Chapter 19: Confession

40 8 0
                                    

Hindi parin ako makapaniwala na ganon na lamang pala ang sinapit ni Mama. Napakasakit pala ng pinagdadaanan niya.

“Ma, alis na ho ako!” pagpapaalam ko kagaya nang nasanayan kong gawin araw-araw.

Ang hirap palang humakbang habang iniisip mo ang mga masasakit na alaala. Hindi ko nga alam paano ako nakauwing buo sa bahay ng gabing iyon. Ang tanging alam ko lang ay nasaktan ako at hanggang ngayo'y patuloy paring nasasaktan at kahit hindi ko man aminin ay tanging siya lamang ang makakapawi ng lahat.

“Parikoy!” Napaangat ang tingin ko at bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Jeff.

“Magandang umaga!” bati niya. Ngumiti ako ng matipid. “Magandang umaga!” bati ko pabalik at pilit na tinatago ang lungkot.

Napakahirap palang kumilos ng normal kapag alam mong may mali.

“Parang may mali?” saad niya sabay titig sa mukha ko.

Bigla akong kinabahan at baka napansin niya ang ekspresyon ko. “H-Huh?” tanong ko.

“Parang ano, parang mas lalo kang pumangit!” natatawang wika niya. Nakahinga ako nang malalim. Sinamaan ko lamang siya ng tingin at nagsimula nang maglakad. Wala ako ngayon sa mood na makipag-asaran sa kaniya.

“Hoy! Joke lang!” saad niya sabay habol saakin sa paglalakad.

Hindi ko alam pero sobrang lungkot ko. Nahihirapan ako! Ganito ba talaga pag nagmamahal? Naiiyak ako na ewan.

“Sasa hintay!” sigaw niya. Mas lalo kong minadali ang paglalakad ko dahil ayokong makita niya ang umiiyak kong mukha.

“Parikoy joke lang eh. Lagi ka nalang may dalaw araw-araw!” sigaw niya ngunit hindi ko pinansin iyon. Sorry Jeff, ayoko lang talagang mag alala ka sa mga kadramahan ko sa buhay.

“Parikoy!” Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at pilit na pinapaharap sa kaniya. Nakayuko akong humarap sa kaniya.

Hinawi niya ang buhok kong nakatabon sa mukha ko at marahang iniangat ang mukha ko. “Hala! Sorry parikoy! Hindi ko—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya at niyakap ko na siya.

Humahagulhol ako at umiyak nang umiyak sa balikat niya. Hindi ko man sinasabi pero ito ang kailangan ko. Kailangan kong ibuhos ang luha ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

“Sorry, pasensiya na. Maganda ka naman talaga eh! Sobrang ganda mo! Sorry na oh tahan na baka papangit ka niyan!” saad niya.

Unti-unti akong bumitaw sa yakap niya. Pinahid ko ang luha ko at humarap sa kaniya. I made a deep sighed. “May sasabihin ako sa'yo parikoy,” saad ko.

Tumango naman siya. Nagsimula na kaming maglakad. Magkaibigan naman kami ni Jeff at pinagkakatiwalaan ko naman siya.

Kinwento ko sa kaniya ang lahat. Lahat ng nararamdaman ko para kay Apollo at sa mga nalaman ko tungkol sa kanila ni Joy.

“Susuntukin ko 'yang Apollo na' yan Parikoy!” galit na saad niya.

Napatingin ako sa paligid at nandito na pala kami sa tapat ng University. “Wag na parikoy, baka mas lalo pang gumulo. Hayaan nalang natin,” tugon ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Basta kapag sinaktan kapa ng gong-gong na 'yan sabihin mo lang sa'kin Parikoy at hindi ako magdadalawang isip na suntukin siya!” Nginitian ko lang siya.

“Magfocus ka nalang sa klase at' wag mo na akong alalahanin, okay?” saad ko.

“Ah hindi susunduin kita mamaya sa huling klase mo!” saad niya. Tumango na lamang ako para matapos na.

Hinatid niya ako sa unang subject ko. Pagdating ko ay naroon na si Joy na halos mapunit na ang mukha kakangiti habang ang mga kaklase ko'y pinapaikutan siya.

