Kabanata 7
GUMIGEWANG na habang naglalakad pabalik ng clubhouse sina Ivler, Linus, Colden at Sandro. Kagagaling lamang nila sa mini drinking session sa tabing dagat kasama si Gui at Yvez. They were laughing on their way back, and when Linus almost tripped when they got to the entrance of the clubhouse, Ivler immediately grabbed him by his arm.
Linus looked at him, grinning. Ito yata ang pinakanalasing pati si Sandro na kanina pa nagdadrama. Linus tried to straighten his back and then gently patted Ivler's chest as if saying thank you.
"Watch your steps," paalala niya ngunit lasing na lasing lang itong tumawa at muling gumewang ng tayo nang subukang lingunin si Sandro na halos kaladkarin na ng lasing na lasing ding si Colden.
Mayamaya ay bigla silang dinaganan ng dalawang kasama. He and Linus fell on the grass with Colden on top of him and Sandro over Linus. Humalakhak ang tatlong kumag. Mayamaya ay yumapos pa ang isang braso ni Sandro sa leeg ni Linus saka nito ginulo ang buhok ni Linus.
"Alam niyo si... si Linus lang... ang nagtyatyagang manundo... sa akin kapag nalalasing ako dati..." Ngumisi si Sandro. "He'll go out... during... during curfew hours just to... look for me..."
Ngumisi rin si Linus habang hirap na hirap na panatilihing nakamulat ang mga mata. "Laklakero ka..." He hiccuped. "Laklakero ka kasi..."
Sandro chuckled. Mayamaya ay dala ng sobrang kalasingan, naihiga na nito ang ulo sa batok ni Linus habang may kurba na nakapinta sa mga labi nito.
Ivler doesn't know why but he didn't like what he's seeing. Inalis niya si Colden mula sa pagkakadagan sa kanya saka niya sinipa si Sandro paalis sa likod ng tawa ng tawang si Linus. Pambihira. Kung hindi magsusuka ay siguradong kabag ang aabutin ng mga kasama niyang nag-inom.
Napakamot tuloy siya ng batok. Marami-rami rin siyang nainom ngunit kaya pa naman niyang tumindig at bumalik sa cabin niya habang ang tatlo, mukhang kailangan na talagang kaladkarin papasok. Mabuti na lang at nakita sila ni Armani at Stephan. Kinuha ng mga ito si Sandro at Colden habang siya naman ang umalalay sa muntik nang makatulog sa damuhang si Linus.
"Where's your keycard?" tanong niya sa pasan sa likod na si Linus. Talagang bumagsak na yata ito dahil sumara na ang mga mata at ang gilid ng ulo ay tuluyang sumandal sa kanyang balikat.
"Hmm?" was Linus' only answer.
"I said where's your keycard, Shault."
Linus tried to gesture his hand. "Can't... remember..."
Lintik naman, oo. Mukha yatang naiwan nito kung saan ang keycard dala ng kalasingan. Hindi naman pwedeng idala niya pa ito ng Raja para ikuha ng kwarto. Hindi niya na rin kaya pa dala ng dami ng nainom kaya wala siyang choice kung hindi ang doon na sa cabin niya ito patulugin.
Kahit gumigewang na ang lakad, pilit na naglakad si Ivler patungo sa sarili niyang cabin. We opened it using his keycard and then shut the door behind them.
"You shouldn't have drink that last bottle," seryoso niyang sabi kay Linus nang sa wakas ay maidala niya ito sa kama. Tanging mahinang ungol ang isinagot nito sa kanya habang tila lantang gulay na nakalupaypay ang braso.
Nang masigurong maayos na si Linus, aalis na sana siya nang tumagilid ito at yumakap sa nakatiklop niyang hita. Bigla yatang nawala ang kalasingan niya habang nakatitig sa nakapikit at halatang nakatulog nang si Linus. Ni hindi siya nakagalaw kaagad at napatitig lamang sa payapang mukha ni Linus.
He found himself studying Linus' side features. He has inky brows that matched his brown hair that reaches his eyes when it's damp. Matalim ang panga nito at ang pilik-mata'y 'di hamak na makapal at mas mahaba kumpara ng sa kanya.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomantizmWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...