Chapter 26

1.7K 39 0
                                    

Chapter 26






CHRISTINE'S POV.

Sa pangalawang beses, babali ulit ako ng usapan. Nanatili akong naglakad hanggang sa makalapit kami sa room kung saan ang kinaroroonan ngayon ni Justine.

Huminto ako at hinarap si Dustin. Alam na siguro nya kung bakit ko sya dinala rito, dahil nanatili syang walang imik.

"H-hindi ko alam kung tama ba 'to, but, here I am." bumuga ako ng hangin. "Dustin, ikaw nalang ang pag-asa ni Justine. You know, he's sick. At kailangan nya ng blood donor, sa tingin ko, parehas kayo ng blood type. Kung noon hindi mo napatunayan bilang ama ni Justine, please gawin mo ngayon. Ipagkatiwala ko sa'yo ngayon si Justine."

"Saang room?"

"D'yan, mauna ka na."

Sa restroom ako dumeretso, paulit-ulit na naghilamos. Hindi ko na alam ang susunod kong gawin. Ang mahalaga ngayon, ligtas si Justine. Sana...sana maging successful na this time.

Naghilamos ako ng panghuling beses bago in-off ang gripo.

"Akala mo hindi ko alam?"

Agad akong napabaling sa nagsasalita. Parang umurong ang dila ko. Papaanong nalaman nya iyon ng gano'n ka dali?

"Hailey---oh crap that, should I call you now, Christine?"

"H-hannah, p-papaanong---"

"Sinabi ko naman sa'yo, malalaman at malalaman ko ang mga ginagawa mo. And this time you turn our conversation around, you probably know what can happen to you?"

Umiling ako. Bakas pa rito sa mga mata nya ang pag-aapoy ng galit.

"H-hannah, please ito lang? Last na 'to, k-kailangan ng anak ko si Dustin. At pagkatapos ng lahat, a-aalis na kami."

"Christine, sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo? I know you're just turning me around! Because what, after your child is saved, will you live completely again?" ipinalabas nito ang kanyang baril at pinokpok-pokpok iyon sa kanyang palad. "Iyon ang hindi ko papayagan. Magkaroon kayo ng happy ending, ang hindi dapat mangyari."

"Pero bakit?! Bakit ikaw ang mag-decision?"

"Dahil ako dapat 'yon!" itinutok nito sa'kin ang baril dahilan para tumubo ang kaba sa aking dibdib. "At any time, You are the obstacle to us! Even when we thought you were dead, you were still my rival! Bakit hindi ka nalang mamatay-matay!" puno ng galit nitong sigaw.

Itinaas ko ang aking kamay, unti-unting dumaloy ang luha sa aking pisnge.

"B-bakit hindi nalang iba, Hannah? M-marami namang magmahal sa'yo, pero bakit kailangan si Dustin pa?"

"I should ask you that!" aniya at lumapit sa'kin. Nanatiling nakatutok ang baril sa akin. "Tumalikod ka!"

"Bakit?"

"Talikod!"

Gaya ng inutos nya, ginawa ko naman. Ngunit parang umikot ang paningin ko nang maramdaman ang pagpukpok nito sa ulo ko. Hinawakan ko iyon at nakita ang dugo, dahan-dahan akong natumba sa malamig na semento.

"Know your place, Christine. If only you had kept your silence then, hindi ka sana hahantong sa ganito ngayon."

A-ang asawa't anak ko. Hindi ko na iyon naisatinig dahil tuluyan ng bumigat ang talukap ng mata ko.




NAGISING akong masakit pa rin ang ulo. Pati na rin ang katawan ko, parang namamanhid lahat.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Hindi familiar sa'kin ang lugar, malaki ang espasyo ng silid ngunit para itong bodega. Nahinto ang mata ko sa babaeng nakapikit at puno ng pasa ang mukha nito. Nakagapos rin ang dalawa nitong kamay sa may silya, gaya ng sa'kin.

Impregnated By My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon