“Mahal na reyna, ayos lang ba kayo” naalimpungatan ako sa naririnig ko kaya naman agad akong bumangon at inilibot ang aking mga mata
bakit nandito ako? kung saan dating napanaginipan ko nung isang araw inaalala ko ang nangyare
Basta ang naalala kolang isang matanda ang nakabanggaan ko noong tumatakbo ako, hindi kaya nawalan ako ng malay tapos panaginip ulit to?
“Mahal na reyna nagbalik na po kayo, ikinagagalak po namin na bumalik po kayo saamin” naiiyak na sabi ng isang lalaki
bakit ganun ang suot niya? Gold na parang pang kawal noong sinaunang panahon para hindi tablan ng bala ng baril
yung babae naman naka bra lang ito, mahaba ang buhok , maganda at— s-sirena?“Mahal na reyna tila ang lalim ng iniisip ninyo” nag aalalang tanong ng sirena
“Magandang sirena pwedeng pakisapak ako?” tanong ko sakanya na ikinagulat naman niya at sinabing“Ngunit mahal na reyna, isang kalapastangan ang ipinag uutos niyo saakin paumanhin hindi ko kayang gawin ang inuutos mo”
“sige na oh please!”, pagmamakaawa ko sakanya at nagsalita naman ang isang lalaki“Ngunit kung gagawin niya yun, ay kamatayan ang hatol mahal na reyna sapagkat bawala kang hawakan kahit ninoman”
bakit purong tagalog sila magsalita, dont me ha! at anong bawal bawal ah kung bawal sa babae baka sakanya
“Ikaw lalaki, kung bawal sa magandang sirena ang sapakin ako pwedeng ikaw nalang?” tanong ko naman sakanya ngunit bigla siyang yumuko at sinabing
“Paumanhin hindi ko kaya”
“Sige na ohh kahit hindi malakas” pagmamaktol ko at parang nagmamakaawa kailangan kong gawin to para magising sa katotohananhinawakan ko ang kamay ng sirena at isinampal sa mukha ko arayy, bakit hindi ako nagising di kaya? kasama ko tong mga sirena? paano naman ako may paa ako, sila buntot alam kona kailangan ko nalang bumalik sa bahay namin baka hinihintay na ako ng kapatid ko
tatayo sana ako, pero teka, bakit hindi ako makatayo...
tumingin ako sa paa ko at napasigaw dahil naging buntot ito “Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh” sigaw ko
“Mahal na reyna patawad po, paumanhin, paumanhin” Naiiyak na sabi ng magandang sirena kaya naman napatigil ako at tumingin sakanya taas, baba
bakit siya humihingi ng sorry? hindi kaya siya gumawa ng buntot ko?
“Bakit naging buntot ang paa ko?” tanong ko sakanila at sumagot naman sila
“Mahal na reyna Patawad wala kapong paa” sabay na sabi nila napakunot naman ako“Anong ibig niyong sabihin? at bakit niyo ako tinatawag na mahal na reyna, may paa ako eh hindi kaya isinumpa ako?” tanong ko nanaman
“Ano pong pinagsasasabi niyo mahal na reyna” sagot naman ng babae na parang iniisip nababaliw na ako..
“Ang——” hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may isang grupo ng serena ang dumating
“Anong ibig sabihin nito?” taas boses ng nangunguna sakanila. at nung tumingin sakin bigla siyang napangiti
“Vexona??? nagbalik kana aking kapatid” sigaw nito at yinakap ako, pero itinulak ko siya na ikinagulat nilang lahat
“Sino kayo? hindi ko kayo kilala wala akong lahing serena, bata pa ang kapatid ko!” sigaw ko at dali daling lumangoy
hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil dito sa kalagayan ko, bakit isa na akong sirena ano ang nangyare kailangan kong makabalik sa bahay walang mag aalaga sa kapatid ko
YOU ARE READING
𝗟𝗮 𝗺𝗲𝗹𝗲́𝗱𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻
RandomOne of the hardest lessons in life is letting go-whether it's guilt, anger, love or loss. Change is never easy. You fight to hold on and you fight to let go, but oftentimes letting go is the healthiest path forward. It clears out toxic thoughts from...