bukambibig, walang araw na hindi ka niya binabanggit. Laying nalang, Alam niyo ba si Andie... sabi ni Andie... Kamusta na kaya si Andie... May balita naba kayo kay Andie?... laging ikaw nalang" tumingin siya sakin
"Ako din naman eh, noong nandoon ako gusto ko na agad umuwi, hindi naman siya nawala sa isip ko eh maski sa puso ko" naramdaman kong may pumatak na butil ng luha mula sa mata ko
"Pero maraming nangyari Andie, 6 months na sila ni Shery at mukang masaya naman sila sa isa't-isa, siguro tanggapin mo nalang kung saan siya masaya. Please wag mo nang sirain yung mga ngiti niya. Hindi mo alam kung paano siya labis na nagdusa noong mga nakalipas na taon"
Pagtapos niyang sabihin yun iniwan niya na ako, hindi ko sila maintindihan bakit ganun yung mga sinasabi nila? Nakakasakit! Ano bang ginawa ko? Wala naman akong maisip na mali. Siguro tama siya na sana hindi nalang ako bumalik. Pero bakit? Bakit hindi ko mahanap yung kasagutan doon? Ano bang mali sa pagbabalik ko? Bat parang ako pa yung may kasalanan dito
"Ouch" napasigaw ako at napahawak sa ulo ko, ano ba naman kasi yung tumama? Ansakit ah! Pagtingin ko bayabas pala. Tinignan ko kung sino may gawa nun. ANSAMA! pinagtawanan pako.
"Hahaha anlalim kasi ng iniisip mo eh, baka mamatay ka niyan" nakangisi nitong saad sabay subo nung hawak niyang hindi ko alam basta pagkain. Bwiset ka Agie!
"Bwiset ka! Kung ibato ko rin kaya sayo tong bayabas! Ansakit kaya" tumayo ako at akmang tatayo na ng...
"KAya pala ansungit, Red Tide Day mga Tsong Hoooh!" at nagsipalakpakan ang mga baliw. Pagtingin ko sa likuran ko, may tagos nga!<,< nakakahiya bat kasi ngayon pako dinatnan? Napayuko nalang ako._.
Pero nagulat ako nang may yumapos mula sa likuran ko at tinali sa bewang ko paikot sa tiyan ko yung damit para matakpan yung likod na may tagos
At pagtingin ko...
"Nathan" bulalas ko
BINABASA MO ANG
A Promise of Yesterday (short-story)
Romancelove back andy nathan kiss promise heart