Kabanata 5
ILANG araw na hindi nagtagpo ang landas nina Linus at Ivler mula noong gabing nasuntok niya itong muli. Kung pagod na ba itong sumalo ng mga suntok niya o sadyang umiiwas na dahil alam nitong hindi magandang biro ang nasabi, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay kahit paano, naging tahimik ang bakasyon niya sa Monte Costa.
"Bro, nag-send ng coded message si Vision. Wala raw munang babalik sa headquarters until further notice. Do you know what that means?" Malawak na ngumisi si Sandro saka ito humilata sa sun lounger sa may pool area kung nasaan sila. "Mas maraming araw pa para makapambabae."
Napatingin siya sa kaibigang nagsimula nang mag-contact ng mga babae sa booty list nito. Pambihira. Kung damay na naman siya sa pinaplano nitong kalokohan ay baka maglayag na lamang siya maghapon-magdamag mamaya.He shook his head and just drank his third cup of coffee while trying to stalk Micah. Hindi naman sa nais niya itong guluhin o ano pa man. Gusto niya lang malaman kung kumusta na ba ito. Besides, trying to see how his ex is doing is way better than trying to talk some senses in Sandro.
When he saw a photo of Micah while flexing her diploma in college, Linus decided to leave a comment.Simpleng "congrats, way to go!" lang naman iyon ngunit wala pang sampung minuto, nakatanggap kaagad si Linus ng mensahe mula kay Micah na sinasabing huwag niya na itong ko-contact-in pang muli. Binura rin daw nito ang comment niya dahil magseselos umano ang nobyo nito. Bago pa man siya makapag-reply, na-block na rin nito kaagad ang account niya.
Napakunot ng noo si Linus saka niya nilingon si Sandro. Sa isip-isip niya ay may matino pa palang payo na mapapala mula rito. Tama ang sinabi nito tungkol sa pagseselos ng bagong nobyo ni Micah. Kung ganoon pala, mabuti pang kahit isang beses lang, makinig siya kay Sandro alang-alang kay Micah.He finished his coffee and decided to leave Sandro alone. Bumalik siya sa cabin upang maligo at magbihis bago siya nagpunta kay Zaire para manghiram ng kotse ngunit ginamit umano ni Yvez ang sasakyan.
"Hiramin mo na lang kotse ni Ivler." He jerked his head as if pointing someone behind.
Nang mapatingin siya sa humihikab pa at halatang kagigising lamang na si Ivler, una niyang napansin ang bandaid nito sa kanang pisngi at ang marka ng pagkabasag ng labi nito dahil sa huli niyang suntok.
Ivler looked at him boredly before he sat on a stool. "Beer, Zaire. I'm having a terrible hangover," he said before he cracked his neck.
Magpapaalam na sana si Linus kay Zaire at sasabihing hindi na lang lalabas ng Monte Costa para maghanap ng fishing rod sa pinakamalapit na mabibilihan, ngunit nang akmang ibubuka na niya ang bibig niya, nilapag ni Ivler ang bote ng beer nito saka nagsalita."Zaire, give him my keys."
Napatitig siya rito, nagtataka kung bakit kusa nitong pinahihiram ang sasakyan.
Nang siguro ay napansin nito ang kanyang pagtataka, malamig siya nitong tinignan sa mga mata saka muling nagsalita. "Don't feel special. I'm trying to be nice just because Trunk already warned me." Dinampot nito ang susi ng kotseng si Zaire ang nagtatabi saka ihinagis sa kanya.
Umismid siya at muling pinairal ang inaral na ugali ng kapatid. Somehow, it became natural to him already when he deals with people like Ivler. Tila may binabagayan ang kanyang ugali at personalidad, isang malaking naitulong ng kanyang trainings.
"Pussy," he said before he turned his back on Ivler and Zaire. Nang tinungo niya na ang daan paalis ay narinig niyang muling nagsalita si Ivler.
"Crash my car, I'll bury you alive, Shault."
He found himself smirking before he raised his hand and showed Ivler a dirty sign.
Nang makalabas siya at napuntahan ang kotse ni Ivler na itim na Land Rover Defender, nakatanggap siya ng message request mula sa bagong boyfriend ni Micah. Nakikipagkita ito upang makausap umano siya ng personal.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...