Kabanata 51
Drunky Drunky
"Okay ka lang?"
Agad akong sinipat ni Zerachiel pagkarating ko palang ng classroom nila. Hindi na ako pumasok sa next class ko, which is 'yong kay Sir Hernandez, kaya hindi na ako nakapag-take ng quiz. But that doesn't bother me at this moment.
Tumango lang ako kay Zerach. Ang nakabusangot paring si Sachzna naman ang sunod na humarap sa akin. Chineck niya kung may lagnat ba ako dahil sa marahil ay namamaga parin ang mga mata ko kakaiyak kanina.
"We're all eighteen now. Mag bar tayo mamaya." Seryosong tugon ni Sachzna at nilagpasan nalang kaming dalawa.
At gano'n nga ang nangyari. Natapos ang mga klase namin ngayong araw nang wala man lang pumapasok sa utak ko ni katiting sa mga idiniscuss ng mga lecturer namin. Totoo nga 'yong theory ko kanina na magiging occupied ang utak ko sa klase.
"Take care, my Zaicho."
Rinig ko ang tunog ng pag-ngisi ni Thiago sa kabilang linya. Agad ko namang pinatay ang tawag. Napalunok ako nang makaramdam ako ng guilt. Pumayag siya sa gusto kong mangyari kanina. Sabi nga niya, I belong to him now and he will court me forever.
Ayokong lumabas na gagamitin ko siya pero feeling ko ay wala na akong ibang magiging choice.
Nakita ko pa ang pangalan ni Kuya Malach sa phone ko, tumatawag, pero hindi ko ito sinasagot. Nakailang beses na siyang tumawag sa akin ngayon pero patuloy lang din ako sa pag-reject dito. Ipinower off ko nalang 'yong phone ko nang matigil na siya. I don't want to hear him now.
"One more bottle of Jack Daniel's, please." Pag-agaw ni Sachzna sa atensyon no'ng bartender.
Pangalawang bote na namin 'yon ng Jack Daniel's, tatlo lang kami dito sa table namin pero agad ring nauubos ang inumin namin dahil sa may mga kakilala kaming panay ang hingi.
Kita ko na sa mukha nila Sachzna at Zerach ang pamumula, hudyat ng pagkalasing. Saturday naman bukas at kailangan daw namin 'to dahil sa halata sa mga mukha namin na pare-pareho kaming may pinagdadaanan. First time naming mag-bar ng kaming tatlo lang. Saka lang kasi kami nakakapunta dati ng bar kapag may mga occasions lang.
Kanina pa nagku-kuwento sila Sachi at Zerach. Ngayon ko lang nalaman na may love triangle palang namagitan kila Kuya Kenshin, Kuya Yael at kay Zerachiel, siyempre, ang kaibigan kong suplado ang siyang pinag-aagawan. Ang rason pala kung bakit galit si Zerachiel noon kay Kuya Kenshin, si Kuya Kenshin raw kasi talaga ang pinili ni Zerach noon pero pinili ni Kuya Kenshin na ipaubaya siya sa Kuya nilang dalawa ni Sachzna, kay Kuya Yael.
Ang rason naman daw ni Kuya Kenshin ay baka hindi niya mapanindigan si Zerachiel, masyado raw kasi itong mataas at inakala niyang ang Kuya Yael niya ang makakatugon ng pagmamahal na deserve ni Zerach pero hindi rin pala nag-work. And I'm glad to hear na okay naman na sila ngayong tatlo at nagde-date na yata ulit sila Kuya Kenshin at Zerach. Ang pambansang loveteam, ZerShin.
Pero ang weird lang na kaibigan ako ni Zerachiel pero wala talaga akong maalala tungkol sa nangyaring 'yon sakanila.
Nakumpirma ko rin namang nag-away nga sila Kuya Zachy at si Sachzna. Seloso raw kasi masyado si Kuya na pati ang driver nilang ka-text lang daw ni Sachzna na sunduin na siya ay pinagseselosan pa.
I sucked a deep breathe nang maramdaman ko ang pagkahilo sa sistema ko dulot ng alak. I don't think I need to share them about my feelings to Kuya Malach. I will tell it to no one. Hindi ko alam kung maiintindihan ba nila ako kapag sinabi ko sakanila ang tungkol doon.
"Uy, may pogi!" Tila ba nagliwanag pa ang mga mata ni Sachzna sabay turo pa sa kalalakihang sumasayaw sa gitna.
"Sachi!" Singhal ko sakaniya nang dere-deretso siyang pumagitna sa dance floor.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...