Kabanata 4

2 2 0
                                    


Kabanata 4

Naibigay ko na kahapon ng umaga kay Marina ang mga dokumento na kakailanganin ko para ma-i-apply niya ako sa trabaho.

Hindi muna ako naka punta sa raket ko kagabi dahil inalagaan ko si Mama. Pati mamayang gabi ay ipag papaliban ko muna rin, para makasigurado at tyaka may natira pa naman akong pera noong isang araw kaya wala akong dapat na problemahin sa gastusin.

Nabigyan ko pa nga si Kuya at Papa ng pang laklak nila. Pero pupunta ako doon saglit dahil may usapan kami at para na rin makibalita.

Pag katapos painumin ng gamot, tinulungan kong humiga si mama at kinumutan ko siya. Hinipo ko ang noo niya at hindi na ito mainit, inapoy kasi siya ng lagnat.

Masama pala ang pakiramdam niya noong umalis ako pero hindi man lang niya sinabi, nag talo pa sila ni papa kahapon kaya lalo siyang na-stress.

Nang masiguro na nakatulog na si Mama, pumunta ako sa kwarto ko para kumuha ng damit at makapaligo na. Nakita kong nakabukas ang cell phone ko kaya tiningnan ko ito, may nag message pala.

Unknown Number:

Hey, it's me.

Nangunot ang noo ko. Sino naman kayang 'it's me' ang kupal na ito? Nag i-scroll pa ako dahil may kasunod pa siyang dalawang message.

Unknown Number:

I was waiting for you last night, but you didn't come.

Ha? Anong sinasabi nito? Sino ba ang walanghiyang ito?

Unknown Number:

Aren't you gonna reply? Miss...

Napailing na lang ako tsaka binalik ang cell phone ko kung saan ito nakalagay. Wala akong balak makipag lokohan sa mga kagaya niya, baka mamaya scammer pala 'yan or nang p-prank lang. Sayang lang oras ko, hindi naman mapag kakakitaan!

Itinuloy ko na lang ang balak na maligo at nang matapos ay nag bihis ako ng hindi masyadong revealing na damit. Hindi na rin ako nag ayos ng sobra dahil saglit lang naman ako roon.

Umalis na ako nang magawa ko na ang lahat ng dapat gawin, chineck ko muna ulit si mama bago gumora sa lakad ko.

"Marina!" tawag ko sa kaibigan ko pag kakita ko rito sa labas ng isang saradong shop na malapit lang sa bar.

"Uy, Sol..." panimula niya. Pansin ko naman ang kakaibang ekspresyon niya na para bang may nangyari.

"Anong problema? Bakit ganiyan mukha mo?" nag alangan pa siyang sumagot.

"Iyong trabaho na sinasabi ko sayo... Naipasa ko na 'yung binigay mong mga dokumento at na review na rin nila." parang bigla akong ginanahan sa sinabi niya.

"O-oh tapos? Anong sabi?"

Bumuntong hininga siya. "Sorry... Hindi ka natanggap. Sa totoo lang ang weird. Sila na mismo may sabi na nag re-recruit pa sila pero nang makita nila ang sa'yo bigla nilang sinabi na hindi na raw kailangan." kaagad din akong nanlumo. Akala ko mag kakatrabaho na ako nang matino.

"Hayaan mo na, ganiyan talaga. May kakambal akong malas pag dating sa pag hahanap ng trabaho. Kaya nga heto ako ngayon, 'di ba?" tinapik niya lang ang balikat ko.

"Pero sorry pa rin, masyado akong naging kampante na matatanggap ka. Edi sana hindi ka umasa. Kainis! Ang lakas pa naman ng kapit ko sa kanila tapos ganito lang." pilit akong ngumiti.

Sanay na naman ako. Kaya hindi na ako masyasong apektado.

"Okay lang, sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo sa bar. Mauuna na ako."

Taste of Lies (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon