Kabanata 18
AS LONG as Linus is choosing him, Ivler knew other people's opinions wouldn't matter anymore.
Napakahirap man na wala ito ngayon sa tabi niya at sobrang dalang lamang nilang makapag-usap dahil sa sitwasyon ni Linus sa trabaho, inabala na lamang nang husto ni Ivler ang sarili sa football.
Siya na ang kusang nagpresinta na pamunuan ang try outs sa mga probinsya. Ideya iyon ni Keison dahil naniniwala itong maraming mahuhusay na manlaro sa iba pang panig ng bansa at hindi lamang mayayamang player ang kayang makipagsabayan sa international sports competition.
Ivler didn't mind the girls who keep screaming his name. Kung noon ay nagpapakasasa siya sa atensyon ng mga ito, ngayon ay ni ang kawayan ang mga ito at paasahin ay hindi niya na magawa pa.
Girls from showbiz, models, and those who came from powerful families keep hitting on him but Ivler politely declined all their traps. He made an oath to Linus, so with or without his lover, Ivler remains faithful.
Tiniklop niya ang kanyang mga braso at sinuri ang mga nais mag-try out. When he spotted a couple of guys who obviously came from a powerful family in the province, trying to mock a petite guy whose only wearing a regular pair of running shoes, his brows furrowed.
Pumito siya at sinenyasan ang payat na lalakeng lumapit, ngunit nang maglakad ito at pinatid ng mas malaking lalake ay tuluyang napigtas ang pasensya ni Ivler.
"What the fuck do you think you're doing?!" His voice thundered, silencing the whole place.
He grabbed the petite guy by his shirt and pulled him up before he faced the two big guys who don't seem sorry for what they did.
"Nothing, Sir. Tinutulungan lang namin siya."
Umigting ang panga ni Ivler. "Tinutulungan sa paanong paraan?"
Ngumisi ang halatang mas matanda. "Na ma-realize ho na hindi siya nababagay rito."
Inis na umismid si Ivler. "And you do, hmm?"
Napawi ang ngisi nito nang magtawanan ang ibang nagta-try out. Napayuko ito sa pagkapahiya at hindi na sumagot pa. Napailing tuloy si Ivler. Pikon na pikon pa man din siya sa mga ganoong uri ng tao na napakalakas ng loob magyabang ngunit hindi naman kayang patunayan ang mga sinasabi.
He picked up the soccer ball and dragged the petite guy by his arm. Mayamaya ay sinenyasan niya ang isa sa mga loyal niyang team mate na sumama sa tryout.
"Larson! Goal."
Kaagad itong tumakbo palapit sa kanila at pumwesto sa goal. Humarap naman siyang muli sa lalakeng binu-bully.
"Name?" seryoso niyang tanong.
Halatang kinakabahan itong sumagot. "P—Percy, S—Sir."
"Precilla!" kantyaw ng mga tarantadong nang-aasar dito kanina.
Nagngitngit ang mga ngipin ni Ivler sa inis. Babalikan niya sana ang dalawa nang bumara sa kanyang daraanan si Percy saka ito nakayukong nagsalita.
"H—Hayaan ninyo na lang ho, Sir." Nahihiya itong sumulyap sa kanya. "S—Sanay naman ho ako."
He sighed and glared at the other guys. "Why the fuck are they calling you that way, hmm?"
Nahihiya itong yumukong muli. "S—Silahis ho... Silahis ho kasi ako... kaya rin ho... nila ako tinatawanan dahil dapat ay... sa beauty contest daw ako ng mga bakla nagsasasali."
Natigilan si Ivler at napatitig kay Percy. Mayamaya ay napalunok siya ng sariling laway bago siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "Do you believe that?"
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...