Xyriel POV
.
Hindi ko namalayang nakatulog pala Ako habang pasan-pasan Ako ni Ayn. Si Ayn kasi eh. Ang sweet ng boses niya. Nagising lang ako ng naramdaman kong binaba na niya ako.
.
"Yaya! Pakikuha ng first aid kit!" Narinig kong sigaw ni ayn.
.
Unti-unti kong minulat ang Mata ko at. "Ayn?" Nasabi ko ng makita ko siya.
.
"Oh gising ka na pala." Sabi niya at naupo sa tabi ko.
.
Inikot ko naman ang paningin ko sa paligid at teka, bahay nila 'to. Kaya Napatingin akong muli sa kanya. "Ba't dito mo ako dinala?" Tanong ko.
.
"Wala lang at tsaka, gagamutin ko pa yang sugat mo." Sabi niya.
.
"Hindi, uuwi na ako." Sabi ko at tatayo na Sana ako ng bigla niya akong hilahin paupo.
.
"Mamaya ka na umuwi. Ihahatid naman kita eh."
.
"Sigurado ka ah?" Ngumiti lang siya sa sinabi ko at ginulo na naman niya buhok ko. "A-ano ba? Ba't ba ang hilig mong guluhin ang buhok ko?" Sabi ko, Hindi parin kasi siya natigil at natatawa lang siya. Napatigil lang siya ng..
.
"Excuse me, ito na po yung first aid kit." Sabi nong maid nina Ayn.
.
Kinuha naman yun ni Ayn . "salamat po." Sabi ni Ayn Kay namang tapos iniwan narin niya kami ni Ayn. "Akin na yang tuhod mo." Bigla na lang ipinatong ni ayn ang paa ko sa mini table. Napa-aw na lang ako ng bigla niyang nilagyan ng may cotton na alcohol ang sugat ko.
.
"Ang hapdi." Sabi ko.
.
"Ganyan talaga yan. Tiisin mo lang." Sabi niya. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa tuhod ko para hipan ang sugat ko. "Mahapdi pa ba?" Nagnod lang ako sa tanong niyang yun kaya hinipan niya ulit at pati Ako napapaihip din kasi mahapdi nga.
.
Hindi ko maiwasang pagmasdan si Ayn habang hinihipan ang sugat ko. Hindi ko akalaing gagawin sa'kin 'to ni Ayn. Si daddy nga, di pa 'to nagawa eh. Ngayon palang kasi naman ako nagkasugat! Promise! Biglang Napatingin samin si Ayn kaya nagtama ang paningin namin. Tagal din kaming nagkatitigan ni Ayn kung Hindi lang humangin.
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Teen Fictionlucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015