Curiousity Kills The Cat

2.7K 46 1
                                    

Nagbihis ako at pumunta sa kinaroroonan ni Lithium. Syempre bilang katulong susunod talaga ako sa utos nila.

Pagdating ko dun. Nakita ko siya na nakapamulsa. Magugustuhan ko sana tong taong to ehh kung wala lang gusto si Jillie sa kanya.

"Hi!" bati ko sa kanya. Tiningnan nya ako at pinat nya yung upuan na katabi nya. Sign na pauupuin nya ako.

"Galing ka sa Condo ni Lead?" he asked me while not looking at me.

Nag nod lang ako. I stared at him. He's so Perfect!! Package na ang pagkatao niya. Magkakambal nga sila ni Lead pero magkahawig lang at kung titignan mo. Hindi mo malalaman na magkakambal pala sila.

"It's free to look but not to stare"

Nabalik ako sa ulirat. Binaling ko ang aking mata sa ibang bagay. Nakakahiya kaya!!

"He trust you!" He?? So, he's referring to his Twin.

"Bakit mo nasabi??"

"Kasi pinapunta ka niya dun!!"

Malamang katulong nya ako ehh!!

"Anong konek??"

"Ikaw at si Bridgette lang ang nakapasok dun!"

Yan na naman ang pangalan na yan ehh!! Sino ba kasi yang si Bridgette!??

"Malamang papasukin ako dun kasi katulong ako. Sino ang maglilinis kung hindi nya ako papasukin??"

Ngumiti sya. Anghel na walang pakpak!! Naniniwala na talaga ako sa mga ganun!!

"May tagalinis sya dun!!"

"Ahhh.. by the way, who is Bridgette?" tanong ko. Ehh sa Nacucurious ako ehh!

"You'll know her. Soon!!"

"Nacucurious na kasi ako ehh!! Mag-uusap kayo ni Lead. Naririnig ko kasali si Bridgette at tsaka code naman ni Lead. Bridgette. Sino ba talaga sya? Nandito ba sya??"

Umiling-iling siya at ngumiti. Ehhhh ang Cute na tee!? Makaboang!!

"Curiousity kills the cat!!" siya at umalis na. Hobby nya ba talagang mag Walk-out o sinadya niya yun para madagdagan ang Pogi points nya!! Makatulog na nga lang!!

Nakahiga na ako pero hindi pa rin mawala sa isipan ko si Bridgette! Who is she??

Double deck yung higaan namin at ako yung nasa itaas si manang naman nasa ibaba! Napaisip ako, alam kaya ni manang ang tungkol kay Bridgette? Ma try ko nga.

"Manang??"

"Hmmmmm?"

"Pwede magtanong?"

"Ano yun neng?"

"Kilala niyo po ba si Bridgette?"

"Saan mo naman narinig ang pangalan na 'yan neng?"

"Nag-usap kasi si Sir. Lead at Sir. Lithium noong mga nakaraang araw at palagi ko na pong naririnig ang pangalan na yan. Pinagtatalunan nga nila yan paminsan-minsan ehh!"

Hindi sya sumagot ng ilang minuto kaya akala ko natulog na sya.
Nagulat na lang ako ng magsalita sya.

"Hanggang ngayon pinagtatalunan pa rin nila si Bridgette" mahinang sambit ni manang.

Bakit naman nila pinagtatalunan si Bridgette!

"Bakit namam po??"

"Mabuti nang sila na ang magsabi sayo kung sino si Bridgette. Wala akong karapatan para manghimasok sa buhay nila!!"

"Pasensya na manang kung naging manghimasok ako!! Sorry po!"

Hindi na sya sumagot pero hindi talaga ako nakatulog. Wala naman akong cellphone kasi nabenta ko na. Wala na talaga!! Hindi na talaga ako makatulog.

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon