"At para sa huling parte ng exam. Klein Schneider ng Section X laban kay Darius Brookes ng Class 3-C!"
Pagsabi no'n ni Ms. Merlot ay umakyat na ng arena si Darius. Samantalang si Klein naman ay tumayo na sa kinauupuan niya para bumaba sa arena.
"Si Darius ay isang Sobek."
Napatingin ako kay Gunner nang bigla siyang magsalita.
"Sobek?" tanong ko.
"Ang Sobek ay isang half human, half crocodile creature. Pansin mo 'yong balat niya? May kaliskis na parang sa buwaya, 'di ba? Tapos may crocodile tail din siya," paliwanag ni Gunner habang nakatingin kami sa makakalaban ni Klein.
Pansin ko nga. Tao naman ang features niya. Mula sa buhok niyang kulay itim, 'yong mukha niya, at buong katawan niya hanggang paa. Pero 'yong balat niya, may mga kaliskis na parang crocodile skin. Mayroong gano'n sa gilid ng mukha niya hanggang leeg.
'Yong mga mata niya ay kulay yellow na parang mata talaga ng isang buwaya. May mga pangil siya at matutulis na kuko at meron nga siyang crocodile tail.
Natahimik muli ang buong coliseum at ramdam na naman namin ang nabubuong tensyon sa pagitan ng maglalaban.
"Schneider versus Brookes, simulan na!"
Pagkasabi no'n ni Ms. Merlot ay bumaba na siya ng arena at bumalik sa kinauupuan niya.
Nakita naming may biglang lumitaw na divine weapon sa kamay ni Darius.
"Hindi ba flail ang tawag sa weapon na 'yon ni Darius?" tanong ko bigla.
"Tama, Aika," sagot naman ni Xavier.
"Aba. May natututunan ka talaga sa studies natin, ah?" pabirong sabi naman ni Gunner.
Natawa naman ako, "Oo naman."
Ang flail ay isang weapon na parang latigo siya na gawa sa kadena tapos sa dulo nito, may malaking bola ng bakal na may spikes.
"Njord Scepter."
Pagkabanggit no'n ni Klein ay may kulay green na liwanag na lumitaw sa kanyang kamay at pagkatapos no'n ay lumitaw ang kanyang divine artillery.
Nagulat kaming lahat at pigil-hininga nang mabilis na sumugod sa isa't isa sina Klein at Darius. Parang kidlat sa bilis ang dalawa kaya naman ang iba sa'min ay napasinghap na lang at napanganga.
Winasiwas ni Darius ang flail niya sa paanan ni Klein. Pero mabilis niya itong naiwasan nang bumaligtad siya sa ere at nang nasa likod na siya ni Darius ay tinutok niya ang dulo ng scepter sa likod nito.
Sa isang iglap lang ay tumalsik si Darius at napasubsob siya habang nakakaladkad sa lupa.
Lalong napalaglag-panga kaming lahat na nanonood dahil sa pinamalas ni Klein.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasia[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...