ANGELICA'S POV :
Gabi na nang dumating ako sa bahay namin . Pumasok ako sa loob ng bahay at nagulat .
''Angie ! Si Aeron'' Sabi ni Taehyung.
''Why ?" Tanong ko.
''Si Aeron ! Ayaw niyang makinig ! Nagbabanta siya na tatalon daw siya sa may bintana ng kwarto niya'' Sagot ni Taehyung.
''What ???" Tanong ko.
Agad akong nagtatakbo papunta sa may harapan ng pintuan ng kwarto ni Aeron .
''AERON ! AERON !'' Sigaw ko.
''Angie ~'' Sabi niya habang umiiyak.
''Aeron , Wag na wag mong gagawin 'yan !'' Sabi ko.
Nasa may tabi na siya ng bintana at nakikita ko yun dahil nakasilip ako sa butas ng pintuan ng kwarto niya.
''Ayoko na Angie ~'' Sabi niya.
''Aeron ! Wag Please ~'' Sabi ni Taehyung.
Natataranta na kaming dalawa at hindi namin alam ang gagawin kasi wala sina Mom at Dad . Wala rin kaming susi ng kwarto niya . Maya maya ay agad akong pinatabi ni Taehyung at kumuha ng martilyo . Buong lakas niyang sinira yung lock nung kwarto . Sa wakas , Nabuksan niya . Hanggang sa nagtatakbo na ko't pinigilan si Aeron .
Agad ko siyang niyakap . Namayat siya't namumutla .
''Aeron'' Sabi ko habang kayakap siya.
Mas nagulat ako nang bigla siyang bumigat . Kaya naman pala kasi nawalan siya ng malay.
''Aeron ! Aeron !'' Panggigising namin sa kanya kaso wala siyang malay.
Nahihirapan din kami na makitang nagkakaganito si Aeron ngayon . Ang dating masigla at masayahing Aeron ay nag-iba . Naging malungkot at matamlay .
''Taehyung , Hindi dapat nating hinahayaang nagkakaganito si Aeron'' Sabi ko.
''Alam ko pero ....'' Sabi niya.
''Pero Ano ? Pero kailangang sundin sina Mom ? . Ano ka ba naman ? Nasa pahamak na si Aeron ! Hindi na dapat maulit yun !'' Sabi ko.
''Eh Ano bang magagawa natin ?" Tanong niya.
''Kausapin natin si Mom at Dad ! Makiusap tayong hayaan nang lumabas si Aeron !'' Sabi ko.
''Fine ! Gagawin natin ang lahat para matulungan siya'' Sagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
RandomWhat is Love? Love is not just about your feelings for someone but it's also about forgiveness. Anong mangyayari kung biglang magkrus ang landas ng bawat isa ? Ano nang mangyayari kapag nagkagulo na sila ? Paano nila makakamit ang Happiness na inaa...