Chapter 1: Meetup
First day of classes. Bagong year, pero same school. Mostly old faces pero sana naman may bago.
"AAAAHHHHHHH"
that is new alright.
"Ang GWAPO NIYA!!"
"DITO SIYA SA SCHOOL MAGAARAL??!?"
"SINO SIYA!?!"
"Omg!"
"O bakit may nagsisigawan diyan?" Biglang may nagsalita sa tabi ko. Napalingon ako sa left ko at nakita kong nasa tabi ko si Kaye, Best friend ko for three years.
"Ewan ko nga rin eh." Sabi ko sa kanya.
"Hello? Di ba ikaw lang naman ang anak ng may ari ng school na to? Bakit kaya hindi mo puntahan?" Oo nga noh? Medyo tanga lang Jan. Medyo tanga lang.
"Okay okay. Pero please. Wag mo nang sabihin yun."
"Ang alin? Na anak na ng may ari ng school?"
Tinaasan ko siya ng kilay at nag peace sign na lang siya sa akin. Inirapan ko siya ng pabiro at naglakad na dun sa nagkakagulo.
"Anong nangyayari dito?" Sabi ko nang malakas pero hindi pasigaw. If iniisip niyo terror ako, nope. Sometimes pero once in a blue moon lang yun. Laging pabiro.
Natigilan naman ang lahat at binigyan pa ako ng daan para makita ang mga nangyayari. Lumakad naman ako dun sa gitna at may nakita akong matangkad na lalaki na nakaschool uniform. May bag na black at parang naliligaw at ayaw sa atensyon na binigay sa kanya. Para lang lost dog. (A/N aso talaga?!)
Bago ko pa siya tuluyang lapitan, I looked at my clock and looked at the students.
"Everybody please go to your classrooms. Five minutes before bell. Thank you." I told them, kalmado pero seryoso. Agad naman silang sumunod at nagapurang pumunta sa kani kanilang classrooms. Nang wala nang tao, tsaka ko naman hinarap yung lalaki.
"Hi, the name is Janelle. But please, call me Jan." Nginitian ko siya at inextend yung kamay ko.nanlaki yung mata niya, pero mabilis niyang nabawi. Nginitian din niya ako and he shook my hand.
"John. John Gabriel Lucas."
"Oh, it is nice to meet you John. Halika, samahan na kita sa HSO (High School Office). Aya ko naman.
"Ay sige. Thank you!"
Naglakad kami papunta ng office. At syempre ako pa, nagtanong tanong ako sa kanya.
"So, why did you move here?"
"Change of atmosphere, I guess? Masyado nang madaming pinoproblema dun ehh so I decided to change schools."
"Ahhh, ganun ba? Edi sana maenjoy mo ang stay mo dito!" Nginitian ko ulit siya.
Tumingin siya sa harap at sinabing, "Sana nga. Sana."
Nakarating naman kami sa office. Dapat nga iiwan ko na siya dun, pero sabi ni Tita, intayin ko na lang siya since classmates naman kami. Ohh so kaklase ko pala to? Okay lang, excused naman eh! After ibigay sa kanya ng schedule, requirements and locker number(magkatabi lang kami ng locker), dumiretcho na kami sa room.
Pag pasok namin, all eyes were on us. Creepy ah.
"Ahh, so you are the new student. John Gabriel Lucas, right?" Tanong ng magaling kong teacher.
"Yes ma'am, but please, call me John." Aba, politepa. Infairness.
"Okay, Mr. John. So please sit down there, beside Ms. Mendoza." Nanlaki mata ko nun pero mabilis ko namang nabawi. Ginuide ko siya at pinaupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Planned
Teen FictionBigla ang lahat ng mga panyayari. Isang mawawala, at isang darating. Pero, planado nga ba ang lahat?