“Talaga? Engage na kayo ni Apollo?” rinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Hindi ako lumingon at nakatoun lamang ang atensiyon ko sa kwadernong kaharap ko. “Yes and malapit na kaming ikasal!”

Palihim akong napangiti nang mapakla. Ano nga ba ang laban ko?

“Close pala ang family niyo Joy?”
“Super close, kaya nga ipagkakasundo na kami diba?” tugon ni Joy.

Pinilit kong isarado ang tenga ko at ayoko nang madinig pa ang mga pinag-uusapan nila. Mabuti na lamang ay pumasok na ang professor namin.

Walang pumapansin saakin. Lahat ay parang iniiwasan ako, parang may virus ako na nakakahawa na kailangan nilang iwasan.
Okay naman saakin ang ganon para tumahimik na ang buhay ko.

Gusto kong bumalik sa dati na wala akong pakialam sa mundo. Na ang tanging iniisip ko lang ay ang kapakanan ni Mama at Jeje, hindi katulad ngayon. Gusto kong ibalik ang dating ako.

Lumabas ako ng classroom. Naisipan kong pumunta muna sa forest ng University para magpahangin. Kailangan kong magpahinga, maybe I'm not tired physically but I'm very tired emotionally.

Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway nang laking gulat ko nang bigla na lamang may humigit sa kamay ko patungo sa madilim na parti ng University kung saan wala masyadong pumupuntang estudyante. Kinabahan ako bigla at agad nagpumiglas sa hawak ng kung sino.

“Safira.” Namanhid ang katawan ko at naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang madinig ko ang boses niya. Mas lalong kumabog ang puso ko.

“Bitawan mo ako A-Apollo,” tanging nasabi ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at parang wala siyang planong bumitaw.

Sobrang lapit namin at natatakot ako. Natatakot ako na baka sa lakas ng pintig ng puso ko'y marinig niya ang tibok nito.

Sa kabila ng kaba ay pinilit kong magpumiglas mula sa hawak niya.

“Please... Stay.” Nanghina ang tuhod ko nang madinig ko ulit ang boses niya. Parang automatic na tumigil ang katawan ko kahit iyon lamang ang sinabi niya.

“Aalis na ako... Apollo.” Parang may double meaning ang sinabi ko sa kaniya. Aalis na ako kung saan ako ngayon at aalis na ako sa buhay niya. Kaya ko nga ba?

“Engage na kayo ni Joy, ayokong may makakita saatin na ganito. Gusto kong mamuhay ng normal Apollol!” nanghihinang wika ko.

Huminga siya nang malalim at tinitigan ako. Sa kabila ng dilim ay tanaw na tanaw ko parin ang perpektong mukha niya.

“I don't damn like her Safira! Ikaw lang! Please stay... Just tell me that you will stay, handa akong gawin ang lahat para sa'yo!” Parang unti-unting pinupunit ang puso ko habang tinitignan siyang nalulungkot.

Paano ba? Paano nga ba? Nakakalito.
“Please I love you, I love you so much. Hindi ko kayang bitawan ka. Just tell me that you will stay, please?” Napatalikod ako sa kaniya sapagkat hindi ko kayang makita siya sa ganoong sitwasyon.

Why he's making this hard for me? For us? Bakit hindi nalang siya sumunod sa mga magulang niya?

Kaya ko naman sigurong kalimutan siya diba? Kaya ko ba?

Nagulat ako nang yakapin niya ako. Hindi parin ako humaharap sa kaniya. “I love you Safira. I can do everything just to be with you for a lifetime.” My heart jumped.

Unti-unti na ngang tumulo ang luha ko. Paano? Engage na siya kay Joy!

“Kaya ko pang umurong sa kasalang iyon Safira. Please tell me that you will stay!” Napapikit ako.

Masama bang maging selfish kahit ni minsan? Masama bang lumaban at piliin ang kaligayahan kahit minsan?

Humarap ako sa kaniya. Parang pinupunit ang puso ko habang nakikita siyang umiiyak para saakin. Hindi ko deserve ang luha niya.

“I'm sorry for hurting you. Allow me to fight for us.” Napapikit ako at mahigpit na napahawak sa balikat niya.

Marahan akong tumango. “Let's keep fighting Apollo. I will stay no matter what.”

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon