Kabanata 4

19.4K 618 127
                                    

Kabanata 4

NAIINIS pa rin si Linus kapag biglang pumapasok sa kanyang isip ang nangyari kanina sa beach. Bakit naman kasi doon pa sila sa dagat napadaan gamit ang helicopter? Umiral tuloy ang pagiging special agent niya at biglang tumalon mula sa helicopter ni Sandro kanina kahit hindi niya alam kung sino ang ililigtas.

He knew he's not supposed to be bothered because of a CPR he performed since that's common in his field of work but damn it! Bakit ngayon lang hindi naalis sa isip niya ang simpleng CPR?

It's probably because he performed it to someone he actually plans to finish out of his anger. Ngayon lamang din yata siya nakaramdam ng ganito katinding inis sa isang tao. Lintik. Para siyang sinasapian ni Linel. Ito na ba ang side effect ng trainings niya?

Linus sighed heavily then rubbed his palms on his face. Bumangon na lamang siya at naghanap ng alak sa cabin ni Linel. Imbes na kumuha ng suite sa Raja, ipinagamit na lamang ng kapatid niya ang cabin nito nang hindi naman sayang amg membership nito sa MCB.

He tried to check the cabinets but there's no liquor even inside the fridge. He had no choice but to go outside and get himself some in the bar area Sandro told him about earlier.

Nang makarating sa bar ay nag-iinom doon si Ivler kasama si Sandro kaya hindi niya napigilang mapahinto nang mapansing tila close ang dalawa. Napakurap tuloy siya at ang mga kilay niya ay unti-unting nagsalubong.

Does Sandro know Ivler? Does he... know Ivler is here? Sinadya ba nito na dito siya yayain nang maasar siya nito dahil sa lintik na recording noon na labis nitong pinagtawanan? Puta!

Naisahan yata siya ng lintik na si Lankova! Ilang beses niya bang sasabihin ditong nagbugbugan sila ni Ivler at hindi nagtalik? Dahil lang tingin nito ay mababaw ang dahilan niyang sinundan siya ni Ivler sa banyo kaya sila nag-away ay pekeng rason na iyon para magsuntukan gaya ng sabi ni Sandro?

He sighed. This is the part where he questions his friendship with Sandro. Aalis na lamang sana siya at sa Raja na lang mag-iinom nang mabaling ang tingin ni Sandro sa kanya. Makahulugan kaagad itong ngumisi at sinenyasan siya kaya pati si Ivler na namamaga ang pisngi dahil sa tinamong suntok mula sa kanya kanina, napabaling sa kanyang direksyon.

"Linus, come on. Join us. Matatanda na kayo para idaan sa init ng ulo ang mga bagay-bagay," ani Sandro habang may hindi mapagkakatiwalaang ngisi sa mga labi.

Ivler turned his gaze away then clenched his jaw as if he wasn't pleased to see him. Gusto niya talagang matawa. Nasaan na ang maangas na Ivler Beckham na naghamon sa kanya isang taon na ang nakalilipas?

He shook his head a little then sighed. Kung sabagay, para na nga lang silang mga bata kung hanggang dito ay bigla na lang silang magbubugbugan.

He went towards the extra stool on the other side of Sandro's seat. Kaagad naman siyang binigyan ni Zaire ng alak kahit hindi pa siya natatanong kung ano ang nais niya. When Zaire was able to pick one of hid favorites, he couldn't help but be impressed.

"How'd you know, man?" hindi niya naiwasang itanong.

Zaire smirked. "Let's just say I'm that good." He grinned. "I could tell what liquor people will enjoy."

"Yeah, so far, he hasn't failed yet," sabat ni Sandro bago tumingin sa kanya. "Since the two of you are here, maybe we can talk about what happened in London a year ago-"

"No."

"No."

Matalim silang tumingin ni Ivler sa isa't isa nang sabay nilang pinutol ang sinasabi ni Sandro. Napailing-iling naman ang tarantado niyang kaibigan habang nakangisi. "Hay, ewan. Dati si Gui at Yvez lang ang alam kong aso't pusa rito sa Monte Costa. Mukhang may bago na tayong susubaybayan, Zaire."

MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon